Posted by: eloiski on: Abril 1, 2008
Dahil April Fool’s Day ngayon, hayaan niyo akong magshare ng ilang experiences na tila puro kalokohan ang naganap. Dahil lokohan ngayong araw na ito, heto ang mga panlolokong nangyari sa buhay ko noong hayskul. Hindi ako naloko ng mga klasmeyts ko, sadyang loko-loko lang talaga ang panahon at nayari niya ako.
1. Saksi: Mga klasmeyts ko noong first year pera na lamang ang mga kaklase kong absent at ang napakabait kong guro sa Math
Tagpo: Nasa loob ng klasrum, Math class 7:40 – 8:40 ng umaga, Lunes
Kwento: Halos lahat ay kabado dahil karamihan sa amin ay hindi nakagawa ng takdang-aralin sa Matematika. Kung may nakagawa man, iisa lamang ang source ng kanilang mga kasagutan. Ngunit ang isang batang tulad ko ay hindi naengganyo sa pangongopya kung kaya’t minabuti ko na lamang gawin iyon ng mag-isa kahit wala naman talaga akong alam. Naalala ko pa talaga, todo-yuko ako ng ulo dahil natatakot talaga akong pumunta sa harap at ipakita ang aking kasagutan sa mga kaklase. Isama mo na rin diyan ang pag-explain kung paano ka nagawi sa gaanong kasagutan. Sa minamalas-malas naman ng araw na ito, ako pa ang nakita ng color violet ang buhok na teacher na iyon. Syempre halos mamawis ako sa kakasulat sa pisara dahil parang walang direksyon ang aking mga solusyon. Tapos, ayan “explain your work”. Problem solving kasi iyon kaya medyo nahihilo ako sa sagot ko. Tuwang-tuwa na ako nun dahil malapit na akong matapos at wala namang “why is it like that?” akong narinig. Sinabi ko na ang kasagutan matapos ang napakahabang solusyon na paggewang-gewang at obvious naman hindi na nakikinig sa akin mga kaklase ko dahil hindi na rin nila ako masundan.
Mrs. Violet: And what is the unit?
Ako: Hmmm (hindi ko talaga alam kung anong unit ang gagamitin ko dahil nahihilo na talaga ako sa ginawa kong solusyon!) kilometers?
Mrs. Violet: Uhhhh!!! (Basta ganyan ang expression niya pag mali “ata”)
Ako: Ay hindi pala miles!
Mrs. Violet: Sigurado ka?
Ako: Ay ano kilometers! Ay hindi miles pala! Ay hindi kilometers.
Mrs. Violet: Hay! Napakasimpleng tanong hindi mo masagot. (Basta mga salita na nakakainsulto at mapapaiyak ka talaga sa kahihiyan. Nakatayo pa mandin ako nun!)
Kitang-kita tuloy ng mga kaklase mukha ko na pawis na pawis apti at singit ko namamawis na, pulang-pula ang mukha habang kagat-kagat ang ballpen na Panda blak.
Lesson: Huwag makinig sa mga pinagsasabi ng mga kaklase. Kung ano ang sagot mo iyon ang paniwalaan mo. (Takte kasi yaong kaklase kung iyon “miles, miles!” Iyan ang ibinubulong niya sa aakin. Mali naman! Grrr! Kung hindi sana siya bumulong e di nakaupo na ako ng matiwasay sa upuan ko.
2. Saksi: Klasmeyts noong 3rd year pera na rin ang mga absent at ang Math teacher ko ulit. (Hayyy mahal na mahal talaga ako ng mga teachers sa Matematika!)
Tagpo: Sa loob uli ng klasrum, Math class, 12:30 – 1:00 (shorten kami niyan kasi Teacher’s day!)
Kwento: Napakalungkot na klase dahil ineexpect ng lahat na hindi naman kami magkaklase dahil Teacher’s day. Lahat ng mga subject teachers namin pumunta sa klasrum hindi para magturo kundi wala lang para makatanggap ng aming mga bulaklak at kung anu-ano pang kaartehan iyan. Pero, ang Math teacher namin na sobrang pinapahalagan ang bawat minuto, iginugul niya sa pagtuturo sa amin. Dyahe! Hayun, ilabas daw ang mga libro sa Math dahil chechekin daw niya!
Ms. Perpekta: [Insert my name here], do you have your book?
Ako: Mam, andoon po siya kasi raw di niya makita. (Uutal-utal!)
Klase: (Tingin lahat sa akin at sabay halakhak ng napakalakas)
Ms. Perpekta: (Napakunot-noo) What?
Ako: (May kwestyon mark sa ulo)
Frontmate: May libro ka daw ba sa Math? (tumatawa pa rin!)
Ako: Ah mam ito po oh (sabay taas ng libro! pero nakayuko ang ulo!)
Hay! Bakit nga ba iyan ang sinagot ko? Nakakaintindi naman ako ng jengliz at sanay na sanay na sa tanong niyang iyan na “Where’s your book”/ “Do you have your book?” Yun yun eh! Nakatingin sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang puno ng narra na tila nag-aanyaya. Pinapakinggan ang bawat patak ng ulan at sinasamyo ang kakaibang amoy ng lupa na inulanan. Ang layo ng tingin ko at wala ako sa sarili ko. Basta ang alam ko, nag-eenjoy ako sa kakatingin sa punong iyon tapos umuulan pa. Nasa tabi kasi ako ng bintana. Ang alam ko kasi ang tinatanong eh tungkol sa attendance namin. Eh yaong seatmate ko nasa harapan dahil hindi nga daw niya makita. Kaya nang tinanong ako, ang nasa utak ko eh yaong tungkol sa attendance. Ayun pala, tapos na naitanong. Oh di ba? Gaya ng dati pulang-pula ang buong katawan (take note: buong katawan!). At magdamag na nakayuko hanggang matapos ang Math class. Take note rin: Hindi pa ako nakadrugs niyan. Paano kung may tama pa ako niyan?
Lesson: Huwag umupo malapit sa bintana dahil maaari itong maging dahilan ng iyong pagkaantok at pagkawala sa sarili. Huwag na ring tumabi sa malabo ang mata dahil maaari pa siyang maging dahilan ng iyong kahihiyan. Hayyyy! Isinisi pa talaga sa seatmate noh?
3. Saksi: Si Lawrence na aking kaklase, ilang mga estudyante na nakasabayan, ang mga kaserbis
Tagpo: Sa hagdanan, mga alas syete y medya
Kwento: Naglalakad habang inaalala ang mga formulas na minemorise ko sa loob ng sasakyan (Sadyang ako’y tamad mag-aral sa bahay kaya sa loob na lang ng servis ako nagmemorize. Test na kasi namin ng 4th grading). Hayun, recall ng recall ng lahat ng mga minemorize at kung saan gagamitin. May pasulat-sulat effect pa ako sa kamay at patingin-tingin sa kisame. Ayan, paakyat ng hagdan, isang hakbang, dalawang hakbang, ikat. . . Blag! Ang inyong lingkod po ay nadapa sa mismong hagdanan at halos mahulog. Grabe! Namawis uli ako doon at gaya ng dati pulang-pula lang naman ang mukha. Nakadapa talaga ang inyong lingkod buti na lamang at nakahawak ako sa ikaapat na hagdanan na aking hahakbanin pagkatapos ng ikatlo. Dyahe! Halos mamatay na ako roon ah. Oo, mamatay hindi dahil sa pagkahulog sa hagdan kundi dahil sa kahihiyan na aking nararamdaman. At sa kasamaang-palad, nakita pa talaga ako ng kaklase ko na todo kung mang-asar at mambulgar sa kanyang mga barkadang napakaangas, napakayabang at todo sa grrr!
Lesson: Hindi na ako mag-iisip habang naglalakad. Hindi na ako mag-iisip, mag-isip, nag-iisip, nag-isip at higit sa lahat hindi ako ISIP. WaaaaH!
Hayan at mahal na mahal talaga ako ng MATH na subject kaya nga ako nag-engineering major eh Electronics and Communications Engineering. Wapak! Wala lang!
Mahal ko pa rin ang Math. I told you!
APRIL FOOL’s Day! Tayo na at maglokohan!
heto at may isheshare akong website na pwede niyong panloko sa mga friends nyo. Pero dapat alam niyo ioperate. Kunting praktis lang, mamamaster mo rin. Hanapin mo na lang po sa google kung paano ioperate. Ang alam ko matagal-tagal na rin ito eh. Hahaha! Tagal ng nauso pero share ko lang naman ah. Ang kuleeeet!
Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
| ysrael sa Ang Kumplikado! Ang Labo! | |
| clarisse sa Ang Alamat ng Ampalayang … | |
| karmela sa It’s Raining Men! (… | |
| liches sa Download | |
| liches sa Download |
Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Albeo theme by Design Disease
Abril 3, 2008 Sa 6:50 umaga
mabuhay ka! hehehehe.. nagtatakip kasi ako ng ilong ko kapag math subject na..
ilink ko po blog mo ah..
Godbless!