Notbuk ni Eloiski


Tinapay ng Buhay (Yakitate Japan)
Oktubre 29, 2007, 12:55 hapon
Isinalansan sa: Kartowns Anime Episode, Telebabad Episode

Mahilig ka ba sa tinapay? Nagtataka ka ba kung paano nila ito nagagawa? Ang anime na tungkol sa tinapay ang maaaring maging kasagutan sa inyong mga tanong.  Kaya panoorin mo na rin siya habang maini-init pa. 

 

Pumunta ako ng Baguio noong October 24, 2007 para mag-enroll at maging walang kwentang inhinyerang kolehiya muli ng naturang unibersidad.  Pagkatapos ng enrolment, nagpasama ako dito kay ex-blockmate sa pagbili ng pirating dvd dahil hindi ko naman afford ang mga original. Basta ang mahalaga, mabili ko ang mga dvds na matagl ko ng pinapangarap na mapanood. Naglakad kami sa session road at doon ko nakita ang isang store na punong-puno ng dvds na pirata.  Tuwang-tuwa talaga ako nakita ko, halos mapawow ako sa saya dahil marami talaga akong mapagpipilian. Pero, dahil nga sa dami, hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Gusto ko kasi yaong complete series na.  Eh yung EYESHIELD 21 hindi pa complete kaya hindi ko muna binili. Ayoko kasi ng nabibitin sa panonood eh. Baka mapanaginipan ko pa! Kaya binili ko na lang yaong YAKITATE JAPAN.

 

            Ito ha, overview lang niya pero kung sinipag ako magtype baka maikwento ko na rin sa inyo ng buong-buo. Pero, malabo iyan mangyari, tamad ako, kaya huwag ka ng umasa.

“May English Bread, German Bread, at French Bread, pero bakit walang Japanese Bread? Kung ganoon, wala nang ibang paraan kundi ang likhain ito. Ang kuwentong ito’y seryoso, talambuhay ng isang batang nagtataglay ng Solar Hands, si Kazuma Azuma. Siya ang lilikha ng Japanese bread, o ng “Japan”, para sa Japan at para sa mga Hapones na maipagmamalaki sa buong mundo. Magagawa niya kaya ito?. “

Ang istorya ay nakapokus kay Kazuma, Azuma (ano bang pangalan iyan, hindi man lang pinag-isipan. Inalis lang yaong letter K sa apelyido!), ang batang nangangarap na magawa ang perpek tinapay “Ja-pan”. Ano ba itong Ja-pan? Ang Ja-pan raw na ito ang magiging national bread ng bansang Japan kasi diba yaong iba may French Bread, Hongkong Bread, Italin Bread, German Bread at kung anu-ano pang bread (Eh bakit tayo walang national bread? Wala man lang bang magsasayang ng oras para gumawa niyan?).  Para daw mas lalo siyang gumaling sa paggawa ng tinapay at tuluyang malikha ang kanyang inaasam-asam na Ja-pan, pumunta siya ng Tokyo kung saan papasok siya bilang baker sa Pantasia (isang sikat na bakery shop).  Pero, hindi siya agad-agad na makakapasok ng ganun-ganun lang sa Pantasia dahil may pa-audi-audition pa kasi silang nalalaman. Pero, huwag ka! Matindi ang prizes kung nanalo ka bilang 1st place. Pwede kang magtrabaho sa Main Branch nila, tapos tumataginting na Isang Milyong yen at pwede ka pang mag-aral sa France tungkol sa paggawa ng anu pa? eh di tinapay. At kasabay ng pag-aaral mo sa France, makikicontest ka na rin sa Monaco Cup (international na yan mga dudz!). Sa tingin niyo, makakaabot kaya si Azuma Kazuma sa international? Pwes, eh di panoorin mo.

At kung saka-sakali na gusto niyong panoorin ang anime na ito, at para hindi naman kayo masyadong malito sa mga characters, heto’t bibigyan ko kayo ng kaunting silip tungkol sa kanila:

1.      KAZUMA AZUMA – Siyempre, siya yaong bidang bobo na henyo. May solar hands siyang taglay (kung anuman iyang solar hands na iyan, aba’y panoorin mo na lang!).  Pero, hayuf sa kagalingan sa paggawa ng tinapay. Lalo na iyang Ja-pan na iyan. 

2.      KYOUSUKE KAWACHI – ang dakilang sidekick ni Azuma. Kung sa kaalaman rin lang naman, mas nakakahigit naman itong ito Kawachi pero sa paggawa ng tinapay wala naman siyang binatbat kay Azuma. Kung si Azuma may solar hands, siya may solar gauntlets at ang kanyang stylish kuno an buhok. Papalit-palit ng style.

3.      KAI SUWABARA – Siya yaong may bandana na color blue sa ulo.  Medyo seryoso siyang bread artisan at henyo sa paghawak ng swords. Pero kahit seryosong-seryoso yan, takte naunahan niya pa sila Kawachi sa mga chikababes dahil nainlababo siya sa kanyang kalaban na nagsuot ng two piece noong Monaco Cup Finals.

4.      SHIGERU KANMURI – Siya yaong kulay fenk ang buhok. At sosyal at to the max ang galing dahil naggraduate siya sa Harvard University at the age of 16. Gaya ni Azuma, may solar hands din siyang taglay.

5.      TSUKINO AZUSAGAWA – Siya ang apo ng may-ari ng Pantasia. Sa kanya painahawak ang Southern Tokyo Branch ng Pantasia (maliit lang iyan na branch). May gusto siya kay Azuma. Sa kantunayan, ang suot na headband ni Azuma na color fenk ay bigay ni Tsukino.

6.      KEN MATSUSHIRO – Siya ang manager ng Southern Tokyo Branch. Siya yaong afro ang buhok. Madali lang siya i-identify, swear! Lagi niya kinakawawa si Kawachi pero iyon ay para bigyan siya ng advices.

At para hindi naman kayo masyadong ma-igno, magbibigay lang ako ng kaunting info:

  • Yakitate – ibig sabihin niyan “freshly baked”
  • Six years old nang naunang natuto itong si Azuma na gumawa ng tinapay at iyon ay para sa kanyang lolo na ayaw ng tinapay.
  • Huwag kang magtaka kung yaong tumitikim ng mga tinapay ni Azuma at kung sinu-sino pang mga bread artisan ay nagkakaroon ng napaka-exaggerated na reaction. 
  • Lahat ng pinagsasabi nila sa paggawa ng tinapay ay totoo na pwede mong magawa sa totoong buhay dahil ang writer ay nagtanong pa talaga sa eksperto para magawa ang naturang manga at anime.

Natutuwa talaga ako sa palabas na ito kasi puro tinapay lahat at nakakagutom. Takte! Masaya maging judge sa ganitong competition. Minsa’y gusto ko na rin gumawa ng tinapay at mag-experiment din gaya ni Azuma. Pero hindi ako makakagawa at paano naman ako makakagawa eh wala naman kaming oven. Pero, sa Yakitate Japan nakagawa si Azuma ng tinapay na hindi niya binake sa oven kundi sa rice cooker. Comeon! May pag-asa pa ako! Wakekekek! At kung ako, gagawa ng tinapay, gagayahin ko rin itong si Azuma. Gagawa rinako ng pambansang tinapay ng Pinas at tatawagin ko itong “Pinoy Bread ala Eloiski”. Nyahahahaha!

 


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

Ganda ng bago mong bahay ah! Hehe!

Sige makakatulong ito sa akin dahil kabibili ko lang ng DVD nito sa Quiapo. Naaaliw ako sa mga tinapay e. Hehe.

Comment ni Poli

Pwedeng gawing book report!
Haha. Wala lang. :-D

Comment ni tim ang

gusto ko tong palabas na to.
ei salamat salink.

link din kita

teka. SLU ka? nu course mo? ECE? EE? wat yr? hahaha baka kakilala mo lang kakilala ko

Comment ni ewanko

‘ala pang Philippine Bread… kaya gagawa ako nang istorya halaw sa YAKITATE JAPAN na yan… at ipo-post ko sa blog ko… syempre para maiba… girl ang bida at IKAW YUN!

Yes!

Gagawan ulit kita ng istorya! Pagkatapos ng thesis ko! :-D

Comment ni Wackylodeon




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>