Notbuk ni Eloiski


Si Eloiski sa Likod ng Blog na ito
Nobyembre 6, 2007, 10:53 umaga
Isinalansan sa: Chismax Episode, Tagski Tagshing Episode

Muli na naman akong natagzki tagshing ng aking mga co-bloggers. Nangangahulugan lamang na kailangan kong sagutan ang mga ito dahil sinagutan rin naman nila ang aking tinagzki tagshing sa kanila nang hindi naman sila magtampororot sa akin. Kung tinatanong mo kung ano ang meme, aba’y basahin mo na lang ang entry kong Spread the good news para naman ika’y matauhan at gamitin man lamang ang iyong utak. Nahirapan talaga ako sa kakasagot sa mga memeng ito. Nosebleed na nga inabot ko, piniga ko na utak ko at sinunog ko na kilay ko. Mantakin mo naman iyan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagutan ang mga katanungang/memeng ito. Hindi naman kasi kailangan ng Math dito na dapat alam mo ang formulang Perimeter of Rectangle = 2L + 2W o kaya’y hanapin ang unknown sa equation na 2x + 3y = 6, where x = 25. Hindi rin naman kailangan ng Physics na kailangan mong mag-analyze ng mga figures at problem solving at alamin kong ito ba ay free fall o projectile. Hindi rin kailangan ang Economics dito na kung saan kapag tumaas ang buwis ay bababa ang dami ng suplay at kapag tumaas ang kita, tataas naman ang demand at suplay. At mas lalong hindi kailangan ang Religion na kung saan kailangang imemorize ang lahat ng mysteries ng rosary at alalahanin ang “Go therefore and make disciples of all nations…” na matatagpuan sa Mt. 28:19. Ang kailangan ay kilalanin ang sarili at alamin kung gaano ako kawirdo. May ganoon bang subject para tulungan ako sa pagsagot ng mga katanungan na 7 Random Facts about me at 6 weird things. Malamang wala. Kung meron man, “Sinasamba kita”.

7 Random facts about me ay mula kay Kuya homebodyhubby. Hala heto na:

  1. Inuuntog ko ang aking ulo sa pader kapag hindi ko nasunod ang instructions sa mga quiz, unit test at periodical test namin. Para kasing napakatanga kong nilalang at napakasimpleng instruction na encircle the correct answer ay hindi ko pa masunod dahil excited ako mag-answer. Kapag hindi mo sinunod ang instructions automatic, mali na agad ang lahat ng iyong kasagutan. Wala ng silbi ang magmakaawa ka pa sa harap nila, halikan ang kanilang mga paa, ipaglaba sila at maging alipin dahil masyadong matigas ang kanilang mga puso na parang diamond na kung saan ang kaya lamang magpabiyak dito, maglagay ng kahit kaunting galos ay ang kanyang kapwa diamond din.
  2. Nagsasalita/Nakikipag-usap ako ng tulog at mas masaklap pa doon ay minsan nama’y babangon sa kama at maglalakad ng tulog. Iyan ay ayon sa aking nanay. Mayroon kasing naikwento ang aking ermat na nananaginip raw ako at hinahanap ang silver na papel (kung ano man iyang silver na papel na iyan ay hindi ko rin alam) Ngayon itong si ermat ay kinausap ako at tinanong kung ano iyong silver na papel at ako nama’y sumagot na naiiyak na galit “Eh kasi kelangan ko iyon sa school. Mapapagalitan ako. Huhuhu! Nasan na ba kasi iyon ah mama?” Si mama naman sumagot rin at sinabing “Aba’y malay ko sa’yo”. At huminto na ang aking bunganga sa kakadada. Iyan ay noong elementarya pa lamang ako. Pero hanggang ngayon ay nagsasalita pa rin ako habang tulog, iyon nga lamang wala ng sumasagot. Sabi ng ermat ko naglalakad daw ako habang tulog. Lumabas raw ako ng gate ng bahay namin. At ewan ko na kung ano ang nangyari, nahulog siguro ako sa imbornal. Buti’t gising pa ang mga tao sa bahay.
  3. Masaya akong kausap si me, myself and i. Hindi kasi siya boring kausap eh. At alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya at itatanong niya sa akin. Hindi rin ako pwedeng magsinungaling sa kanya dahil nalalaman din naman niya agad. Minsan nag-iiyakan kaming dalawa at kung minsan nama’y nag-aaway kami. Sinasampal ko pa nga siya eh kasi ang tanga-tanga niya. Minsan naman, nagtatawanan rin kami na para ba kaming baliw. Opcors hindi kami baliw noh. Kinakausap ko lang naman si Me, myself and I eh.
  4. Ayaw kong maghawak ng butterfly. Mas gusto ko pang hawakan ang ahas. Oo, hindi ako takot sa ahas pero takot ako sa butterfly. Kasi may sinabi sila sa akin na nakakabulag daw ang butterfly kaya kahit pa man noon hindi ko talaga ito hinawakan. Yaong ahas nahawakan at nakarga ko na, ipaghele pa nga eh at ako’y hindi natakot dahil hindi naman siya nakakabulag. Nakakamatay lang naman kaya okey na rin sa akin na ahas na lang alagaan ko kaysa isang butterfly. Lipad, lipad, lipad maglaro maglaro (kanta yan doon sa hirayamanawari na tungkol sa butterfly). Maaaring pakibilang na rin kung ilang butterfly ang aking nabanggit.
  5. Nasisiyahan akong maglakad sa mga putikan. Lalo pa’t pababa ito at maaari kang madulas. Para bang exciting maglakad sa mga lugar na puro putik at minsa’y naaabot pa hanggang bewang o di kaya nama’y lumulubog ka sa putikan. Ang saya ng feeling! Kapag nakasurvive ako sa ganoong sitwasyon, tila ba isang achievement na sa akin ang ganoon. Mas masaya pa kung umuulan-ulan dahil mas may thrill tapos madilim. Weee! Ramdam na ramdam ko ang saya. At oo nangyari na sa akin lahat ng aking mga nabanggit kung kaya’t ako’y nasisiyahan sa putik.
  6. Gustong-gusto kong asarin ang mga kapatid ko, ermat ko, erpat ko at kung sino pa na kakilala ko. Para kasing hindi kumpleto ang aking araw kapag wala akong naasar at napaiyak ng dahil sa aking pang-aasar. Siyempre suki ko na diyan ang aking mga kapatid. Minsan, hindi na sila apektado dahil naimmune na sila sa pang-aasar kong iyon kung kaya’t mag-iisip ako ng panibangong asar. At kapag naapektuhan, World War III na ang labas namin niyan. Ako ang America at sila ang Iraq. At syempre panalo ang America huwag lang sanang madulas.
  7. Gustong-gusto kong manood ng mga musical play tulad ng Les Miserables. Ngunit, hindi ko naman lubos akalain na ako ang pipiliin ng aking guro upang gumawa ng script dahil hindi naman niya alam na mahilig ako sa ganoong mga palabas. Sinabi ko sa kanya na ayaw ko dahil ayaw kong basahin ng buong-buo ang Les Miserables. At isa pa, English iyon! Mahina ako sa Jenglizan! Nakngtokwakanamanoh! Basta ako na raw, wala ng urungan. At hayun gumawa ng script para sa isang contest sa iskul namin. Huwag mo ng tanungin kong ano ang itsura ko pagkatapos kung matapos ang script namin. Ano? Huwag na nga sabing tanungin eh. Ang kulit mo! Kung ano ang resulta, basta hindi kami kulelat! (Hindi ito wirdo, itutuloy ko lang iyong 7 random facts about me)

Sa wakas at nasagutan ko na rin ang mga memeng ito na super duper mega over hyper marvelous to the max with wings hirap! Hindi ko alam kung maniniwala kayo diyan sa facts na yan basta ang alam ko totoo ang bawat sinabi ko diyan.

 

A - Age: pagkatapos ng Eat Bulaga (gets?!)
B - Band Listening To Right Now: banda bang maituturing ang ingay na naririnig ko ngayon dito sa computer shop

C - Career: dakilang tamad na kolehiyalang inhinyera
D - Drink or Smoke: syempre drink! Subukan mo kayang hindi uminom ng isang araw, malamang na madedehydrate ka!
E - Easiest Friends To Talk To: basta ba huwag lang bingi pwedeng pwede!
G - Gummy Bears or Gummy Worms: Gusto ko uod eh kaya gummy worms
H - Have a Boyfriend: boyfriend yang mukha mo!
I - In love: oh hell yeah! inlove sa life at pagkain!
J- Junk Food You Like: Gusto ko iyong may free sa loob yaong tigpipiso! Hahaha!

K - Kids: I’m a kid! bleh!
L - Longest Ride Ever: from La Union to Manila (hahaha! nakakaawa naman ako!)
N - Names For Your Future Kids: Inocencia Binayubay (hahaha!)

O - One Wish You Have Now: manalo sa lotto o sa jueteng kahit hindi tumataya!
P - Phobias: Si Kokey! hahaha!
Q - Favorite Quote: “Love is like a box of chocnut, you don’t know if it’s durog or not!”
R - Reasons To Smile: Hindi ba pwedeng laugh na lang? hindi ako marunong ngumiti eh!
S - Sleeping Time: Siguro mga 10 pm
T - Time You Woke Up: depende sa schedule ko!
U - Unknown Fact About You: huwag na hiya ako eh!
V - Vegetable You Hate: pwede lahat! I hate gulay! My gulay!

W - Worst Habit: kagatin mga kuko ko sa paa! joke!
X - X-rays You’ve Had: sa chest at dahil diyan nalamn ang sakit kO! AmP!

Y - Yummy Foods: Lahat sa akin masarap huwag lang taba ng baboy at gulay! Pero isaw, boy bawang at barnuts pa lang naman ngayon!
Z - Zodiac Sign: Scorpio (sipit namimilipit!)

Kung kaya’t ang itatag ko ay sila. . .

WALA! Gusto ko ng matigil ang memeng ito dahil ako’y sadyang nahihirapan sa ganitong mga katanungan at enumeration. Mas mahirap pa siya sa enumeration namin sa Religion na kung saan ibigay ang 7 gifts of the holy spirit, fruits of the holy spirit, 10 commandments at ang lahat ng book sa old testament at new testament gaya ng Obadiah, Corinthians, Collosians at yaong mga under sa Prophets at kung anu-ano pa. At ayoko ring mamerwisyo ng iba. Another Enumeration 123! RawR!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

[...] At ang aking mga kasagutan ay CLICK MO KO BEBE [...]

Pasa ni Masaya kung sama-sama « Ang Paglalakbay ni Eloiski

na-miss kita

Comment ni nanaybelen

ayos. sakit nun ah.

Comment ni lawstude




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>