Notbuk ni Eloiski


Kababalaghan sa Sementeryo (awooo!)
Oktubre 31, 2007, 11:16 umaga
Isinalansan sa: Mamaw Mumu Episode

    Hay! Araw na naman ng mga patay. Gayundin Araw na naman ng mga patay. Pero, ano nga ba ang meron sa araw ng Patay? Noong 2006, hindi ako nakapunta sa sementeryo para bisitahin ang mahal namin sa buhay. Bakit? Dahil sa matinding sakit na dumapo sa akin, ang labnat. Ewan ko ba 5 araw akong nilagnat. Pamatay! At dahil nga hindi ako nakapunta, hindi ko tuloy nasaksihan ang mga pangyayaring naganap sa sementeryo. Sayang nga eh! Hanggang sa telebisyon ko lang nakita ang sementeryo. Ang dami ko tuloy namiss na kababalaghan (pero bukas baka hindi ko na miss dahil makakapunta na ulit ako sa sementeryo) tulad ng:

  1. Mga bisitang nagpapabonggahan sa dala-dala nilang mga bulaklak na aysusmaryosep kapag nilagay sa nitso hindi na makita sa dami.
  2. Mga kandila na kadalasang hinihintay ko na umiyak para makabuo ng hugis bola na iba-iba  ang kulay at minsan nagiging black dahil na rin sa dami ng kulay na pinagsama tapos nahulog pa!.Magandang laro ito kasi paunahan at paperpekan sa sphere.  Pagkatapos kung mabuo ang sphere, ewan ko kung ano na gagawin ko dun!
  3. Mga pamilyang ginawang bahay o lugar pahingaan ang sementeryo na feel nila sila na lang ang tao sa mundo. Doon na rin  sila kumakain, natutulog at lahat-lahat na. Pero kapag uwian na, parang binagyo ng napakalakas na typhoon ang lugar nila.
  4. Mga mandurukot ng pera at syempre ng mga bulaklak. Tumalikod ka lang ng kunti, nawala na ang bulaklak na inilay mo na worth Php1,000.00. Magugulat ka na lang, nasa ibang nitso na. Binenta na pala.
  5. Mga DJ na feeling na ginawang stage ang nitso. Ang lalakas ng trip ng mga taong ito. Hawak-hawak ang gitara, minsan radyo na napakalakas ng speaker at mas matindi pa: Videoke. Hay! Pinaaga niya ang pasyon!
  6. Mga sugalero, sugalera na hawak ay baraha at nagmamahjong. Ginawang casino ang sementeryo. Hay! Ginawa pang lamesa ang nitso. Ang masaklap pa niyan kapag talo, kulang na lang basagin na ang nitso at ilabas na ang bangkay ng kamag-anak.
  7. Mga laklakero sabay pulutan pa. Ginawa naman nilang bar ang lugar. Kapag natapon daw yung alak nila, ibig sabihin humihingi daw yung yumaong kamag-anak nila. Kaya bubuhusan uli yung lupa at ayun sayang naman.
  8. Mga owl’s eye na sobra sa boso. May naglakad lang sa harap nilang nakamini skirt at tube aysus di na naalis ang mata sa kakatingin. Humarap sa kanila, ayun pala bakla.
  9. Mga PDA  lovers na kulang na lang sarilinin na ang mundo at gawin na ang dapat nilang gawin. Para bang nanakawin mo yung syota nila! Duh!
  10. EB na sinasabi. Ang araw na ito ang madalas na nakikipagkita ang isang tao sa kanyang textmatesSS. Ginagawa pang EB place ang ilalim ng Balete tree at sasabihing nakasuot ng white. Hindi kaya multo na iyan iha, iho?

Wala na akong masabi kaya HAPPY HALLOWEEN (ganyan ba ang isfeling? kurek mi ip aym rung!) sa ating lahat! Awwooo awooooo (Edu Manzano bersyon!).

(Walang picture ngayon. Pwede na yaong picture ko na lang tignan niyo. Pang-halloween naman eh!)


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

i miss you!!!! check mo page ko ok? may pinagawa me syo.. ^^ mwaaahh and happy holloween!!

Comment ni bechay

Yay! wordpress ka rin pala. gawin mo kasing ‘clickable’ yung name at avatar mo para dumami trapik mo…
anak, okey itong blog mo a… gren na gren — para akong nakahiga sa damuhan :roll: … pati yung masthead mo sa itaas parang golf course! sana dinrowingan mo ng maraming NITSO para angkop na angkop sa panahon ngayon :lol: hehehe …kaya ang basa don ay ito:

“Ang paglalakbay ni Eloiski SA SEMENTERYO” :lol: hehehe (uli).

dyoks lang, hija… masanay ka na sakin, umpisa pa lang yan…
Okidok! pero bago ako umalis, hayaan mo akong tumalungko sa isang nitso at mag-iwan ng isang mahabang… awoooooooooooooooooooo!!!! ubo! ubo!

Comment ni homebodyhubby

Baydawey… yakagin mo naman ang barkada mo at bisitahin ang mga ka-DAGA-an ko. Panuorin nyo na rin ang premiere ng “horror movie” ko du-uuuuun. awwwoooooooooooo uliiiiiiiiiii! (this taym wala nang ubo) hatsiiiiiiiiiiiing!!! naman.

Comment ni homebodyhubby

“horror 8O movie” … sorry nalimutan kong isingit yung emoticon. angkulit ano!

Comment ni homebodyhubby

kumusta ka na, anak? pasyal kayo ule sa blog ko at basahin mo ang EY-BI-SI-DI ko. hindi ka pa na-tag ano? huli ka… mai-tag nga kita.
huwag kang mamroblema, iha, madali lang yun…

Comment ni homebodyhubby

[...] me nasiklot akong isa. ‘ere o: eloiski Published [...]

Pasa ni Ang pito-pito at abakadabra ni Homebodyhubby « mayaman pa sa daga

hehhehe bukas uli aq mag babasa ng blog antok na q liligo pa aq ♥♥♥

Comment ni ladyjhenz




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>