Notbuk ni Eloiski


Sampung klaseng blogger
Mayo 1, 2008, 12:13 hapon
Isinalansan sa: Ang Techie Episode, Multiple Choice Episode

Sa paglagi ko sa world wide web, maraming mundo na ang aking napuntahan, nabisita at nagulo ng pansamantala. Isa akong masugid na mambabasa ng mga entries ng kapwa ko blogger. Sa lahat ng mga blogger na iyon, naroon ang aking katanungan kung anong buhay, anong kapalaran at anong personalidad ba meron ang mga bloggers sa likod ng mga blog na kanilang nagsisilbing journal o diary. Kung kaya’t humantong ako sa ganitong entry na hindi ko lubos maintindihan. Sa world wide web, may sampung klaseng blogger ang nagpapaandar ng kanilang mga utak, daliri at imahinasyon upang magsulat/magtype sa kanilang blog:

  1. Payaso ng www – Sila ang mga bloggers na ang bawat entry nila ay puno ng katatawanan at kakengkoyan. Lahat ng bagay ay idinadaan nila sa biro at tawa na nagpapaengganyo sa mga mambabasa na ipagpatuloy ang pagtambay sa mundo nila. Kapag binabasa mo ang entry nila, hindi mo mapipigilan ang matawa dahil nakakatawa naman talaga. Hahahahaha!
  2. Ulo ng mga balita – Sila ang mga bloggers na puro isyu sa bayan, isyu sa mga seryosong bagay ang laman ng kanilang mundo. Sila ang kadalasang updated sa mga balita. Madalas na puno ng komentaryo ang bawat post niya. Matindi ang bawat banat at salita kaya minsan nakakatakot makabangga.
  3. Dear Diary – Sila naman ang mga bloggers na mahilig isulat ang lahat ng kaganapan sa kanilang buhay. Ni paggising sa umaga, pagligo, pagpalit ng damit ay nakalista at nakasama sa blog entry nila. Sila ang mga taong masasabi kong masipag magtype at laging may bagong post sa mundo nila.
  4. Makata – Sila naman ang mga bloggers na mahilig gumawa at itype ang mga literary pieces nila. Nariyan ang mga short stories (maikling kwento), poem (tula), essay, at kung anu-ano pa na gusto nilang gawin. Punong-puno ang kanilang utak ng mga imahinasyon na talaga namang nakakabighani sa mga kapwa blogger niya.
  5. Hi fans – Sila ang mga blogger na halos lahat ng mga entry ay tungkol sa mga kinaadikan nilang personalities/celebrities at mga shows na halos alam na alam na nila ang buhay nito pati ata brand ng diaper ng kinaaadikan eh alam na. Updated sila sa mga nangyayari sa iniidolo nila. Pati mga layouts ay konektado sa idolo.
  6. Camwhore – Sila ang mga bloggers na tadtad ng mga larawan o imahe ang kanilang mundo. Minsan nga wala ng nakasulat na salita sa mundo nila at tanging ang walang kamatayang larawan ang masisilayan mo sa mundo nila. Nariyan ang larawan niya, larawan ng mga pinupuntahan niya, mga kabarkada niya at kung anu-ano pang larawan iyan basta puno ng piktyurs. “click”
  7. Movie buffs – Sila ang mga blogger na puno ng mga review ng pelikula na napanood nila ang laman ng blog. Sila ay updated sa bawat palabas at halos lahat ng pelikula eh pinapatulan niya mapacomedy, horror, suspense, action, love story, animated movies pa iyan, shoot! Papatulan niya. Minsan naiisip ko, madalas siguro ito sa sinehan. Uber! Pati mga linya ng mga actor at aktres na napanood niya eh memoryado na niya.
  8. Shortcut – Sila ang mga blogger na masyadong tamad ata sa pagtype at short cut na ang method na ginagamit niya. Ginagawa niyang cellphone ang computer. Imbes na “you” sana nagiging “u” na. U knw 8 so hirap 4 me 2 understan diz pipz coz deyr magulo. GetZ? (Hindi ako adiktus sa text kaya hirap ako mag-isip ng shortcuts!)
  9. Copy-Paste – Ito ang blogger na halos lahat ng kanyang mga entry eh panay kopya at dikit sa blog. Sobra naman ito sa katamaran. Wala man lang kaeffort-effort na nagtype. At dahil copy-paste nga, kadalasan mahaba ang kanyang mga entry at kahit papaano nakakaengganyo naman. Nariyan ang mga lyrics ng song, poems na matindi, istoryang napakahaba at ang walang kamatayang research.
  10. Lumot – Sila ang mga blogger na hindi na napapadpad sa blog niya. Ni wala na ring nilalang ang naliligaw sa mundo niya. Ang blog na taglay niya ang kadalasang napag-iiwanan at tuluyang nakalimutan na.

Ikaw?

Sinong blogger ka diyan?

Pwedeng lahat iyan eh ikaw!

Pwede namang isa lang. . .

Kaya komento ka na. . .

NOW NA!!!!


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

eloiski, ako may tanong sayo: saang kategorya nabibilang ang blog ko at ang blog mo??? :D

sa yo, sa tingin ko eh dear diary tapos payaso pwede ka ring makata. baka nga all in one blogger ka!!! yehaaaaaaaaaaaa!!! sa akin, ewan ko! wapaK!

Comment ni linglingbells

ahehe… ni-post mo pala ule ito? Ayun comment ko sa unang-una o, magsi-six (6) months ago na tomorrow. Pero dis taym alam ko na kategori ko — namber 6. :P

wahehehe! wala lang ninong feel ko lang tlg magrepost! hahaa!!! wala kasi ako sa ngaun maisip na ilagay eh. tutal wala nmn tlg!

Comment ni Ninong


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

IF YOU NEED A BLOG, DONT FORGET TO SEE WEBSITE “Leoxa.com”
(The Themes Is Very-very Beautiful & Also Able To Place Adsense)

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Comment ni kang4roo

Ako yung “lumot” hehehe……. ala lang…… musta? wa pa ko post….. hehe…

weeee!!! dapat wag mo hyaang lumot yang blog mu!
miss ka na ng blogosphere!!! amf! ok na ok sa olryt ang lyf. kaw kuya???
musta bakasyon??????????

Comment ni Wacky

“#8. Shortcut ” ~~
WTFLMAO!! , goodpost

tnx!

Comment ni finch

hinde ko mapili kung saan ako dyan hehehe.. ;)

hmmm. . . di ko rin lam eh. wapak!

Comment ni barquera

ako ba si ulo ng balita? hahaha. gusto ko sanang dear diary kaso boring buhay ko e. hahaha

wahihihi. malamang nga. geh tatalon ako sa blog mu at ng makita ko nmn. . . wahihihi!

Comment ni kris

doon ako sa payaso nang www. :lol:

kaya? hahaha!
salamat sa pagdaan!

Comment ni P4

nyahahaha….ako, definitely…all-in-one-pack!!! kunbaga sa TV..variety show…but I’d rather choose to be categorized as an INSPIRATIONAL BLOGGER…echos!!! hahahha

Comment ni chuvaness




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>