Notbuk ni Eloiski


Ang tindi mo Lee Su-ha (Xiuhe)
Oktubre 22, 2007, 9:58 umaga
Isinalansan sa: Telebabad Episode

    Pagkatapos ng isang araw na pagpupuyat at 3 oras lamang na pagtulog at pag-init ng pwet sa kakaupo, natapos ko din ang panonood ng Hello, My Lady! Aba’y akalain mong natapos ko iyon ng dalawang araw hindi iyon biro ah! Tv series kasi siya eh kaya ganoon na lang katagal. 15 episodes ito at bawat eksena nama’y kapana-panabik. Nagsimula akong panoorin ito noong Huwebes ng alas otso y medya ng gabi at itinigil ko ng pasado alas kwatro ng umaga, walang tigil. Nagising ako ng ng alas syete ng umaga para ipagpatuloy ang panonood. Pagkatapos ay muli akong tumigil ng alas sais ng hapon dahil maliligo rin naman ako. Pagkatapos alas syete ng gabi, itinuloy muli ang ligaya hanggang alas diyes. At sa wakas, natapos ko ito na kuntento at may ngiti sa aking mga labi. (Aw ang korni!)

Hello my lady

Ito ang istorya, overview lang ah:“Lee Su-ha (played by Lee Da-hae) inherited the historical home, Hwa Ahn Dang, of the Je-an Lee clan after her father left for Seoul with another woman years ago and her mother died last year of stomach cancer.  That is when her dual life began as the head of the nearly-ruined clan as she refused to give up on the Hwa Ahn Dang.  But one day she meets Hwang Dong-kyu (played by Lee Ji-hoon), who asks her to sell the Hwa Ahn Dang to him by any means.  Dong-kyu is the grand son of a servant who 50 years ago ran away from the Hwa Ahn Dang after stealing its cow and a bale of rice.  But after much bickering, Su-ha and Dong-kyu end up falling in love with each other.”

Dahil sa panonood ko sa koreanovela na ito natuto ako ng ilang salitang korean pero yaong mga simple lang ang bilis kasi nilang magsalita:

  • huahua – flower
  • yeye – lolo
  • nana – lola
  • ayie – aunt

Grabe ang cute talaga! Panoorin niyo rin ng masiyahan din kayo! Wakekekek!

Next target ko naman eh yaong Tsubasa Chronicles at Which star are you from? Sana matapos ko silang dalawa bago magsimula uli ang pasukan! (Hindi naman halatang adik!)