Notbuk ni Eloiski


Inadd ako ni Mama sa Friendster

Hindi nga kayo nagkakamali. Tama ang nabasa niyo. Inaad ako ni mama sa Friendster. Nangangahulugan lamang na may Friendster na rin mama ko. Oh diba sosyalites.

Gabi na ata iyon noon nang binuksan ko yaong Yahoo! Ko at nakita na may new friend request ako. Si Remedios daw. Natuwa naman ako kasi aba kapangalan ni mama ah. Eh di punta ako ng Friendster ko ngayon at nakita ang Friendster ng taong iyon. Aba’y laking gulat ko dahil magkasingtaba rin sila ni mama. What a coincidence. Pero ep ep ep kamukha rin ni mama. Ay pootek si mama nga! Shocking to the max naman daw ang drama ng lola niyo. Hindi ko kasi akalain na matututo ang mama ko sa pagpreprendster. Noon lang kasi ang drama niya sa harap ng computer eh maglaro lang ng games.

Sa tingin ko nagsimula lahat noong nagpaDSL siya kasi nga paputol-putol kapag nagchachat sila ni papa. Ayun nga nagpakabit at natutong magFriendster. Hi-tech si mama noh. Hala! Nag-uumpisa na si mama maghasik ng lagim at umikot sa world wide web. Lagot. Buti na lang at wala akong kalokohang ipinaglalagay sa Friendster dahil kung hindi baka mabasa niya at pak! Pero syempre ano nga naman ang ilalagay kong kalokohan sa Friendster eh wala naman akong kalokohang pinaggagawa. Mabait na bata ata to!

Pero dahil friend ko na nga si mama sa friendster, hindi na ako nagpopost sa bulletin ng mga kung anu-ano baka kasi mabasa niya at tanungin na naman ako. Dati-rati sumasagot pa ako ng mga survey at nagpopost din ng chain messages. Pero ngayon ayoko na baka kasi mabasa ni mama at tanungin niyang “Paano magpost sa bulletin?” Ay dyosko! Pati nga yaong layout niya ayusin ko raw kasi nakikita niya yaong ibang profile ng “friends” niya na may glitters glitters daw. Gawin ko rin daw ganun. Hindi ko naman binigo si mama dahil naghanap naman ako agad ng layout niya na may glitters. Tapos, sumunod naman may nakita siyang profile na may slideshow na ang cute ng effect at themes. Tinanong niya ulit ako. Sabi ko hindi ko alam (kahit alam ko naman. . . hehehe). Sumunod naman na eh humihingi na ng comments sa akin. Ay ewan! Syempre, mabait na anak kasi ako kaya pinagbigyan ko naman ang aking eber loving nanay at tuwang-tuwa siya sa mga angels na graphics na binigay ko sa kanya.

Well, kung tatanungin niyo ako kung ano nga ba feeling na friend ko na si mama sa Friendster, ang masasabi ko lang ay okey lang dahil wala naman akong kalokohang inilalagay sa friendster ko. Kaya, yaong mga anak diyan na may itinatago sa kanilang mga magulang at inilalagay niyo ang inyong lihim sa inyong Friendster, aba’y lagot kayo! Kung akala niyo ang mga nanay ay pambahay lamang at walang ibang ginawa kundi asikasuhin ang pamilya at si tatay na kayod ng kayod para sa pamilya, pwes nagkakamali kayo. May naichika kasi itong si mama sa akin tungkol sa isang estudyante mula sa paaralan ng mga kapatid ko na yaong tatay daw eh nagsearch daw tapos napunta ata sa Friendster ng anak niya. Nakita niya syempre yaong profile ng anak niya at nakita niyang may boyplen na pala ito, kitang-kita ang ebidensya sa piktyurs at comments. Anong ginawa ni tatay sa anak? Malamang isang napakahabang homily para sermunan ang kanyang daughter.

Minsan okey lang pero noong tumagal na grabe nakakaasar na rin. Kasi tanong siya ng tanong. Lahat na lang tinatanong niya. Bakit daw may nakalagay na regalo doon sa may itaas ganyan. Paano burahin yaong ganito. Paano mag-add. At ang isa pa eh pinapalagay na rin niya ang kanyang mga piktyurs na mula sa aking laptop. Lingid sa aking kaalaman, habang ako pala’y mahimbing na natutulog eh hiniram niya pala ang aking laptop at nagpiktyur piktyur sa webcam.

Pero, okey na rin na mag-explore siya sa world wide web para naman hindi siya mahirapan sa paggawa ng projects ng mga kapatid ko. At isa pa, para naman kapag tumagal eh hindi na tanong ng tanong ang aking nanay sa akin tungkol sa mga kung anu-anong mga kachurvahang iyan.

Ang nakakatacute lang baka maglanding na rin siya sa aking blog at mabasa ang mga kung anu-anong pinagsusulat ko. Lagot na. Mabasa niya ang mga kalokohan ko sa buhay. Ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Mga kwento ko na ewan ko lang kung matutuwa siya sa mga pinagsasabi ko. Ngunit, kung saka-sakali mang maglanding si nanay sa blog ko, Masaya rin lalo na kung si papa. Bakit kamo? Kasi mababasa nila yaong mga gusto kong bilhin at mga gusto ko sa buhay.

Halimbawa na lamang ngayon. Gusto ko kasing bumili ng bago kong camera yaong Canon A710 IS. Talagang nag-iipon ako ngayon. Balak ko kasi bago ang bertdey ko eh magkaroon na ako niyang digicam na iyan. Talagang naglalaway at uhaw na uhaw na ako sa digicam na iyan eh. Pati sa panaginip ko nagpaparamdam na nga rin eh.

(Kelan ka ba mapapasaakin???)

At kapag nabasa nga nila mama o ni papa, baka sakaling isurprise nila ako sa aking 18th bday at hurrah! I have my dream digital camera Canon A710 IS. Sana nga noh, maglanding talaga sila sa blog ko para mabasa nila ang entry na ito.

Kaya huwag kang magulat kung dumating ang panahon na si nanay eh nakikiexlink na rin sa akin at nagblo-blog hop sa mga blogs niyo. Iyan ang nanay ko! Ang tindi! Ang intense! Kaya mahal na mahal ko iyang nanay ko kahit na lagi niya akong pinagagalitan na kesyo hindi raw ako marunong maglinis, kesyo tamad daw ako. Okey lang iyan lulunukin ko lahat ng mga sinasabi niya, mahal ko kasi siya eh. Lalo pa ngayon at may gusto nga sana akong bilhin na camera. Joke! WoOoOoOPpPpPpPeEeEeE!!!!!!