Isinalansan sa: Telebabad Episode
Natapos ko ang Coffee Prince sa loob lamang dalawang araw. Hindi na masama dahil yaong ibang dvds na pirata dito sa bahay eh hindi ko pa rin natatapos. Ganyan siguro ang epekto lalo na’t desidido at determinado ka talagang manood ng isang koreanovela na gustong-gusto mo. Para sabihin ko pala sa inyong lahat eh isa pala akong dakilang adik ng mga koreanovela. Isa iyan sa mga paborito ko sa buhay.
Hala! Bago pa man ako makagawa ng isang nobela dito’y aba’y uumpisahan ko ng isalitype ang kwentong Coffee Prince. Hanggang last na itong isusulat ko ha. Harharhar! Spoiler! Weee!

Wakekeke! Andami kong inalis na ibang eksena. Ni hindi ko na nga nailagay itong sila errol at Arlene. Harharhar!. Nakakatamad kaya magtype! Amfuffufu!
Noong December ko pa nga ito natapos. Ngayon lang ako ginanahan na magtype at ilagay na ang summary ng kwentong ito. Hahaha!
Sana maintindihan niyo ang summary dahil rush na lang talaga iyan mga kapatid kong koreanovela lovers.
Ngapala, nitong nakaraang buwan, masyado na akong nahuhumaling sa kape. Kung kaya’t dahil diyan binansagan ko na ang aking sarili bilang prinsesa ng kape. Pero huwagka! Ang aking boardmate na si eden naman ang reyna ng kape dahil mas adik pa iyon kaysa sa akin.
Isinalansan sa: Chismax Episode, Makata Tayo Episode, Multiple Choice Episode
Ang mga salawikain ang isa sa mga literatura na meron tayo na ipinasa sa atin ng ating mga kanunununununuan. Minsa’y nosebleed din ang inaabot ko sa pag-iintindi ng mga salawikain na ito. Paano kaya kung gumawa ako ng sarili kong bersyon na lamang para maintindihan ko talaga ito ng lubusan? Pero, dahil mahal ko kayo, gusto ko rin naman malaman ang sarili ninyong bersyon sa pamamagitan ng pagdugtong sa mga bitin na salawikain. Kung ano po ang maidudugtong niyo, ikomento niyo lang dito. Okey din yaong mga jokes pero mas masaya ako kapag seryoso na talagang malaman at pampanosebleed pa rin para makita ko kung sino ang mga lalapitan kong mga makata in da pyutyur. Sana, wala naman pong kabastusan ha. Peace out!
- Huli man at magaling. . .
- Ang gawa sa pagkabata. . .
- Pag hindi ukol. . .
- Sa taong gutom. . .
- Ang pagsasabi nang tapat. . .
- Hanggang maikli ang kumot. . .
- Madaling maging tao. . .
- Pagkahaba-haba man ng prusisyon. . .
- Walang matimtimang birhen. . .
- Ang kahapon ay lingunin at ang bukas. . .
- Kung may usok, may. . .
- Ang matuling lumakad. . .
- Humayo at . . .
- Ang sabi niRizal, “Kabataan ay magandang Pag-asa ng bayan”, sabi ni Erap,. . .
- Ang turo ng Diyos, “mahalin ang kapwa; ang payo ni Ama. . .
- Ang tinuran naman ni Ina. . .
- At ang aking tugon. . .
O, hayan po sana dugtungan niyo. Ahihihi! Masayang pagtripan ang mga salawikain. Tulad ng mga kumakalat na mga text messages tungkol sa bagong salawikain kuno. Try din natin gumawa ng sarili nating bersyon. Tandaan: Ang bersyon na inyong magagawa ay magrereflect sa inyong katauhan. Wakekekek!








