Isinalansan sa: Chismax Episode, Family Affairs Episode, Iskul Bukol Episode
Hayun! Tapos na naman ang isang taon at muli na naman nating sasalubungin ang panibagong taon na sana’y huwag namang malasin at nawa’y puno ito ng kasaganaan at peace. Salubungin natin ang taong 2008 na may ngiti sa ating mga labi habang tumatalon-talon at may suot-suot na polkadots na saplot. Pero, bago sana ako lumbayan ni 07, gusto ko lang naman pasalamatan ang mga sumusunod:
Para sa aking ermat na sinasakal ako sa malakas, nakakapanindig balahibong boses na puno ng poot sa tuwing ako’y nahuhuli na nag-cocomputer magdamag
Para sa aking erpat na kasama ko sa pagtambay sa mga bookstores kahit wala namang balak bumili ng libro
Para sa mga kapatid ko na palagi akong iniistorbo sa tuwing ako’y nag-aaral o gumagawa ng mga bagay na related sa pag-aaral
Para sa tita ko na walang sawang nagluluto ng baon ko ganoon din ng mainit na tubig ko panligo
Para sa lola ko na tinatrato akong isang maliit na bata na kulang na lang ay subuan ako sa tuwing ako’y kumakain
Para sa lolo ko na gumagawa sa ilang mga projects ko na konektado sa kanayang trabaho bilang karpintero
Para sa mga istriktong guro na nagbibigay ng takot sa akin sa tuwing sila’y papasok sa loob ng klasrum
Para sa mga tamad na gurong nagtuturo ng lesson at palaging inaaasa sa estudyante ang pagcheck ng ilang pagsusulit
Para sa mga masipag na guro na palaging nagtuturo at palaging present ni wala man lang absent
Para sa mahilig magpakopya na mga guro na namamanhid na mga kamay namin sa kakasulat
Para sa mga katabi ko sa upuan na masayang kakwentuhan lalo na kung nakakaantok na
Para sa mga lakwatsera kong kaibigan na ipinapadpad ako sa bawat sulok ng bayan ng probinsya ng bansa ng kontinente ng mundo
Para sa mga matatalino kong kaibigan na handang magpakopya ng mga takdang-aralin, pagsusulit at ideya
Para sa mga mahilig magpatawa kong kaibigan na halos lalabas na ngala-nagala ko sa kakatawa
Para sa mga adik ng computer kong kaibigan na karamay ko kapag nagbrobrown-out dahil kami lang naman ang apektado
Para sa mga madaldal kong kaibigan na walang sawang dumadada kahit nagdadasal na
Para sa mga tsismis ang buhay kong kaibigan na alam na ata ang talambuhay ng mga nilalang sa mundo
Para sa mga tv ang buhay kong kaibigan na palaging updated sa mga telenobela, telepantasya pati na rin mga kung anu-anong palabas pati patalastas
Para sa mga musikero’t musikera kong kaibigan na laging kumakanta, sumasayaw, gumagamit ng mga instrumento at updated sa mga bagong kanta
Para sa mga maaarte kong kaibigan na laging may hawak na salamin at naglalagay ng mga make-ups at todo porma sa pananamit
Para sa mga kaibigan kong ayaw sumakay sa mga kalokohan ng kapwa kaibigan na nakakainis na
Para sa mga iskolar kong kaibigan na wala man lang dalang bag at kung meron man laman lang naman ay isang kapirasong papel
Para sa laging tulog kong kaibigan na hindi ko maintindihan kung ano ba ang ginagawa niya sa pagkagat ng dilim
Para sa mga groupmates ko na malakas ang tama lalo na kung may mga groupworks na dapat pagtulungan
Para sa mga nagtitinda sa kantin na litong-lito na kung sino ang unang paglilingkuran para bentahan
Para sa mga taga-ayos ng upuan at kung ano pa mang school facilities iyan na hindi man lang naayos ng mabuti ang upuan na ginamit ko noon
Para sa mga janitor ng paaralan namin na patuloy na naglilinis dahil patuloy ko rin namang dinudumihan
Para sa mga mahilig magvandalize sa mga cr dahil nalaman ko na may “square” pala na pangalan sa mundo at mukha pang aso at natuto ako ng ilang mura
Para sa mga bakla na mahilig magsalita ng chuvaerz itech inech echoova eklavoo watsoevo kalbo
Para sa mga nilalang na nagbabasa ng blog na ito, hindi ko alam kung talagang meron ngang nagbabasa at gayundin sa mga kaibigan ko dito na walang sawang nagbibigay saya sa akin sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang blog
Para sa Panginoon na nagbigay sa akin ng mga taong ito na humubog sa akin upang maging loko, tamad, torpe at mabait (mali ata?)
At higit sa lahat para sa kompyuter ko na palaging nakaon at wala man lang pahinga na minsa’y nagtatampo rin dahil hindi ako makapasok sa world wide web.
Maraming Salamat po!
HAPPY NEW YEAR!!!!
Iwelcome po natin ang 2008!!!
Hala! Layas na aako at parang gumegyera na sa labas ng bahay namin. Kailangan na rin nila ako doon para sa sabugan!!! Woohooooooooo!!!
Isinalansan sa: Ang Techie Episode, Chismax Episode, Ebents Ito Episode, Family Affairs Episode
Masaya ang Christmas ko ngayong taon na ito. Bakit hindi? Eh kumpleto kami ngayong Pasko. Dati-rati kasi 2 consecutive years naming hindi nakasama si Papa. Andoon kasi siya sa ibang bansa, naghahanap-buhay, kumakayod para may pera kami, may pang-aral, may pangluho (joke!), para mabuhay!!!
Isa pa, kaya masaya ako kasi hindi man marami ang natanggap ko ngayong gift compared last year atleast bongga naman ang mga gifts ko ngayon. Ang mamahal! Wakekekek! Halos lahat ng mga kaibigan ko binigyan ko ng gifts at halos lahat sila hindi ako binigyan ng gifts. Pero okey lang iyan. Konsensya na nila iyon. Kapag magbibigay ka, huwag kang mag-expect na may ibibigay rin sila sa’yo (sabi ng konsensya ko!)
So, ito nga pala ang mga gifts na natanggap ko ngayong Christmas 2007: (Sayang, walang pictures ng mga gifts ko kasi naiwan ko sa Baguio yaong usb ng digicam ko. Amp!)
- Jacket na color dark blue na may nakasulat na sporty girl at may number. Hindi ko matandaan kung anong number na iyon eh. Ekshelli, exchange gift kasi iyon eh. Observant din iyong nakabunot sa akin kasi alam niya na lagi ako nagsusuot ng jacket. Ahmmm nasa Baguio po kasi ako ay kami pala.
- Mug mula kay Teacher Analyn. Ekshelli, hindi ko siya teacher. Teacher Analyn ang tawag ko sa kanya kasi isa siyang dakilang teacher. Buti, naalala niya ako.
- Mug uli galing naman sa pinsan kong si Lizlotte. Yaong regalo niya eh may design na Merry Xmas at si Sta. Claus na naghohohohoho. Dapat lubus-lubusin ko na ang paggamit ko nun kasi pag Xmas ko lang ata dapat gamitin iyon eh. How sad!
- Acer Aspire 4710 Laptop. Opo, tama kayo. Isa pong laptop mula sa papa ko. Noong una, hindi ako makapaniwala. Kinurot-kurot at sinapak-sapak ko pa ang sarili ko baka kasi nananaginip lang ako. Pero hindi. Totoo ang nakita ko! Hindi ako makapaniwala dahil akalain mo ba namang may matutupad pala sa aking unrealistic na wishlist. So Dahil espesyal para sa akin ang gift na ito, gusto ko itong idescribe ng matino-tino:

The Aspire 4710 is a stylish 14.1″ notebook delivered in Acer’s cool new chassis design and backed by a selection of powerful Intel® Core™2 Duo mobile processors and radiant ATI Mobility™ Radeon® HD 23001 graphics. A Dolby®-certified surround sound system with S/PDIF support provides dramatic video playback and solid multimedia performance while the Acer Video Conference solution offers easy real-time video and voice connections; ideal for the budget-conscious consumer.
INSPIRING PERFORMANCE
· Genuine Windows Vista® Home Premium
· Intel® Centrino® Duo mobile processor technology — featuring the Intel® Core™2 Duo mobile processor, supporting Intel® 64 architecture, delivers remarkable notebook performance.
· The ATI Mobility™ Radeon® HD 23001 graphics processor with 128 MB of dedicated GDDR2 VRAM and up to 896 MB of HyperMemory™ brings photos and videos to life.
· Intel® Graphics Media Accelerator (GMA) 950 with up to 224 MB of shared system memory delivers superb graphics.
· The wide-aspect 14.1″ screen lets you enjoy a more enriching multimedia experience; videos, movies and photos become more real.
· Acer CrystalBrite™ TFT LCD technology presents a more vibrant picture with improved contrast and an ultra-fast 16 ms response time.
· A large Serial ATA hard disk gives you remarkable storage capacity for a multitude of entertainment applications.
· Acer Empowering Technology simplifies management and adds efficiency and better performance to your notebook.
THRILLING ENTERTAINMENT
· Acer Arcade™ Deluxe1 multimedia suite gives you control over music, pictures, movies and TV in one convenient interface. Total Digital Living Network Alliance (DLNA) compliance lets you easily stream and sync digital media content seamlessly from anywhere in your home.
· Integrated Dolby®-certified surround sound system offers an amazing audio experience.
· S/PDIF output capability brings a quality digital audio environment to your home.
· Acer eAudio Management allows you to optimize your listening experience for movies, music and games.
· Easy-launch buttons enable quick access to your commonly used applications.
· A 5-in-1 card reader eases access to entertainment-related data stored on Secure Digital™ (SD), MultiMediaCard (MMC), xD-Picture Card™ (xD), Memory Stick® ( MS) or Memory Stick PRO™ (MS PRO).
· An ExpressCard™ /54 slot grants you a multitude of expansion possibilities for storage, multimedia, communication and other products.
REMARKABLE COMMUNICATION
· The Acer Video Conference solution integrates one-click, real-time video and voice over the Internet to create highly mobile and flexible communication. The Acer Video Conference solution comprises: The Acer Crystal Eye webcam supporting enhanced Acer PrimaLite T technology for superior low-light performance. The Acer Xpress VoIP phone2 supporting IM services along with beam forming, echo cancellation, and noise suppression for ultra-clear sound.
· Intel® PRO/Wireless 3945ABG2 Wi-Fi CERTIFIED® network connection supporting Acer SignalUp™ wireless technology provides a solid network connection at any hotspot.
· Gigabit Ethernet extends your media capability and productivity with faster, more efficient connections for download multimedia content.
· Built-in Bluetooth® completes the package of essential communication features, transmitting data faster up to three meters, with wider profile coverage.
“Dyinggum bell, Dyinggum bell
Dyinggol ol da way
O dust pan elektrik pan
kaldero ken pinggan
hey!”

Malamig na simoy ng hangin, mga bargain at sales sa mall, patay-sinding ilaw sa tabi-tabi, nakakabinging awitin na Pamasko mula sa mga batang parang sirang plaka, at ang mas pinatinding trapik sa kalsada. Ano pa nga ba aasahan mo kapag may nakikita o nararamdaman ka ng ganyan? Ano pa nga ba? Eh di PASKO (ngek!) Ang Krismas ang pinakamasayang season of the year kaya nga sinabing it’s the season to be jolly fa la la la la la la.
Pero ano nga ba ang mga sintomas na PASKO na o papalapit na ang PASKO? Well, ito ulit ang aking enumeration 123. Wakekekek!:
1. Syempre, lumalamig na naman ang simoy ng hangin na kung saan marami ka na namang makikitang mga lovebirds na todo-todo walang preno ang yakapan na para bang aagawin mo ang kanilang labidoods!
2. Ang mga awiting Pamasko mula sa mga batang nangangaroling na minsa’y nakakabingi na talaga kaya napipilitan ka tuloy magbigay ng barya. Pero, kapag binigyan mo naman, hayun at kinabukasan asahan mong babalik ulit iyan.
3. Mga Krismas layts na patay-sindi o di kaya nama’y steady lang. Nakakatuwang tignan ang isang tahanan na taglay ang sandamakmak na makukulay na ilaw. Tila ba nag-aanyaya tuloy sila na “Dito kayo magkaroling feel na feel namin ang Pasko!” O di kaya nama’y nakikipagbonggahan lang sa kapitbahay.
4. Ang mas pinatinding traffic na minsa’y mas gugustuhin mo na lang na maglakad atleast may progression na nagaganap kaysa nandoon ka sa loob ng sasakyan na kada trentay minutos isang milimetro lang ang pag-abante.
5. Nakakalat na mga tyangge, bargains at sales sa tabi-tabi o di kaya nama’y sa malls din. Halos lahat ng mga tao sa Pilipinas dito mo na matatagpuan lalo na kapag palapit na ang ika-25 ng Disyembre. Kanya-kanyang bili ng mga kung anu-anong regalo na minsa’y mas nanaisin mo na lang talagang magbigay kaysa tumanggap.
6. Simbang-gabi na kadalasang sa umpisa lang maraming nag-aattend at asahan mong kapag sa ika-apat na araw na eh parang utot na biglang nawawala ang mga taong ito. Minsa’y mapapansin mo na napakarami ding mga kabataan ang nag-aattend nito. Hindi upang magdasal pero para maghanap ng chicka babes o di kaya nama’y magpaligaw! P%ta! Sh&T!
7. Ang mga taxi drivers na namimili ng mga isasakay ang isa sa pinakanakakainis. Hindi ko alam kung bakit kelangan pa nilang mamili ng isasakay eh parehas din namang makakakuha rin sila ng pera.
8. Ang mga kakanin na matatagpuan sa labas ng simabahan tulad ng puto bumbong at bibingka samahan mo na rin ng salabat at tsokolate ah o tsokoate eh man iyan.
9. Naglilitawan na ang mga hamon at quezo de bola na hindi ko maintindihan kung bakit kelangan talaga ang mga ito kapag noche Buena o media noche.
10. At higit sa lahat, parang magic na bigla ka na lang papansin o itetext ng dati mong friends at sasabihing kumusta na. Sus! Eh habol lang naman sa iyo eh gifts. O kaya naman, nandyan na’t nagpaparamdam ang mga inaanak (Thanks God! Buti na lang at isa lang ang inaanak ko kungh hindi tiyak na KRISISMAS ito!)
Kahit ano pa man iyan, kahit puro problema at sakit sa ulo at bulsa ang season na ito, huwag naman nating kalimutan na ito ay panahon upang icelebrate natin ang kapanganakan ni Kristo. At huwag naman nating idaan kasi lahat-lahat sa materyal na bagay na nabibili sa malls ang pagcelebrate ng Krismas. Maraming mga bagay na hindi mo mabibili saan mang sulok ng Pilipinas o ng mundo, tulad na lamang ng greetings ko sa inyo ng “Merry X-mas” with matching song na. . “Malamig ang simoy ng hangin, don’t forget ang gift mo sa’kin…” (PAK!)
Ah basta Merry merry merry Xmas pipol op da world!!!!








