Isinalansan sa: Ebents Ito Episode
Last Sunday, pumunta kami nila mama at ng mga kapatid ko sa Baguio para manood ng floats ng Panagbenga. And oh! Ang ganda ng mga entries ha. Napakacreative at napakaunique. Napapaisip tuloy ako kung paano nila ginagawa yaong ganoon kagagandang mga floats. At paano sila nakakakuha ng ganoong karaming bulaklak. Anong klaseng preparation kaya ang dinanas nila para lang makagawa ng isang float.
Para naman hindi kayo masyadong mabore sa kakabasa ng entry na ito, hayaan niyo akong isama at dalhin kayo sa Panagbenga festival 2008 sa pamamagitan ng mga larawang ito: Kayo na lang manghusga kung sino sa tingin niyo ang deserving na mag-uwi ng 1st prize.

Kapusong-kapuso ang dating! Sa float andoon sila Richard Gutierrez, Izza Calzado(yan ba isfeling?), Iwa Moto at Alfred Vargas. Takte tilian ang mga tao to the max!

Ang ganda ng float na ito! Torogi at Atorogi rules!

Chowking!!!

Kamangha-mazing sa laki ng bike!

Hindi ko alam kung kanino naman ito. Medyo nagkulang lang ito sa mga bulaklak!

Ang cute ng car!

Oh diba napakahome sweet home! Flower echos!

Jumbo hotdog kaya mo ba to?!

Greenwich entry! Ano role ng 5 nilalang sa float? Sana nagpaagaw na lang sila ng pizza! Yaong nasa karton ah kahit yaong solo lanG! AMp!

Hindi ko alam kung ano ba ang inaadvertise nila, yaong kots ba, yaong tale na ugly duckling o yaong chikababe!

One moment, one nescafe!

Oh yeah! LBC bank sa palayan!

si little darna nasa loob ng erplen!

Sana namigay na rin sila ng ice cream!

Ang lakas mo sa GLOBE!

Ano itetch?! Tore ni Babel?

Sa Jollibee, bida ang saya!

Napakamighty, may nalalaman pa talaga silang costume na ganyan tsenes! Mighty BonD!

Nakakaagaw atensyon naman ito! people support! stop in the name of <bahala ka>

Kwarta Padala! Dyan naman sa float na yan, si Angelica Panganiban. Kita mo siya?

Cebuana Lhuiller (tama ba isfelinG?)

Kung may GLOBE eh di may Smart din! Buhol-buhol na bulaklak!

Teacher’s Camp naman ang entry na to! Balay manen (Bahay uli )

Kapamilya float naman ito! Sa float, andyan sila Kim Chiu, Gerald Anderson, Jomari Yllana at Jodi Sta. Maria. Oh, one network, one family (wateber!!!)

Yellow cab! Mahal diyan pare mahaL!

Mas gaganda yang float nila kung naghagi-hagis sila ng mga drinks sa amin para naman mawala uhawness!

Sabi ko naman kasi sa’yo eh, hindi sila mahilig sabahay-bahay na float! I told you!

Goldilocks! Sana andyan din sa float si Kris Aquino!

Ar yu a pichay pan? ahay! Napaaga ang pangangampanya ni pichay!

More energy, mas happy. . . Enervon

Kung hidbi bahay eh di building na lang ngarud. . .

Iyan naman ang float ng placenta ni melanie marquez. Andyan si melanie marquez together with her 2 fafables! hahaha! Buti pa sya naghagis-hagis ng sabon!
Bale 32 floats lahat nag nanggulo at nagpasaya sa mga tao! Ngayong 2008, para sa akin ha, para sa akin ha huwag kokontra! Mas maganda yaong last last last last last year ata iyon na floats. Bakit kamo? Kasi dati-rati nagpapaagaw/ naghahagis sila ng candy, o kung anu-ano pa. Dati naghagis pa nga sila noon ng sardinas eh yaong de lata pa talaga iyon. Kaya nga katacute eh! Paano kung sa ulo mo tumama eh di may small mountain ka na sa ulo. Pero atleast namigya sila. eh ngayon, Placenta lang! Takte!!!! Hindi naman makakain!
Sana , sa pamamgitan ng entry na ito eh naisama at nakinood na rin kayo dito sa Panagbenga! Happy Flower festivaL!








