Posted by: eloiski on: Disyembre 31, 2007
Hayun! Tapos na naman ang isang taon at muli na naman nating sasalubungin ang panibagong taon na sana’y huwag namang malasin at nawa’y puno ito ng kasaganaan at peace. Salubungin natin ang taong 2008 na may ngiti sa ating mga labi habang tumatalon-talon at may suot-suot na polkadots na saplot. Pero, bago sana ako lumbayan ni 07, gusto ko lang naman pasalamatan ang mga sumusunod:
Para sa aking ermat na sinasakal ako sa malakas, nakakapanindig balahibong boses na puno ng poot sa tuwing ako’y nahuhuli na nag-cocomputer magdamag
Para sa aking erpat na kasama ko sa pagtambay sa mga bookstores kahit wala namang balak bumili ng libro
Para sa mga kapatid ko na palagi akong iniistorbo sa tuwing ako’y nag-aaral o gumagawa ng mga bagay na related sa pag-aaral
Para sa tita ko na walang sawang nagluluto ng baon ko ganoon din ng mainit na tubig ko panligo
Para sa lola ko na tinatrato akong isang maliit na bata na kulang na lang ay subuan ako sa tuwing ako’y kumakain
Para sa lolo ko na gumagawa sa ilang mga projects ko na konektado sa kanayang trabaho bilang karpintero
Para sa mga istriktong guro na nagbibigay ng takot sa akin sa tuwing sila’y papasok sa loob ng klasrum
Para sa mga tamad na gurong nagtuturo ng lesson at palaging inaaasa sa estudyante ang pagcheck ng ilang pagsusulit
Para sa mga masipag na guro na palaging nagtuturo at palaging present ni wala man lang absent
Para sa mahilig magpakopya na mga guro na namamanhid na mga kamay namin sa kakasulat
Para sa mga katabi ko sa upuan na masayang kakwentuhan lalo na kung nakakaantok na
Para sa mga lakwatsera kong kaibigan na ipinapadpad ako sa bawat sulok ng bayan ng probinsya ng bansa ng kontinente ng mundo
Para sa mga matatalino kong kaibigan na handang magpakopya ng mga takdang-aralin, pagsusulit at ideya
Para sa mga mahilig magpatawa kong kaibigan na halos lalabas na ngala-nagala ko sa kakatawa
Para sa mga adik ng computer kong kaibigan na karamay ko kapag nagbrobrown-out dahil kami lang naman ang apektado
Para sa mga madaldal kong kaibigan na walang sawang dumadada kahit nagdadasal na
Para sa mga tsismis ang buhay kong kaibigan na alam na ata ang talambuhay ng mga nilalang sa mundo
Para sa mga tv ang buhay kong kaibigan na palaging updated sa mga telenobela, telepantasya pati na rin mga kung anu-anong palabas pati patalastas
Para sa mga musikero’t musikera kong kaibigan na laging kumakanta, sumasayaw, gumagamit ng mga instrumento at updated sa mga bagong kanta
Para sa mga maaarte kong kaibigan na laging may hawak na salamin at naglalagay ng mga make-ups at todo porma sa pananamit
Para sa mga kaibigan kong ayaw sumakay sa mga kalokohan ng kapwa kaibigan na nakakainis na
Para sa mga iskolar kong kaibigan na wala man lang dalang bag at kung meron man laman lang naman ay isang kapirasong papel
Para sa laging tulog kong kaibigan na hindi ko maintindihan kung ano ba ang ginagawa niya sa pagkagat ng dilim
Para sa mga groupmates ko na malakas ang tama lalo na kung may mga groupworks na dapat pagtulungan
Para sa mga nagtitinda sa kantin na litong-lito na kung sino ang unang paglilingkuran para bentahan
Para sa mga taga-ayos ng upuan at kung ano pa mang school facilities iyan na hindi man lang naayos ng mabuti ang upuan na ginamit ko noon
Para sa mga janitor ng paaralan namin na patuloy na naglilinis dahil patuloy ko rin namang dinudumihan
Para sa mga mahilig magvandalize sa mga cr dahil nalaman ko na may “square” pala na pangalan sa mundo at mukha pang aso at natuto ako ng ilang mura
Para sa mga bakla na mahilig magsalita ng chuvaerz itech inech echoova eklavoo watsoevo kalbo
Para sa mga nilalang na nagbabasa ng blog na ito, hindi ko alam kung talagang meron ngang nagbabasa at gayundin sa mga kaibigan ko dito na walang sawang nagbibigay saya sa akin sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang blog
Para sa Panginoon na nagbigay sa akin ng mga taong ito na humubog sa akin upang maging loko, tamad, torpe at mabait (mali ata?)
At higit sa lahat para sa kompyuter ko na palaging nakaon at wala man lang pahinga na minsa’y nagtatampo rin dahil hindi ako makapasok sa world wide web.
Maraming Salamat po!
HAPPY NEW YEAR!!!!
Iwelcome po natin ang 2008!!!
Hala! Layas na aako at parang gumegyera na sa labas ng bahay namin. Kailangan na rin nila ako doon para sa sabugan!!! Woohooooooooo!!!
welkam sa new year at welkam din sa yo sa WPP!
heheh parehas pala tayo na kelangan pa ng mainit na tubig pag maliligo.. hehe actually, ako kahit summer nag iinit pa rin ng tubig..
Happy new year sayo!
Enero 1, 2008 Sa 5:20 umaga
ako! talagang binabasa ko nang buo ang mga posts mo!
hehehe… kumpleto pala pamilya mo! sarap naman
kagabi pa pala ito… sayang hindi kita nasabihang dapat hindi polka dots lang ang dapat na isuot mo — dapat rectangle (hindi yung paris ng “square” na mukha sa CR ha?
). kasi polka dot, BARYA lang yun!
dapat daw RECTANGLE para korteng TSEKE! huwak lang ikaw TALON kasi baka TALBOG tseke!
hehe maski magdamagang surfing, kaya yan… baka ma-ADIK lang laptop mo.