Kumusta naman ako? Heto saktong nag-eenjoy sa job hunting. ’Yong totoo? Natutuwa ako sa ginagawa kong pagjojobhunt. Natutuwa ako kasi ang dami kong natututunan, nalalaman.
Mag-iisang buwan na ako dito sa Manila. Pero wala pa rin akong trabaho. Eh paano ba naman, aanim na kompanya pa lang ang pinupuntahan ko. Hahaha! At sa anim na kumpanyang ‘yon, lahat ng exams nila naipasa ko naman. Nainterview naman ako ng HR. Ikwento ko lang ha. Napakawalang kwenta kasi ng mga pinaggagawa ko sa mga exams at interviews.
Pumupunta lang kasi ako sa kumpanya kapag iniinvite ako for an exam and interview. Ang init init kaya.
Pumunta ako sa Kumpanya 1. First time kong lumabas ng lungga para mag-exam at mainterview. Pumasok sa kumpanya. Winelcome ako ng receptionist na English bongga with accent ang pananalita. Nashock me much kaya sige Englishin na nga rin kita kahit ang sakit sakit na. Nag-exam ako. Ang hirap. Pero sa tindi siguro ng mirakulo, anakngtokwa, naipasa ko ang exam. Pero ang ikinagulat ko ay ang katabi ko sa upuan na humihiram ng ballpen na Inienglish ako. Holy cow! Pati ba naman applicant, nag-eenglish. Ayaw ko na dito sa company na ‘to. English kung english. Maaga akong mamamatay. Maya-maya tinawag na ako for interview. Bongga! Hindi ko alam ang mga sinasabi ko. Result? Failed.
Pumunta naman ako sa Kumpanya 2. Ang ganda ng cr nila. Automatic. May mga kung anu-anong pwedeng pindutin. Tapos bago ka pumasok sa loob ng office, may ipapasuot pa sa’yo na mga medyas. Itong kumpanya namang ito hindi ko magets ang pinapaexam. Kahirap men. Tungkol naman sa IE. At hayun. Ewan ko naipasa ko ata kasi ininterview ako. Result? Failed.
Pumunta naman ako sa Kumpanya 3. Maganda. Ang sosyal. Ang exam? Sobra makatime-pressure. 20 items in just 4 minutes. Logic kind of exam. Tapos ‘yong iba pang mga exam, pamatay din. Problem solving ang peg. Right minus wrong pa. Kaya sinulat ko lang ‘yong sure ko. Hayun, tsumamba ata ako kasi tinatawagan na ako ng kumpanya. Phone interview ata muna. At ang siste, lagi kong hindi nasasagot. Bakit? It’s either naglalakad ako. O naglalakad na naman ako. O sadyang ewan ko. Kaya naman asar na asar ako sa sarili ko kasi ‘yong opportunity lagi ko na lang pinapalampas. Waaah. Gusto ko pa man din ‘to. Sana tumawag ulit sila. I promise na sasagutin ko na.
Next na kumpanya ay si Kumpanya 4. Hindi kagandahan ang lugar ng kumpanya. Pero sige exam pa rin. Anankngtokwa. Mahirap ang exam. Technical kung technical. Pagproprogrammin ka pa. Ganyan kahardcore. Pero hutahena, after two days nagtext sila. Pumasa daw ako and they’re inviting me for preliminary interview. Pumunta naman ako. Heto ang masaklap. Akala ko kasi HR interview questions lang but no! HR at technical in one. Dalawa silang nag-interview sa akin. Huhuhu! Kinakabahan me much. Parang ‘yong mga sagot ko eh napakawalang kwenta na. Habang iniinterview ako, ramdam ko na hindi na talaga ako papasa. Ang nonsense na ng sagot ko. Wala na. Result? Passed. And they’re inviting me for the final interview with the president. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko mas technical to the highest level sakit sa bangs portion na ito.
Kumpanya 5. Pwede bang wag ko na lang ikwento. Hahaha! Unang pasok ko pa lang sa kumpanya, ayaw ko na agad. Tapos ayun ininterview ni HR. Tapos next naman sa technical interview. Tapos may job offer. Ayoko sa trabaho. Ayaw ko sa sweldo nila. Ayaw ko ng job offering nila. Parang wala kasi akong growth kapag ganoon ang trabaho ko. Parang walang challenge. Parang ganoon. Kahit engineer na trabaho siya pero basta ayaw ko lang. Kaartehan 2013. Result? Rejected the offer.
Kumpanya 6. Mahirap ang exam. Logic kung logic ang IQ Test. Ang exam nila dito may level level pang nalalaman. Kapag hindi mo naipasa ‘yong level 1 exam, you can’t go to the next level. In short, UWI. Eh naipasa ko kada-level. Mantakin mo ‘yan? As in naipasa ko talaga. Hindi ko rin alam kung paano ko naipasa pero naipasa ko talaga kahit ang hirap hirap lalo na ng technical exam nila. Tapos heto, HR interview na naman daw sa Tuesday. ’Yong totoo? Gusto ko ang company na ‘to. Sinuhulan kasi ako ng chocolate drink. Hahaha! Habang mag-eexam ka kasi eh bibigyan ka nila ng maiinom. Hakhak! Ganyan lang ako kababaw. Chocolate drink lang, nafafall na ako (hindi sa tao ah) sa company. Result? Waiting…
Di bale hindi na ako magpap
SAMSUNG CHAMP CAMPHONE EDITION
Alam ko gasgas na gasgas na ang ganitong pakulong Project 365 na kukuha ng mga larawan ebridey pero papatulan ko pa rin (Di na natuto). Papatulan ko pa rin kahit wala akong humahabang-habang-lenteng camera. Papatulan ko pa rin kahit hindi ako photographer. Papatulan ko kahit wala akong alam sa anggulo-anggulo shits na ‘yan. Papatulan ko pa rin ‘yan kahit isang hamak na Samsung Champ lang ang gamit ko. Dahil naniniwala akong ang importante ay mahalaga.
January 08-14, 2013

Day 008/365: “Clouds come floating into my life, no longer to carry rain or usher storm, but to add color to my sunset sky” – Rabindranath Tagore

Day 009/365: “Time is a wealth of change, but the clock in its parody makes it mere change and no wealth.” – Rabindranath Tagore

Day 010/365: “Forget all the rules. Forget about being published. Write for yourself and celebrate writing.” – Melinda Haynes

Day 011/365: “A well-ordered life is like climbing a tower; the view halfway up is better than the view from the base, and it steadily becomes finer as the horizon expands.” – William Lyon Phelps

Day 012/365: “What is a weed? A plant whose virtues have never been discovered.” – Ralph Waldo Emerson

Day 013/365: “The sun shines and warms and lights us and we have no curiosity to know why is this so; but we ask the reason of all evil, of pain, and hunger, and mosquitoes, and silly people.” – Ralph Waldo Emerson

Day 014/365: “Happiness can be found even in the darkest of times, if one only remembers to turn on the light.” – Albus Dumbledore
Wag mong pagpapansin-pansinin ang umiEnglish na kowts. Inilagay ko lang ‘yan para kunyari may sense ang post na ‘to pero wala talaga.
Heto na naman ako. Sinasaktan ko na naman ang sarili ko. Kahit ano ang gawin kong pag-iwas, magpapakita at magpapakita talaga ang ganyang klaseng mga kabagayan ng mundo. ’Yong pakiramdam na ganito. Na natanggap mo na masaya ka na. Sige pa. Kaya pa naman magtyaga. Kaya pang maghintay. Makuntento ka muna. Dadating din ‘yan. Sa ngayon, dyan ka muna.
Pero kasi kapag may tumatambad sa aking mga imaheng nakakainggit talaga, nakakafrustrate lang bigla. Tapos sasabihin sa sarili, hindi mo pa naman kelangan ‘yan. Next time na lang. Pero kasi alam mo naman na first love mo ‘yon eh. Parang alam mo ‘yon? Hindi ko maexplain eh.
Click. Heto may mababasa ka. Malulungkot na naman. Masasaktan na naman. Pero sige click pa rin. Magsesearch. Madedestino sa isang webpage. Hala, basa pa rin. Magcocompare. Masasaktan ka na naman. Pero ipagpapatuloy mo ang pagbabasa. Aabot ka pa ng ilang minuto kakatitig lang sa isang larawan. Tapos hayan mangangarap ka naman. Kalungkutan na naman ang babalot sa katauhan mo. Maaawa ka na naman sa sarili mo.
Tapos marerealize mo na hindi ka na makahintay pa. Parang kelangan mo na kasi talaga. Anakngkikiam naman kasi talaga eh. Ba’t kasi bigla na lang nasasaktan ang sarili nang hindi sinasadya.
Tapos mapapaisip ka, kelangan mo nga bang talaga? O nalulungkot ka lang kasi nasa bingit ng kamatayan ang mahigit kumulang na apat na taong pag-ibig. Nakakainis lang. Parang bumabalik na naman ako sa Under Construction. Sawi na naman o.
Ba’t kasi hindi ka nalang naging oil capacitor na may self healing capability nang hindi ako nahihirapan nang ganito. Umaasa ako sa isang 1.3 megapixel na camera phone na gustuhin ko mang kumuha pa nang mas maayos at maaliwalas na larawan, hindi ko magawa. Limitado lang kasi ang kakayahan nang naturang gadget.
Uno, my camera, miss na kita. Seryoso. Walang halong biro.
Uno, hindi ka ba nalulungkot? Kasi nag-iisa ka lang dito sa puso ko. Baka gusto mo na ng kasama. Gusto ko na kasi bumili ng bagong camera. Pero hindi pa naman sa ngayon. Kaya huwag kang mag-alala. Ikaw pa rin numero Uno sa ngayon dito sa puso ko. Nakanang.
Hayaan mo munang makawawa itong si Blitzkrieg (camera phone) ko na kakakuha at kakapilit na kumuha ng litrato.
Gustong-gusto ko talaga ang photography. Parang kapag tatanungin ako kung ano ang talent ko, sasabihin ko na kumuha ng litrato kahit alam kong wala pa talaga ako sa kalingkingan ng isang photographer. First love ko ang hobby na ‘to. Nagsimula noong elementary hanggang sa ngayon, hindi bumibitiw ang matinding pagkahilig at pagmamahal sa photography.
Huwag mo nang itanong kung ano ba talaga ang punto ng isinusulat ko dahil ako mismo hindi ko rin alam. Nagulat na lang ako kasi bigla akong nalungkot sa mga larawan ng mga iba’t ibang camera.
Sigh.
Aba’y akalain mo? Tapos na ang Pasko at Bagong Taon eh may natanggap pa rin akong regalo. Naks, regalo. Hindi ko ekshelli inasahan na sa simpleng biro ko na “Merry Christmas, regalo ko ate?” eh totohanin niya pala. Akala ko joke joke lang pero oh well papel natanggap ko na. Akalain mo ‘yon?
And wait there’s more. Hindi lang ‘yan galing sa Luzon. Naglakbay ang mumunting padalang ito all the way from Cebu. As in Cebu. Mantakin mong may kaibigan ako sa Cebu kahit buong buhay ko eh hindi pa ako nakakalabas ng Luzon.
Kaya naman noong narinig ko ang motor ni manong hari ng padala eh hindi ako mapakali. Nakakainis na timing. Nasa loob kasi ako ng banyo. Naliligo. Kaya naman si papa na lang ang kumuha ng padala mula kay manong hari ng padala. Asar much. Hindi ako ang unang nakahawak. Hakhak.
At nang mapasaakin at nabuksan ko na eh talaga namang abot langit ang aking ligaya. Hakhak!
Ang dami ko na namang pagkain o. Tapos tigtatatlong piraso. Ano ibig sabihin nun? Ay lab yu? Hakhak! Ay miss yu? Hakhak! Ewan ko basta ang saya ko. Hakhak!
At hindi pa nakuntento, may damit pa akong SINULOG. Oha? Ang ganda lang ng design. Hindi ako mapakali. Masyado na naman akong masaya.
Ate Aninipot, maraming salamat sa regalo mo. Maraming salamat talaga. Hindi ko alam kung paano ipaparamdam sa’yo ang kasiyahang naihatid mo sa akin pero basta I am so happy. And I just can’t hide it. And I can’t take this feeling anymore. Daming lyrics eh. Hakhak! Basta ate, arigatou gozaimasu. *cyber hug*
P.S. Saktong-sakto ang t-shirt sa akin. Hakhak! Oha!
Hindi na tayo estranghero sa isa’t isa. Wala ng anonymous ek ek sa atin. Hakhak!
Papel
Siya ay papel. Makulay na papel na hawak mo sa iyong mga kamay. Isinulat. Iginuhit. Isinatitik ang mga hiling na tanging siya lamang ang nakakaalam. Nilukot. Tinupi. Lumikha at hinulma ang isang eroplanong papel. Nagpunta ka sa ikalawang palapag ng inyong tahanan at saka mo pinalipad mula sa balkonahe ang eroplanong papel na punong-puno ng mga pangarap. At siya’y sumabay sa ihip ng hangin. Nagtagal ito sa kalangitan. Kumanan. Kumaliwa. Tumaas. At bumagsak paibaba kasabay ng pagbagsak ng ulan. Dali-dali kang tumakbo at tumalon upang saluhin siya, ang papel. Ang eroplanong papel. Ang eroplanong papel na punong-puno ng mga pangarap. Napasakamay mo siya. At sabay kayong bumagsak sa lupa. Napunit. Nawasak. Naglaho.
Gunting
Siya ay gunting. Matalas. Makintab. Nakakasakit. The thing that your parents warned you about. Mahirap dalhin. Mahirap kasama. Buong buhay mo, nilayuan mo siya. Ni hawakan, hindi mo ginawa. Isang araw, hindi mo mabuksan ang sitsiryang binili mula kay Aling Nena. Kahit anong pilit mong buksan sa tear here na parte, hindi umuubra. Wala ang iyong ina. Wala ang iyong ama. Wala kang mautusan na buksan ang iyong sitsirya. At mula sa kusina, nakita mo ang kislap, kintab ng gunting. Siya’y iyong nilapitan. Hinawakan. Ginamit. At nabuksan ang sitsirya. Nabuksan ang happiness.
Bato
Siya ay bato. At siya’y itinapon mo sa iyong kaaway. Naghintay ka sa paghihiganti niya. Ngunit walang bumalik na bato. Walang ibinatong tinapay. Siguro ayaw kang patulan. Dumaan ka sa kanilang tahanan. At doon mo nakita ang kanyang paghihiganti. Daily Bread Bakery.
Batopik
Siya si Batopik. Hindi dapat nilalaro ng basta basta. Pagkat isa siyang bato na kayang durugin ang iyong mga buto. Pagkat isa siyang gunting na kayang hiwain ang iyong balat. Pagkat isa siyang papel na kayang saktan ang iyong puso.
——-
Ito ay alay ko sa aking mahusay, mabait at aking mahal na kaibigan na si Batopik. Maligayang Kaarawan sa’yo. 22 ka na. Tanda na you. Tanda na rin me. Hakhak! Masyado ka kasing deep na tao. Masyado ka ring makata. Hindi kita masabayan. Kaya ewan ko, gumawa na lang ako ng kung anu-anong shit na hindi ko rin alam kung ano at para saan talaga.
Muli, maligayang kaarawan!
SAMSUNG CHAMP CAMPHONE EDITION
Alam ko gasgas na gasgas na ang ganitong pakulong Project 365 na kukuha ng mga larawan ebridey pero papatulan ko pa rin (Di na natuto). Papatulan ko pa rin kahit wala akong humahabang-habang-lenteng camera. Papatulan ko pa rin kahit hindi ako photographer. Papatulan ko kahit wala akong alam sa anggulo-anggulo shits na ‘yan. Papatulan ko pa rin ‘yan kahit isang hamak na Samsung Champ lang ang gamit ko. Dahil naniniwala akong ang importante ay mahalaga.
January 01-07, 2013

Day 001: “We will open the book. Its pages are blank. We are going to put words on them ourselves. The book is called Opportunity and its first chapter is New Year’s Day.” – Edith Lovejoy Pierce

Day 002: “One of the great lessons the fall of the leaf teaches is this: do your work well and then be ready to depart when God shall call.” – Tyron Edwards

Day 003: “Trees are the earth’s endless effort to speak to the listening heaven” – Rabindranath Tagore

Day 004: “There is only you and your camera. The limitations in your photography are in yourself, for what we see is what we are.” – Ernst Haas

Day 005: “Some minds improve by travel, others, rather, resemble copper wire, or brass, which get the narrower by going farther” – Thomas Hood

Day 006: “Don’t let negative pictures play on the movie screen of your mind. You own the remote control. All you have to do is change the channel.” – Unknown

Day 007: “Each new day is a blank page in the diary of your life. The secret of success is in turning that diary into the best story you possibly can.” – Douglas Pagels
Wag mong pagpapansin-pansinin ang umiEnglish na kowts. Inilagay ko lang ‘yan para kunyari may sense ang post na ‘to pero wala talaga.
Siyangaps, ‘yong naunang dalawang larawan eh kuha ng isang digicam (pagmamay-ari ng kapatid ko). Nasaan ang camera ko? Ikinalulungkot kong ipaalam sa’yo na si Uno, ang camera ko, ay may malubhang sakit. Hindi pa natutukoy ang naturang karamdaman. Ngunit umaasa pa rin ako, kami ng aking buong pamilya, na makakayanan niya ang sakit niya. Hindi pa nga namin siya nadadala sa pinakamalapit na pagamutan ng mga camera dahil hindi wala pa kaming sapat na kwarta para matustusan ang kanyang pagpapagamot.
Ang arte lang.

Ang larawan ay mula sa salbehe.com
Binalak ko na talagang bilhin ‘tong Witty planner na ‘to noon pa. Kaso biglang boom! Nawala na ‘yong promo nila na free shipping. Hindi ako nakaabot. At dahil isa akong poorita peralejo, hindi kasama sa budget ko ang shipping. Kaya ganun ganun ko na lang sinuko ang pagtamasa sa planner na ‘to. Sabi ko, sa taong 2014 na lang ulit. Baka hindi kami para sa isa’t isa. Baka sadyang, wala lang…
Pero, sa di inaasahang pagkakataon, as in WOW ULAM talaga! Eh may paraffle si ate salbehe. At ang premyo? Syempre ‘yong WITTY PLANNER! Papalampasin ko pa ba ‘to? Ito na oh. Hakhak!
Nararamdaman ko (ewan ko lang sa’yo) na para sa akin talaga ang planner na ‘to dahil sa 5 reasons ko: (Kelangan rumarason talaga. Hindi mo naman pwedeng makuha ang isang bagay kung walang dahilan. Ganyan. Hakhak!)
1. Hindi tuloy ang end of the world na magaganap sana noong December 21, 2012. Gustuhin ko man sana magunaw na ang mundo eh hindi talaga nangyari. I am so disappointed.
2. At dahi disappointed ako, syempre nalungkot me much. Kaya ang isa sa mga rason kaya nararapat na mapunta sa akin ‘to eh dahil malungkot ako. Simple lang. Malungkot ako. Hindi na kelangan iexplain. I am sad. Ganyan.
3. Mahilig ako magplano Gusto ko organisado. Gusto ko isinusulat ang lahat ng mga dapat kong gawin. Gusto ko maayos lahat. Gusto ko planado. (Melancholic personality). Gusto ko ng Witty planner. Hakhak!
4. Disyembre = Malamig. Ito ay sa kadahilanang ang araw ay nasa pinakamababa nitong anggulo at tinatamaan nito ang mundo 14 degree angle kumpara sa 61 angle kapag June. Ang init na hatid ng araw ay isang mababang enerhiya at hindi masyadong naaabsorb ng ating lupa ang enerhiyang ito. Kaya malamig. Malamig = needs heat. Needs heat = Needs kayakap. Needs kayakap = Needs planner. Ganyan. Hakhak!
5. It’s God’s Will.
|
Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.
| L | L | M | M | H | B | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| « Mar | ||||||
| 1 | 2 | 3 | 4 | |||
| 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 |
| 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 |
| 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 |
| 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | |
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. Theme: Nishita by Brajeshwar.