Ang Paglalakbay ni Eloiski

Who’s your mommy, now?

Posted by: eloiski on: Mayo 5, 2008

Malapit na naman ang araw ng mga nanay at dahil diyan humantong muli ang aking utak sa ganitong post.  May numero 1,2,3 o mas kilala sa enumeration na tila nakakasawa na ata sa aking mga mambabasa (kung may nagbabasa nga talaga?). Pero, dahil nga blog ko ito, may karapatan akong itype ang lahat ng gustuhin ko.  Walang sinuman ang makapipigil sa aking mga daliri na magtype, sa aking utak na mag-isip at mag-imagine.  Hindi ito mula sa aking pagsasaliksik o pag-interbyu sa mga propesyonal, bihasa o mga dalubhasa pa.  Ito’y dala lamang ng aking malikhaing imahinasyon (dagitaket!).  Ayon sa utak kong inalog-alog at inuuntog sa
pader tapos binuhusan ng asido at pinukpok ng martilyo, ito ang mga naisip kong mga nanay, mama, mommy, ina, inay, mom, momcy, momski, mother, mamita at kung anu-ano pa:

1. All-around mama - Ang nanay na tagahugas ng pinggan, tagalaba, tagasaing, tagluto, tagalinis, taga-alaga ng anak basta gawaing-bahay iyan, ginagawa niya.  Ayaw niyang kumuha ng mga katulong dahil sa kanyang paniniwalang yakang-yaka daw niya pero ang totoo hindi na dahil nagmumukha na siyang longkatuts sa kalosyangan.

2. Lola Mama - Ang nanay na nahuli sa pagkerengkeng at paglalandi.  Sobrang late sa pag-aasawa at malamang na pameno-pause na nang huling nabuntis. Napagkakamalang lola rin siya ng kanyang kaisa-isang anak dahil sa matanda na nga.

3. Dalagang Mama – Ang nanay na kabaliktaran naman ni lola mama dahil ang nanay na ito ay napaaga sa kanyang paglalandi.  Napaaga ang pagkerengkeng sa kanyang syotakz at najuntis sa maling pagkakataon.  Siya ang nanay na kadalasang magrereklamo kung hindi nakapunta sa mall at nabili ang mga bagong outfits.

4. International Mama - Ang nanay na nag-aangkin ng mga anak na ang iba’y singkit, maputi, blue-eyes o negro. At dahil sa iba-iba ang lahi ng kanyang mga anak, hindi na rin niya mawari kung sino ang ama ng mga ito.  Maaari na rin siyang matawag na United Nation’s mama.

5. Stage Mama - Ang nanay na sobra ang pananamit, sobra ang make-up kahit na ba special award lang ang nakuha ng anak.  Minsa’y mapagkakamalan mo siyang person in authority dahil sa kanyang get-up. Masyadong papansin sa harap ng entablado at sobra at pagmamalaki sa kanyang anak na special award lang naman.

6. Sosi Mama – Ang nanay na sosyal at galing sa mataas o mayaman na angkan.  Siya ang nanay na sobra rin ang pagmamayabang sa kanyang anak na nagtapos ng mga kung anu-anong degree sa isang university, nakapasa o topnotcher sa mga bar exams.  Gusto niya laging mataas ang nakukuha ng kanyang mga anak at hindi pwedeng bumaba sa tumataginting na 95%.

7. Japorms Mama – Ang nanay na parang ate lamang nila sa ating paningin dahil sa kanyang pananamit.  Sila ang mga nanay na close na close sa kanilang mga anak dahil maaari silang lapitan kung ang mga anak ay may problema o gustong sabihin na sikreto na ayaw ipaalam kay papa.

8. Buntot-Sunod Mama – Ang nanay na sunod ng sunod sa mga anak kahit saan man sila magpunta.  Hindi siya mapakali kung sakali mang ito’y mawalay sa kanyang tabi.  Kadalasan ang mga anak na may ganitong nanay ay ang mga binata o kalalakihan.  Kapag may sugat lang ang anak aba’y supercalifragilisticespialidocious gagamutin niya agad ito.  Hindi rin niya nakakaligtaang lagyan ng pulbos ang anak.

9. Workaholic Mama – Ang nanay na walang ibang ginawa sa buhay kundi ang magtrabaho buong araw buong gabi.  Kadalasa’y wala na siyang panahon sa kanyang mga anak at asawa dahil sobrang besi-besihan ang ina.  Ang ganitong sitwasyon ay minsa’y nagdadala sa mga anak upang magrebelde o lumayas sa kanilang pamamahay.

10. Palengkera Mama – Ang nanay na napakalakas at kay ingay ng boses. Mahilig dumada at sumatsat, nakakairita sa tenga  Siya rin ay always on the go at kapag may problema sa paaralan tungkol sa kanyang mga anak sugod agad iyan sa principal’s office.

11. Hulog ng Langit Mama – Ang nanay na inaasam-asam ng lahat.  Mabait, mapagmahal, mapag-aruga basta lahat ng posistive attitudes nasa kanya na lahat. Madaling pakiusapan at maiintindihan ka sa lahat ng bagay.  Syempre, gumagawa rin siya ng mga gawaing-bahay pero may oras pa rin siya sa kanyang sarili para magpabeauty.

12. Eloski’s Mama – Ang nanay na pasimple-simple lang.  Masyadong kuripot at kapag nagkaproblema halimbawa tumaas ang bill ng kuryente ang kanyang anak na mahilig magcomputer ang sisisihin.  Mahilig din siya matulog pero may oras pa rin naman sa kanyang mga anak.  Pasimple nga pero wag ka kapag nagalit susme magtago ka na sa lungga mo dahil parang sasabog na bulkan ang drama nito.  Omg!

Inuulit ko po, ang lahat ng iyan ay ayon lamang sa aking imahinasyon.  Kung sakaling wala man diyan ang inyong mga nanay sa nakalista, ikomento niyo na lang sa akin.  Kaya, ano pa hinihintay niyo diyan mga repapips! Magwelga ka na!

14 Tugon to "Who’s your mommy, now?"

ang nanay ko, combo meal ng all-around mama, stage mama at hulog ng langit mama. although nasa langit na ulit sya ngayon. uy, bakit walang hot mama? hehehe…

@Nash – nyz naman! hehe!

@yeye – wahiihihi! talaga naman oh! ilokano kasi kami eh! ako rin mabait na anak! wapaK!

@Ozy – wahhihi!

@kuri – ok rin pala mommy mu ah! geh exlink po!

@kingdaddyrich – wahehehe! salamat po!

@macque – woohoooo!!! sa wakas may wordpress ka na!

@barquera – ndi ko ata naisip yan ah!

@rio – nanay ko din medjo palaban ala gabriella nga! wapaK! api mother’s day sa mom nyo!

@jetcetera – cute nga!

@brotherutoy – wahahaa! di ko alam kung paano ko idedescribe ang hot mama na yan! wapak! combo meal pa tlg! ginawang pagkain! okey yan!

nanay ako. Nagbubunganga ako pag mataas ang bill ng kuryente dahil sa kakacumputer ng mga anak ko pero noong nagsimula akong magblog, hindi na kahit tumaas pa ang bill.

wahihihi! di bale po si mama eh adik na rin sa net kasi nagchachat sila ni papa tapos nagpreprendster na rin sya!
wahihih!

Okei itong sandosenang classification mo…
ang mommy ko maski magse-70 na, magala pa rin pag naiinip sa kanila sa Laguna. Sa awa ng Dyos, malakas pa naman sya.

buti naman kung ganun ninong! wakekekeK!
ako kaya? kelan makakaapak sa laguna. .
hahah!

naku nadale mo ko sa buntot-sunod mama, hanggang dun sa pagpulbos ng anak natumbok mo. ahehe

puro gurlaloosh ang mga anakis ko. yung isa, maarte, yung isa, maton.

galing galing ng post na to.

link kita ha. para di ko makalimutan san yung balik ko.

alam ba ng mama mo na inaalipusta mo siya dito sa blagadag mo? jowk.

wahihihi. tumumpak pala ano? galeng! hindi ko naman siya inaalipusta dito eh.
hahaha! proud na proud nga ako sa kanya eh.

Mag-iwan ng Tugon

Mga Naliligaw

  • 19,930 nilalang ang napadpad

Anong Latest?

Sali ka na!


Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
Display Pagerank

Kumusta siya?

Si Eloiski ay Kasalukuyang

korean cute comments

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)


I got this Ninja Bubs
from TheLordNick.com/Bubs

Makimundo!

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Add to Technorati Favorites

Anong Petsa Na?

Mayo 2008
L L M M H B S
« Abr   Hun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Kategoriya

Mga Nakiusyoso

Mga Nakiusyoso

View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile

Tumatakbo ang Oras

obj = new Object;obj.clockfile = "5010-red.swf";obj.TimeZone = "GMT-0400";obj.width = 222;obj.height = 66;obj.wmode = "transparent";showClock(obj);