Ang Paglalakbay ni Eloiski

Classroom na nakikihide and seek

Posted by: eloiski on: Abril 8, 2008

Dahil 9:00 ang pasok ko para sa summer class ko ngayon, inalarm ko si cellphone ko ng 6:30 am kagabi. Nag-alarm nga, pero hayun at hinihila pa rin ako ng aking kama. Hindi ko naman siya binigo kaya nagsleeping beauty muna ang inyong lingkod. Nagising na lang ako ng 7:00 at hayun takbo ako sa kusina para magpainit ng tubig. Takte! Hindi ko naman mabuksan yaong tangke kaya hayun ginising ko mga roommates ko (Ekshelli, kanina pa pala sila gising, hindi nga lang bumangon. Hinitay ata ako na bumangon at magbukas ng tangke). Hindi rin pala kinaya ng powers nila. Takbo na lang kami sa asawa ni Ate Aw, landlady namin, para ipabukas yaong tangke. At apter how many years, nabuksan na rin sa tulong na rin ng isang guard dito. Hayun at luto session na ginawa namin.

Nang ako na maliligo, akalain mo ba namang tamang-tama na nawalan ng tubig. Ampness! Malas talaga oh! Kaya ano pa nga ba? Eh di ligong-uwak na lang ginawa ko. Grrr! Gusto ko pa naman sana na first day of summer class eh matino naman ang pagligo ko. Pagkatapos naming gawin ang aming ritwal sa buhay, umalis kami ng boarding house ng 8:30 at larga na papuntang Gonzaga Bldg. na siyang building naming tatlo ng boardmates ko sa NSTP (Hindi po kami magkaklase ah, nagkataon lang na parehas talaga kami ng subject at oras).

Kahingal to the max ang pag-akyat namin sa bawat hagdanan. Para na nga akong asong-ulol na labas dila na ang porma (buti na lang hindi ako hinuli, mahilig pa naman mga Igorot sa aso). Akalain mo iyon! Hindi pa nga ako nakakarating sa mismong building eh amoy-pawis na ako. Takte kasi ayaw pa lang nilang ipagamit elevator. Naphobia na ata sila sa taas ng bill na babayaran. Joke lang! Ang alam ko baka daw kasi mangyari na naman yaong katakot-takot na insidente tungkol sa babaeng nagpakamatay sa loob ng elevator. Amf.

Nakarating na ako sa building ng Gonzaga but oh my gulay! Nahanap na ng mga kasama ko room nila pero yaong akin tila nakikihide and seek sa akin. Nagpasama naman daw ako doon sa isa kong kasama kasi alam na niya pasikot-sikot doon (na sa tingin ko’y nagkamali ata ako dahil hindi rin niya mahanap room ko which is G201). Naikot ko na yaong doon sa loob pero ang meron lang talaga eh G203 at iba pang room. Kinabahan tuloy ako nun kasi baka malate ako. Sinusubukan talaga ako ng room na iyon which is G201. Gusto niya talagang makipaglaro sa akin ng Hide and Seek. Pwes! Ako? Walang ganang makipaglaro dahil first day of classes tapos first day of subject pa, late ako! Napakapangit na pangitain. Buena manong kamalasan ba ito ngayong araw na ito.

And after how many centuries, nakita ko ang isa sa aking classmate na kasalukuyan ding hinahanap ang aming room which is G201. At hayun andoon pala ang nakikihide and seek na room sa isang sulok. Hindi mo talaga aakalain na may nag-eexist na ganoong classroom sa sulok na iyon na tila napag-iwanan na ng panahon. Pumasok na kami sa classroom at kakaibang aura ang aking naramdaman. Amfufufu, may nalalaman pa pala akong ganito. Ang pangit ng mga rooms sa Gonzaga Bldg. kasi naman mismong ang building pangit talaga. Minsan tuloy nakakatakot isipan na paano na lamang kung lumindol. Malamang yaong building na iyon ang kauna-unahang guguho. Para kasing papasok ka pa lang, may maririnig kang krk krk krk. Hahaha.

Habang naghihintay kami sa classroom naming ang gulo gulo, may pumasok na chicks. Akala ko nga instructor na namin. Pero ep ep ep. Staff lang daw siya ayon sa NSTP coordinator namin na kakapasok lang sa classroom namin. Oh well, face towel, nangangahulugan lamang na hindi kami sinipot ng aming instructor. Okay lang para dismissal agad at makakafoods na naman kami.

Sumunod naman na subject ko eh History (Life, Works and Writings of Rizal). Okey na okey sa olrayt ang instructor naming. At ganoon na lamang ang aking pagsisisi kung bakit hindi ko sinimulan na gawan siya ng Dictionary niya. Ang tindi kasi ng sense of humor niya. Ang galing niya magpatawa. Malamang na maeenjoy ko ang subject na ito dahil sa kanya. Puro green jokes. Pero, ayon sa kanya he’s not polluting our minds naman daw. Ekshelli, he’s just preparing us for the future pollution. Gustong-gusto ko talaga ng mga punch lines niya. Matindi to the highest level.

Ang last but not the least na subject ko is Logic. Okey lang naman kaso mahina kasi ang boses niya kaya may tendency na bigla na lang akong lamunin ng kaantukan. Pero sa tingin ko, mapupuno ang utak ko ng kapilosopohan sa buhay. Yaong tipo bang isang napakawalang kwentang bagay eh baka pagtuunan ko pa ng sobra sobrang pansin at mamroblema na hindi naman dapat. Ay ewan. Naguguluhan na rin ako.

Iyan lang muna ngayon. RooooaaaaaR!

14 Tugon to "Classroom na nakikihide and seek"

naalala ko tuloy yung first day ko sa PE subj..nagrereklamo ako sa katabi ko not knowing na sya ang prof namin..hehe=)

waheheh! meron kasi tlgng mga prof na hindi mukhang prof! parang sa min ung logic. kala ko estujante lang. un pala prof namin! wapaK!

ako nung nagturo ako sa isang computer college, hindi ako sa harapan umupo kundi sa mismong upuan ng mga estudyante… antay sila ng antay sa titser nila, reklamo don, dito at dami rin naki chika sa akin — hindi ko mapigil mapangiti nung umakyat ako sa pwesto ng para sa titser at nung nalaman nilang ako pala ang instructor nila, hahah pero magmula non naging maganda ang relasyon ko sa mga estudyante ko :D

wahihihi1 ang cute naman nun! hahaha! galing mo tlg ate kengkay!

uy, salamat at sinilipan este sumilip ka sa blog ko. yung camera, sa maniwala ka at sa hindi, kamerang may film pa yun. lo-tek ang kuya mo eh.
uy, in-add na kita sa links ko para may maganda naman dun.
ngapala, tawa ako ng tawa sa pag-add mo sa mama mo sa friendster. mamaya mas marami pa syang friends pag nagkataon. hehehe…

waaaah! as in defilm lang gamit mo dyan! ang ganda kaya ng kuha! sabagay, hnd naman nadadala sa camera yung mga magagandang shots eh, depende yan sa kagalingan ng photographer! wapaK!
si mama tlg kakaiba eh! Yaan mo sa susunod magbablog na un! wapaK!

hahaha ang kulit ng classroom sa pix!!! seryoso un? hehe…

salamat sa pagdaan sa tula ko, nadiskubre ko tuloy ang makulit mong blog.

tatambay na ko dito ha.

hnd po un ung pic, la lang kasi ako pic ng klasrum kaya inexaj ko n lng! ayos ba?

walang anuman un, ganda nmn po tlg ng tula nyo eh!

klasrum ba talaga yang nasa piktyur? parang may lalabas na mumu! 8O

opo klasrum nga yan! klasrum na nibagyo at nigyera! hahah!!! pero d nmn po yan ung room nmn, mas matino kht papaano ung amin. pero may mumu po tlg sa min! pakilala po kta! hehehe!

Mag-iwan ng Tugon

Mga Naliligaw

  • 19,930 nilalang ang napadpad

Anong Latest?

Sali ka na!


Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
Display Pagerank

Kumusta siya?

Si Eloiski ay Kasalukuyang

korean cute comments

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)


I got this Ninja Bubs
from TheLordNick.com/Bubs

Makimundo!

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Add to Technorati Favorites

Anong Petsa Na?

Abril 2008
L L M M H B S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Kategoriya

Mga Nakiusyoso

Mga Nakiusyoso

View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile

Tumatakbo ang Oras

obj = new Object;obj.clockfile = "5010-red.swf";obj.TimeZone = "GMT-0400";obj.width = 222;obj.height = 66;obj.wmode = "transparent";showClock(obj);