Ang Paglalakbay ni Eloiski

Wala kayo sa nanay ko. . .

Posted by: eloiski on: Mayo 10, 2008

(Mga peepz, repost lang po ulit ito ah!)

Kahapon, nanood ako ng Art Angel (kung hindi mo alam ang Art Angel, maghanap ka ng Search button!) at inaabangan si Pintado. Si Pintado ang kasama nila ate Pia at Kuya Tonipet sa palabas na ito. Ang kaibahan nga lamang ang kanyang mga kamay lamang ang tangi mong makikita sapagkat nakatoka sa kanya ang paglikha ng mga obra ng pagguhit. Dahil nga siguro isang araw na lang ay mother’s day na, iginuhit ni Pintado si Super Nanay. Ayon sa aking alaala (hindi nga lamang ganoon katalas, pero may naaalala naman kahit papaano), isang matabang babae ang kanyang nilikha at may sandok o tinidor ata sa ulo at may kasama na ring kapa. Iyan lamang ang naaalala ng utak ko. Dahil sa palabas na iyan nagkaroon tuloy ako ng ideya na magpost ng entry tungkol kay Super Nanay. Gagawin kong tunay na superhero, mala-anime, cartoons ang dating ni Super Nanay.  Ayon kay Eloiski, taglay ni Super Nanay ang:

1. Killer eye – Ang kanyang mga mata ay parang kay Hanamichi Sakuragi na isang tingin lamang tiyak na ika’y matatakot na. Tingin pa lamang, ramdam mo nang galit na siya at sinasabing “magpakatino ka nga!” Pero mas matindi kung may may apoy pang lilitaw dahil iyan ay senyales na magsisiliparan na ang mga sandok, plato at kung anu-ano pa.

2. Telepathy – Siya yaong babae doon sa Shaider na tinulungan nila na kayang basahin ang iyong iniisip. Hindi ka pa lamang nagsasalita, alam na niya kung ano ang sasabihin mo. “Wala akong pera!” ang kanyang sasabihin at tila ako’y naluging Intsik sa kalungkutan sa nalaman. Pero hindi lang naman diyan gumagana ang kanyang telepathy dahil maaari din niyang mahulaan kung pera nga ba ang iyong kailangan o isang mahigpit na yakap lamang mula sa kanya. (Ang korni!)

3. Magic Word – Iyan ay nalaman ko kay Kagome na kayang kontrolin si Inuyasha sa pamamagitan ng pagbigkas sa magic word na “sit” at mapapaupo ng di-oras si Inuyasha. Pero kay nanay, “wala kang baon ng isang buwan” ang kanyang magic word kung hindi ka susunod sa kanyang mga utos. Hindi ko nga matanto kung bakit ang boses ni nanay ay napakaepektibo para ako’y utusan at ako naman ay napapasunod kahit nanonood ng paborito kong anime. Pero huwag mong hintaying gamitin niya ng malakas ang power na ito kung ayaw mong maramdaman at marinig ang sanib-pwersa niyang kapatid na si Kulog at Kidlat.

4. Steel Skin – Ang power niyang iyan ay mula kay Colossus ng X-Men. Kahit maglinis, maglaba, mamalantsa, magluto at kung anu-ano pa, tila hindi siya tinatablan ng sakit. Siguro’y minsan medyo humina ang kanyang power, pero napakabilis namang maalis ang kanyang sakit, sipon, ubo o anumang sakit para maituloy muli ang kanyang tungkulin bilang siang ina. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na papabayaan na naman si Super Nanay. Nevah!

5. Alice of Invention – Ang power na iyan ay taglay din ni Hotaru ng Alice Academy. Kung sakaling may problema, agad nakakaisip ng paraan ang Super Nanay para masolusyonan ang iyong frovlema. Halimbawa, kung napunit ang iyong uniform sa eskwelahan, siya ng bahala diyan. May alice of invention naman siyang taglay di ba?

Hay, wala na akong maisip, dadagdagan ko na lang kung may maiisip pa ako. Mukhang walang kwentang post ata ito. At huwag ka nga palang magtaka kung bakit enumeration 123 ang gamit ko. Tanungin mo na lang sa akin. Nyahahah!

Ang pupuntahan lang naman ng post na ito ay nais ko lamang ipahatid kung gaano kalakas na parang si Gouko ang aking nanay. Wala man siyang kame-hame wave na taglay o kagebushin teknik na kay Naruto o Madocca! Saaya na taglay ni Recca, isa pa rin siyang pambihirang nanay para sa akin. Awww! Ayoko magdrama basta

14 Tugon to "Wala kayo sa nanay ko. . ."

wahaks!

nalipasan na ng panahon ung tag mo para sa akin…

nyah!

madami kasing pinagkaabalahang importanteng mahalaga

kaya hindi ko na naharap..

toinks!

naku naku i can’t imagine my mom doin’ hame hame wave kapag galit samen haha

killer eye hehehehehe

im back na eloiski.
hehehe

effective ‘tong Telepathy..wahaha
isa ka talagang henyo naisipan mo ang artikel na ‘to…wink!

Haha yan din halos ang superpowers ng mama ko haha :D

btw, maraming salamat sa pagdalaw mo sa http://www.missingcarlo.com :)

wahehehe! walng anuman un! wapak! nakakatuwa nga eh!

Mag-iwan ng Tugon

Mga Naliligaw

  • 19,930 nilalang ang napadpad

Anong Latest?

Sali ka na!


Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
Display Pagerank

Kumusta siya?

Si Eloiski ay Kasalukuyang

korean cute comments

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)


I got this Ninja Bubs
from TheLordNick.com/Bubs

Makimundo!

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Add to Technorati Favorites

Anong Petsa Na?

Mayo 2008
L L M M H B S
« Abr   Hun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Kategoriya

Mga Nakiusyoso

Mga Nakiusyoso

View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile

Tumatakbo ang Oras

obj = new Object;obj.clockfile = "5010-red.swf";obj.TimeZone = "GMT-0400";obj.width = 222;obj.height = 66;obj.wmode = "transparent";showClock(obj);