Tiburcio nga ba?
Abril 17, 2008, 2:56 hapon
Isinalansan sa: Chismax Episode, Family Affairs Episode, Iskul Bukol Episode, Kalokohan Episode, Tagski Tagshing Episode
Isinalansan sa: Chismax Episode, Family Affairs Episode, Iskul Bukol Episode, Kalokohan Episode, Tagski Tagshing Episode
Heto’t natag na naman ako ng isang anghel pero bad girl sexy naman na si Angel at ni Dra. Rio. Ang gulo noh! Oh well, face towel. Ito naman ang sa akin.
You Are Boyish Sexy |
![]() You’re the kind of girl who gets along with all the boysWhether it’s holding your own in a game of touch football…Or kicking some major butt while playing Xbox.You hang with the guys easily, while still keeping your girly sexiness. |
Wala akong magagawa kung iyan man ang lumabas na resulta. Siguro baka ganyan naman talaga ako. Boyish sexy. At sa tingin ko’y may sapat na pruweba ako para masabing boyish nga ako. Pwede bang wala na lang sexy kasi hindi naman ako sexy. Payatot ako:
- Suntukan - Noong elementary at hayskul, panununtok at pananapak na ata ang ilan sa mga hobbies ko sa iskul. Boring naman kasi kung lagi ka lang mag-aaral. Dapat minsan minsan eh maengage ka naman sa isang kakaibang extracurricular activity tulad na lang pakikipag-asaran na nauuwi sa awayan o gulo. Naalala ko noong elementary ako, may nakaaway ako na kaklase kong lalaki na ang yabang yabang at sisiga siga. Halos karamihan sa aming mga babae eh takot sa kanya. Pero ibahin nila ako! Kaya ko siyang labanan. Ang totoo niyan napaiyak ko nga siya eh. At kung anong klaseng fighting skill ang aking ginamit, eh akin na lang iyon.
- Hindi kikay, hindi fashionista - Wala akong hilig sa mga kakikayan sa buhay. Ni hindi rin ako sumusunod sa mga usong damit at burloloy sa katawan. Masaya na ako sa t-shirt o blouse na branded (hehehe) at syempre pantalon din na branded samahan mo pa ng rubber shoes na branded uli. Okey na okey sa olrayt na ako doon. Maglagay ng pulbos eh hindi ko nga rin magawa gawa eh. Hahaha. Pero lotion kahit papaano eh naglalagay naman ako. Pero sa tingin ko normal lang naman ata iyon eh. Ay ewan ko.
- Maglaro ng sports – Gustong-gusto ko yaong sports na basketball at volleyball. Pero mas natutuwa ako kapag mga lalake kalaban ko. Bakit kamo? Kasi para mas may thrill. Tuwang-tuwa nga ako noong pinagbigyan kami noon na makipaglaban sa mga lalake na kaklase naman na mga lalaki sa volleyball. Mantakin mo iyon, nanalo pa kami. Boys vs. girls pa iyon ah. Malamang magaling kasi yaong captain ball (ehem!)
- Salitang lalake – Gusto ko yaong pananalita ng mga lalakeng kakilala ko. Ang astig kasi at ang porma. Kaya naman ako, itong si gaga, nakigaya naman. At medyo natuto na rin sa mga kung anu-anong mga salitang ginagamit nila.
- Wala na akong maisip. Nyenyenye.
Sa tingin ko kaya naging boyish ako eh dahil na rin sa aking tatay. Papa’s girl kasi ako at kapag binibilhan ako ng damit ng tatay ko eh yaong bang panglalake. Tulad na lamang halimbawa ng binili niyang pajamas na may printed na Jurassic Park noong 6 years old ata ako. Tapos binibilhan din niya ako ng laruan na panlalake halimbawa na lamang eh yaong karpintero-karpintero. Tapos may nagbigay naman sa akin noon ng kotse-kotse na maliliit na enjoy na enjoy naman ako sa kakalaro. Grabe!!! Pero, hindi ako tibo! Yun lang yun. Kahit ganito ako kumilos eh babae pa rin ako. Ekshelli, di ba nga may crushness ako na mga koreans, taiwanese at japanese actors. Ah basta iyon na iyon. Amp! NAkikipag-away sa sarili. Pagpasensyahan niyo na!
Kung sino itatag ko eh siguro hmmm. . . Wala ata kasi yaong iba eh hiatus pa ang drama. Sabi niya sa akin (oh di ba closeness kami!) medyo matatagalan pa ang kanyang pagbalik kasi inaasikaso niya pa ang kanyang career. Halos lahat na ata ng kakilala ko sa blogosphere eh may natanggap ng ganito.
Mga Puna









