Isinalansan sa: Telebabad Episode
Nakatapos na naman uli ako ng isang serye ng asianovela. Ipapalabas pa lang ito sa GMA-7 pero inunahan ko na sila at tinapos ko na ito agad. At hayun. Natapos ko within 2 days. Ang ABS-CBN may Hana Kimi (Taiwanese) rin na kung saan nandoon si Wu Chun na napakawafu wafu. Pero mas pinili ko pa rin yaong sa Japanese version kasi mas cute yaong babae. Hindi ko kasi feel yaong babae sa ABS, mukha na talagang lalaki at saka ang taba-taba pa. Argh! Kaya, pinili ko talaga ang Hana Kimi Japanese version. Ito ha, kwento ko sa inyo!
HANA KIMI (JAPANESE VERSION)


Cast:
- Mizuki Ashiya – Siya ang bida sa kwento. Siya ang babaeng nagpanggap na lalaki para makasama ang kanyang idol na si Sano at dahil na rin sa guilt. Isa rin siyang mabilis na runner dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kuya.
- Izumi Sano – Kilala rin bilang kissing monster kasi kapag lasing siya hinahalikan niya kahit sino. Kahit lalaki pa yan. Iyan ang high jumper na dahilan para bumalik si Mizuki sa Japan mula USA.
- Shuichi Nakatsu – Itong lalaking ito eh magaling naman sa soccer. Nainlababo siya kay Mizuki kahit alam niya na lalaki ito. How sweet!
*Sila lang ang babanggitin ko dahil parang sila lang naman ang nabanggit ko sa aking summary eh.
Summary (spoiler):
Ang istorya ay nagsimula sa isang babae na nagngangalang Ashiya Mizuki na nakatira sa Amerika ngunit pinili munang manirahan sa Japan dahil mayroon siyang idol na atleta na nagngangalang Sano Izumi. Sa kasamaang palad, nag-aaral pala ang lalaking ito sa all boys school. Kung kaya’t para mapalapit sa kanyang idol, nagpanggap siyang lalaki. Hindi ganoon kadali ang naging buhay niya sa eskwelahang iyon sapagkat unang klase pa lamang ay nagsungit agad itong si Sano sa kanya (kung ano ang dahilan? panoorin mo na lang!). Sa Room 205 ang kanyang magiging kwarto nangangahulugan lamang na magiging karoommate niya si Sano. Eh di siya syempre nyerbyos to the max ang ating bida pero nandoon pa rin ang saya (ang gulo!). Hindi rin naglaon nalaman din ni Sano na babae itong si Mizuki dahil narinig niya ang conversation ni Mizuki at ang kuya niya sa Room 205. Binisita o should I say gusto na kasing iuwi nitong si Kuya ang kanyang little sister na si Mizuki eh kaso ayaw naman niya. Sinabi niya na siya ang dahilan kung bakit nagquit itong si Sano sa high jump (kung paano nangyari iyon? mahabang kwento!). Ang hindi alam ni Mizuki, alam na rin pala nung doktor ng Osaka High ang tungkol sa kanyang identity. Pero, syempre sa tingin mo sasabihin nila agad na babae siya, of course not. Kaya quiet lang sila. Sa pagpapatuloy ng istorya, si Sano ay unti-unti na ring naiinlab kay Mizuki at ganoon rin si Mizuki kay Sano. Pero, ayan may love triangle dahil si Nakatsu ay nainlab na rin kay Mizuki kahit lam niyang lalaki kuno daw ito. Pero sa bandang huli nalaman din ni Nakatsu na babae itong si Mizuki. Paano nangyari? Iyon ay dahil habang naliligo itong si Mizuki, pumasok si Nakatsu sa banyo eh hindi naman kasi sila dapat naglolock ng mga bathroom dahil lalaki naman sila lahat. Nakita niya si Mizuki na ayon nga babae pala ito. Eh di mas lalong tumindi ang kanyang pagmamahal kay Mizuki lalo pa’t alam niyang babae pala ito. Dahil doon, ayaw magpatalo nila Sano at Nakatsu sa isa’t isa. Eh di may laban laban chuva na doon sa high jump, naiwan pala nitong si Sano yaong lucky charm niya. Nagpresinta na lang itong si Mizuki na kukunin niya. Sabi ni Sano na hawakan na lang iyon ni MIzuki para sa kanya. Unang try ni Sano, bagsak! Ikalawang try, wala pa rin. At ikatlong try na kung saan sumigaw na si Mizuki at nag-advise, natalon na rin niya sa wakas. At nanalo siya ng 2nd place. Ahoooo!!! Nga pala, nagpropose pala itong si Nakatsu tungkol sa kanyang feeling para kay Mizuki. Nireject siya ni Mizuki kaya iyak iyak moment siya. Akala nila tapos na ang lahat, pero hindi pa pala dahil may nakakuha sa wallet ni Mizuki na kung saan nakalagay ang kanyang passport. nahulog niya pala ito habang tumatakbo at nabangga siya ng leader ng St Blossom. Sa minalas malas, gagamitin pa ata iyon na pangblackmail. Pero mabit din pala itong si leader kaya binigay niya rin. Pero huli na pala ang lahat dahil nalaman na rin ng buong dorm ang kanyang tunay na identity. How sad. Noong una, asar na asar sila sa kanya, pero nagtagal eh tinanggap na rin siya at binalik ulit ang dati. Sa huli, ayun may goodbye goodbye tsenes na nangyari. Hinatid ni Sano si Mizuki sa airport. After 2 months ata iyon, may natanggap na newspaper si Mizuki na kung saan pupunta raw ang buong DORM 1, DORM 2 at DORM 3 sa Amerika. At that’s the end
*Kung kayo po ay naguluhan sa story ko o sa summary ko, pwes mas lalo akong naguluhan sa pinaggagawa ko. Nahihilo rin ako. hahaha!!! Ah basta! Iyan nga ang gusto ko eh. Magulo kasi isip ko kaya magulo rin ang entry ko. Owkei! Amp!
Ang daming nangyari sa akin nitong nakaraang buwan at ngayong buwan ding ito. Ang daming nangyari na dumating sa punto na wala na tuloy akong maalala at maikwento sa inyo. Sus! Ako?! Mawawalan ng ikwekwento! Pwede ba iyon?! Sa tinagal-tagal kong hindi nagblog sa tingin mo’y wala pa akong maikwekwento. Grabe naman! (Mukha na akong engot! Kinakausap ko na sarili ko! Amp!)
- Akalain mo yun?! #1 (Suicidal?) – May nahulog na estudyante ng Fin. Man. mula 6th floor sa Perfecto Building ng Saint Louis University. Bakit siya nahulog? Ayon sa mga sabi-sabi kasama daw kasi niya itong gerlplen nya at nag-aaway ata sila. Sasampalin daw nitong si gerlplen si estudyante Fin. Man pero umilag daw, naout of balance and oh it became koko crunch nahulog na daw. Ang matindi pa doon! Hindi namatay yaong si FinMan student? Iyon ay dahil sa kanyang guardian angel! Joke! Kasi may sumalo sa kanyang red na van na kasalukuyang nakapark doon sa harap ng nabanggit na building. Kawawa naman yoang van. Namantsahan ng kanyang dugo. Nayupi-yupi dahil sa pagkabagsak ng kanyang katawan. Ngapala! Nag-away daw ang dalawa dahil juntis daw itong si gerlplen at ayaw atang pangutan nitong si estudyante ng Fin. Man. Iyan ay ang mga tsismis na aking nasagap mula sa iba’t ibang mga sources. Pasensya na! Sadyang tsismosa lang talaga!
- Akalain mo yun?! #2 (Tag-ulan?) – Sobrang besi-besihan ang drama ko. Talagang inulan ako ng sandamakmak na mga research works, plates at iba’t ibang mga papers na over to the max with wings na nakakabaliw. Una, yaong 18 plates na ipapasa para sa aking TechDraw na subject. Ikalawa, yaong reaction paper para sa PE tungkol doon sa pinanood namin na Sayaw Pinoy. Ikatlo, ang research paper sa Filipino na by group pero ako lang ang gumawa dahil sobrang walang pakialam ang mga groupmates ko sa research na ito. Bwisit talaga! Ikaapat, malapit na ang finals at wala pa akong narereview. Ang sama ng loob ko sa mga groupmates ko na ito. Sila ang dahilan ng aking pagkapuyat! Ni wala man lang talaga akong pahingan noon. Pagdating sa bahay drawing agad inaatupag ko. Nirarush ko na talaga kasi malapit na pasahan. Tapos hihinto pansamantala para kumain ng hapunan. And then diretso naman ako sa research paper namin sa Filipino. Inaabot ako ng 2am para matapos ko ang dapat tapusin. Pero kulang talaga ang oras. Kahit sobra sa puyat, kulang sa tulog, mukha ng zombie, atleast sa tingin ko nagbunga naman lahat ng paghihirap ko dahil naipasa ko on time lahat ng mga dapat ipasa. It’s a great achievement for me dahil wala talagang tumulong sa akin noon. Kumayod ako with my own strength(Huwaw! jengliz! AmP!). Atleast kung may ipapagawa uli silang papers at individual pa, hindi na ako mahihirapan dahil nasanay na ako samantalang yaong 3 itlog na kupal na iyon, magdusa sila sa hirap. Amp.
- Akalain mo Yun?! #3 (Bagsak?) – Bagsak daw kaming lahat sa final exam namin sa drawing. Bakit? Dahil ang pinakaimportanteng detalye eh hindi namin nailagay. Iyon ay walang iba kundi ang SCALE 1:100 na oo importante naman talaga. Dahil daw doon, baka 30% lang daw sa block namin ang makakapasa at the rest ibabagsak niya. Napakastrict talaga ng instructor na iyon.
- Akalain mo Yun?! #4 (Puyat?) – Lagi akong puyat nitong nakaraang araw. Bakit kamo? Iyon ay sa kadahilanang nagmomovie marathon kasi ako. Bago ako bumaba dito sa La Union, bumili ako ng mga dvds sa Baguio puro mga asianovela lahat. Hahaha! Pero okey lang! Matagal ko ring pinangrap ang bakasyong ito. Balak ko talagang gamitin ang bakasyong ito para sa aking panonood ng mga asianovela. Ito lang ang maibibigay kong rest o pahinga para sa sarili ko. Rest nga ba? Bahala ka!
- Akalain mo Yun?!#5 (Da Return op da comeback!) – Balik blogging uli ang inyong lingkod dahil bakasyon na naman. Wala naman akong balak ngayong bakasyon kundi ang magblog at manood ng mga dvds. Malamang na magkulong lang ako dito sa aming kuta. Kasi balak kong magsummer para mag-advance agad. At nang makagraduate ng mas maaga. Hehehe!
Welcome uli sa aking sarili! Summer na!!! Enjoyin natin ang bakasyong ito! WoOoOoOOo!!!








