Isinalansan sa: Mamaw Mumu Episode
Hay! Araw na naman ng mga patay. Gayundin Araw na naman ng mga patay. Pero, ano nga ba ang meron sa araw ng Patay? Noong 2006, hindi ako nakapunta sa sementeryo para bisitahin ang mahal namin sa buhay. Bakit? Dahil sa matinding sakit na dumapo sa akin, ang labnat. Ewan ko ba 5 araw akong nilagnat. Pamatay! At dahil nga hindi ako nakapunta, hindi ko tuloy nasaksihan ang mga pangyayaring naganap sa sementeryo. Sayang nga eh! Hanggang sa telebisyon ko lang nakita ang sementeryo. Ang dami ko tuloy namiss na kababalaghan (pero bukas baka hindi ko na miss dahil makakapunta na ulit ako sa sementeryo) tulad ng:
- Mga bisitang nagpapabonggahan sa dala-dala nilang mga bulaklak na aysusmaryosep kapag nilagay sa nitso hindi na makita sa dami.
- Mga kandila na kadalasang hinihintay ko na umiyak para makabuo ng hugis bola na iba-iba ang kulay at minsan nagiging black dahil na rin sa dami ng kulay na pinagsama tapos nahulog pa!.Magandang laro ito kasi paunahan at paperpekan sa sphere. Pagkatapos kung mabuo ang sphere, ewan ko kung ano na gagawin ko dun!
- Mga pamilyang ginawang bahay o lugar pahingaan ang sementeryo na feel nila sila na lang ang tao sa mundo. Doon na rin sila kumakain, natutulog at lahat-lahat na. Pero kapag uwian na, parang binagyo ng napakalakas na typhoon ang lugar nila.
- Mga mandurukot ng pera at syempre ng mga bulaklak. Tumalikod ka lang ng kunti, nawala na ang bulaklak na inilay mo na worth Php1,000.00. Magugulat ka na lang, nasa ibang nitso na. Binenta na pala.
- Mga DJ na feeling na ginawang stage ang nitso. Ang lalakas ng trip ng mga taong ito. Hawak-hawak ang gitara, minsan radyo na napakalakas ng speaker at mas matindi pa: Videoke. Hay! Pinaaga niya ang pasyon!
- Mga sugalero, sugalera na hawak ay baraha at nagmamahjong. Ginawang casino ang sementeryo. Hay! Ginawa pang lamesa ang nitso. Ang masaklap pa niyan kapag talo, kulang na lang basagin na ang nitso at ilabas na ang bangkay ng kamag-anak.
- Mga laklakero sabay pulutan pa. Ginawa naman nilang bar ang lugar. Kapag natapon daw yung alak nila, ibig sabihin humihingi daw yung yumaong kamag-anak nila. Kaya bubuhusan uli yung lupa at ayun sayang naman.
- Mga owl’s eye na sobra sa boso. May naglakad lang sa harap nilang nakamini skirt at tube aysus di na naalis ang mata sa kakatingin. Humarap sa kanila, ayun pala bakla.
- Mga PDA lovers na kulang na lang sarilinin na ang mundo at gawin na ang dapat nilang gawin. Para bang nanakawin mo yung syota nila! Duh!
- EB na sinasabi. Ang araw na ito ang madalas na nakikipagkita ang isang tao sa kanyang textmatesSS. Ginagawa pang EB place ang ilalim ng Balete tree at sasabihing nakasuot ng white. Hindi kaya multo na iyan iha, iho?
Wala na akong masabi kaya HAPPY HALLOWEEN (ganyan ba ang isfeling? kurek mi ip aym rung!) sa ating lahat! Awwooo awooooo (Edu Manzano bersyon!).
(Walang picture ngayon. Pwede na yaong picture ko na lang tignan niyo. Pang-halloween naman eh!)
Mahilig ka ba sa tinapay? Nagtataka ka ba kung paano nila ito nagagawa? Ang anime na tungkol sa tinapay ang maaaring maging kasagutan sa inyong mga tanong. Kaya panoorin mo na rin siya habang maini-init pa.
Pumunta ako ng Baguio noong October 24, 2007 para mag-enroll at maging walang kwentang inhinyerang kolehiya muli ng naturang unibersidad. Pagkatapos ng enrolment, nagpasama ako dito kay ex-blockmate sa pagbili ng pirating dvd dahil hindi ko naman afford ang mga original. Basta ang mahalaga, mabili ko ang mga dvds na matagl ko ng pinapangarap na mapanood. Naglakad kami sa session road at doon ko nakita ang isang store na punong-puno ng dvds na pirata. Tuwang-tuwa talaga ako nakita ko, halos mapawow ako sa saya dahil marami talaga akong mapagpipilian. Pero, dahil nga sa dami, hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Gusto ko kasi yaong complete series na. Eh yung EYESHIELD 21 hindi pa complete kaya hindi ko muna binili. Ayoko kasi ng nabibitin sa panonood eh. Baka mapanaginipan ko pa! Kaya binili ko na lang yaong YAKITATE JAPAN.
Ito ha, overview lang niya pero kung sinipag ako magtype baka maikwento ko na rin sa inyo ng buong-buo. Pero, malabo iyan mangyari, tamad ako, kaya huwag ka ng umasa.
“May English Bread, German Bread, at French Bread, pero bakit walang Japanese Bread? Kung ganoon, wala nang ibang paraan kundi ang likhain ito. Ang kuwentong ito’y seryoso, talambuhay ng isang batang nagtataglay ng Solar Hands, si Kazuma Azuma. Siya ang lilikha ng Japanese bread, o ng “Japan”, para sa Japan at para sa mga Hapones na maipagmamalaki sa buong mundo. Magagawa niya kaya ito?. “
Ang istorya ay nakapokus kay Kazuma, Azuma (ano bang pangalan iyan, hindi man lang pinag-isipan. Inalis lang yaong letter K sa apelyido!), ang batang nangangarap na magawa ang perpek tinapay “Ja-pan”. Ano ba itong Ja-pan? Ang Ja-pan raw na ito ang magiging national bread ng bansang Japan kasi diba yaong iba may French Bread, Hongkong Bread, Italin Bread, German Bread at kung anu-ano pang bread (Eh bakit tayo walang national bread? Wala man lang bang magsasayang ng oras para gumawa niyan?). Para daw mas lalo siyang gumaling sa paggawa ng tinapay at tuluyang malikha ang kanyang inaasam-asam na Ja-pan, pumunta siya ng Tokyo kung saan papasok siya bilang baker sa Pantasia (isang sikat na bakery shop). Pero, hindi siya agad-agad na makakapasok ng ganun-ganun lang sa Pantasia dahil may pa-audi-audition pa kasi silang nalalaman. Pero, huwag ka! Matindi ang prizes kung nanalo ka bilang 1st place. Pwede kang magtrabaho sa Main Branch nila, tapos tumataginting na Isang Milyong yen at pwede ka pang mag-aral sa France tungkol sa paggawa ng anu pa? eh di tinapay. At kasabay ng pag-aaral mo sa France, makikicontest ka na rin sa Monaco Cup (international na yan mga dudz!). Sa tingin niyo, makakaabot kaya si Azuma Kazuma sa international? Pwes, eh di panoorin mo.
At kung saka-sakali na gusto niyong panoorin ang anime na ito, at para hindi naman kayo masyadong malito sa mga characters, heto’t bibigyan ko kayo ng kaunting silip tungkol sa kanila:
1. KAZUMA AZUMA – Siyempre, siya yaong bidang bobo na henyo. May solar hands siyang taglay (kung anuman iyang solar hands na iyan, aba’y panoorin mo na lang!). Pero, hayuf sa kagalingan sa paggawa ng tinapay. Lalo na iyang Ja-pan na iyan.
2. KYOUSUKE KAWACHI – ang dakilang sidekick ni Azuma. Kung sa kaalaman rin lang naman, mas nakakahigit naman itong ito Kawachi pero sa paggawa ng tinapay wala naman siyang binatbat kay Azuma. Kung si Azuma may solar hands, siya may solar gauntlets at ang kanyang stylish kuno an buhok. Papalit-palit ng style.
3. KAI SUWABARA – Siya yaong may bandana na color blue sa ulo. Medyo seryoso siyang bread artisan at henyo sa paghawak ng swords. Pero kahit seryosong-seryoso yan, takte naunahan niya pa sila Kawachi sa mga chikababes dahil nainlababo siya sa kanyang kalaban na nagsuot ng two piece noong Monaco Cup Finals.
4. SHIGERU KANMURI – Siya yaong kulay fenk ang buhok. At sosyal at to the max ang galing dahil naggraduate siya sa Harvard University at the age of 16. Gaya ni Azuma, may solar hands din siyang taglay.
5. TSUKINO AZUSAGAWA – Siya ang apo ng may-ari ng Pantasia. Sa kanya painahawak ang Southern Tokyo Branch ng Pantasia (maliit lang iyan na branch). May gusto siya kay Azuma. Sa kantunayan, ang suot na headband ni Azuma na color fenk ay bigay ni Tsukino.
6. KEN MATSUSHIRO – Siya ang manager ng Southern Tokyo Branch. Siya yaong afro ang buhok. Madali lang siya i-identify, swear! Lagi niya kinakawawa si Kawachi pero iyon ay para bigyan siya ng advices.
At para hindi naman kayo masyadong ma-igno, magbibigay lang ako ng kaunting info:
- Yakitate – ibig sabihin niyan “freshly baked”
- Six years old nang naunang natuto itong si Azuma na gumawa ng tinapay at iyon ay para sa kanyang lolo na ayaw ng tinapay.
- Huwag kang magtaka kung yaong tumitikim ng mga tinapay ni Azuma at kung sinu-sino pang mga bread artisan ay nagkakaroon ng napaka-exaggerated na reaction.
- Lahat ng pinagsasabi nila sa paggawa ng tinapay ay totoo na pwede mong magawa sa totoong buhay dahil ang writer ay nagtanong pa talaga sa eksperto para magawa ang naturang manga at anime.
Natutuwa talaga ako sa palabas na ito kasi puro tinapay lahat at nakakagutom. Takte! Masaya maging judge sa ganitong competition. Minsa’y gusto ko na rin gumawa ng tinapay at mag-experiment din gaya ni Azuma. Pero hindi ako makakagawa at paano naman ako makakagawa eh wala naman kaming oven. Pero, sa Yakitate Japan nakagawa si Azuma ng tinapay na hindi niya binake sa oven kundi sa rice cooker. Comeon! May pag-asa pa ako! Wakekekek! At kung ako, gagawa ng tinapay, gagayahin ko rin itong si Azuma. Gagawa rinako ng pambansang tinapay ng Pinas at tatawagin ko itong “Pinoy Bread ala Eloiski”. Nyahahahaha!
Isinalansan sa: Iskul Bukol Episode
Ayoko sa’yo. Buong buhay ko hindi ikaw ang pinangarap ko na madestino sa buhay ko. Buong buhay ko, hindi ako humiling na ikaw ang makasama ko sa mundong ibabaw na ito. Buong buhay ko, ayokong makasama ang isang tulad mo na napakapangit pangit pangit wait din I mention pangit (Syet! Ang pangit mo talaga! Kapag nakikita lang kita, parang hay ayoko na muna atang mabuhay!). Pero, ano nga ba ang magagawa ng isang tulad ko na tila manika o puppet na sunud-sunuran lamang sa bawat sabihin at iutos sa akin ng mga nakatatanda at mas madunong sa akin. Siguro balang-araw, matatanggap din kita pero hindi ganoon kadali kailangan pa siguro ng kaunting adjustment. Hindi pa kasi ako sanay. Balang-araw, baka matuto rin akong mahalin ka gaya ng pagmamahal ko sa iba na pinilit rin sa akin.
Pero, napapatanong din naman ako. Bakit yaong iba may choices? Bakit yaong iba nakakapili samantalang ako itatambad na lang sa harapan ko at tanggapin ang nararapat daw na para sa akin? Nang nakita kita, ang nadestino sa akin pansamanatala, tila hindi ko ata makakaya. Ang hirap mo kasi atang pakisamahan at baka mawalan na ako ng oras sa ilang mga kasayahan ko sa buhay gaya ng pagcocomputer. At isa pa, inuulit ko ang pangit pangit pangit mo kasi.
Pero, siguro nga “It’s God’s Will – Mrs. Osoteo” ika nga. May dahilan naman ang bawat bagay dito sa mundo. Kaya sige, hindi naman ako mahirap na pakisamahan. Tatanggapin na kita ng buong puso’t kaluluwa. Tatanggapin ko na, ikaw talaga ang SCHEDULE (Block 10) NGAYONG SECOND SEM SY 2007-2008 na nadestino sa akin. Schedule na mahirap man pero kakayanin ko. Ito nga pala yaong schedule ko. Pamatay sa aga, pamatay sa late ng uwian. Hay, my golay! Tignan mo kung gaano siya kapangit at tiyak na mapapangitan ka talaga sa kanya! Argh!
- CHEM 2A – 9:30-10:30 MW (P306)
- CHEM 2AL – 7:30-10:30 TH (A310)
- DRAW 2 – 7:30-9:30 MWF (P202)
- ENGL 2 – 2:00-3:00 MWF (P106)
- FIL 2 – 4:00-5:00 TTHS (P109)
- MATH 1B – 11:30-12:30 TTHS (P306)
- MATH 3A – 10:30-11:30 MTWTH (P306)
- MATH 4A – 4:00-5:00 MW (P109)
- PE 2 – 4:00-6:00 F (PE501)
- PSYCHO I – 3:00-4:00 TTHS (P109)
- THEO 2 – 1:00-2:00 MWF (P106)
Oh, diba ang pangit talaga ng schedule ko. Grabe! Halos mabaliw nga ako noong una ko nga siyang makita. Akalain mong apat na araw na 7:30 am tapos ang uwian eh lahat 5:00 o kaya 6:00 pm. Nakakamatay siya sa kapangitan. Pero ah basta, gagalingan ko na talaga ngayon. Kaya ko ‘to!
Quote of the Day: “how do u feel wen pipOl tel u, Hulog ka ng langit? the bible says only 1 angel fell down from heaven & dats Lucifer, d devil. So, thik about dat!” – text message received from Ate Cha 3:27 pm 10/25/2007








