Isinalansan sa: Mamaw Mumu Episode
Hay! Araw na naman ng mga patay. Gayundin Araw na naman ng mga patay. Pero, ano nga ba ang meron sa araw ng Patay? Noong 2006, hindi ako nakapunta sa sementeryo para bisitahin ang mahal namin sa buhay. Bakit? Dahil sa matinding sakit na dumapo sa akin, ang labnat. Ewan ko ba 5 araw akong nilagnat. Pamatay! At dahil nga hindi ako nakapunta, hindi ko tuloy nasaksihan ang mga pangyayaring naganap sa sementeryo. Sayang nga eh! Hanggang sa telebisyon ko lang nakita ang sementeryo. Ang dami ko tuloy namiss na kababalaghan (pero bukas baka hindi ko na miss dahil makakapunta na ulit ako sa sementeryo) tulad ng:
- Mga bisitang nagpapabonggahan sa dala-dala nilang mga bulaklak na aysusmaryosep kapag nilagay sa nitso hindi na makita sa dami.
- Mga kandila na kadalasang hinihintay ko na umiyak para makabuo ng hugis bola na iba-iba ang kulay at minsan nagiging black dahil na rin sa dami ng kulay na pinagsama tapos nahulog pa!.Magandang laro ito kasi paunahan at paperpekan sa sphere. Pagkatapos kung mabuo ang sphere, ewan ko kung ano na gagawin ko dun!
- Mga pamilyang ginawang bahay o lugar pahingaan ang sementeryo na feel nila sila na lang ang tao sa mundo. Doon na rin sila kumakain, natutulog at lahat-lahat na. Pero kapag uwian na, parang binagyo ng napakalakas na typhoon ang lugar nila.
- Mga mandurukot ng pera at syempre ng mga bulaklak. Tumalikod ka lang ng kunti, nawala na ang bulaklak na inilay mo na worth Php1,000.00. Magugulat ka na lang, nasa ibang nitso na. Binenta na pala.
- Mga DJ na feeling na ginawang stage ang nitso. Ang lalakas ng trip ng mga taong ito. Hawak-hawak ang gitara, minsan radyo na napakalakas ng speaker at mas matindi pa: Videoke. Hay! Pinaaga niya ang pasyon!
- Mga sugalero, sugalera na hawak ay baraha at nagmamahjong. Ginawang casino ang sementeryo. Hay! Ginawa pang lamesa ang nitso. Ang masaklap pa niyan kapag talo, kulang na lang basagin na ang nitso at ilabas na ang bangkay ng kamag-anak.
- Mga laklakero sabay pulutan pa. Ginawa naman nilang bar ang lugar. Kapag natapon daw yung alak nila, ibig sabihin humihingi daw yung yumaong kamag-anak nila. Kaya bubuhusan uli yung lupa at ayun sayang naman.
- Mga owl’s eye na sobra sa boso. May naglakad lang sa harap nilang nakamini skirt at tube aysus di na naalis ang mata sa kakatingin. Humarap sa kanila, ayun pala bakla.
- Mga PDA lovers na kulang na lang sarilinin na ang mundo at gawin na ang dapat nilang gawin. Para bang nanakawin mo yung syota nila! Duh!
- EB na sinasabi. Ang araw na ito ang madalas na nakikipagkita ang isang tao sa kanyang textmatesSS. Ginagawa pang EB place ang ilalim ng Balete tree at sasabihing nakasuot ng white. Hindi kaya multo na iyan iha, iho?
Wala na akong masabi kaya HAPPY HALLOWEEN (ganyan ba ang isfeling? kurek mi ip aym rung!) sa ating lahat! Awwooo awooooo (Edu Manzano bersyon!).
(Walang picture ngayon. Pwede na yaong picture ko na lang tignan niyo. Pang-halloween naman eh!)








