Posted by: eloiski on: Mayo 21, 2008
Ang hirap pala ng ganitong feeling (kung may feeling pa man ako). Akalain mong hirap na hirap na ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. At pati sa panaginip ko siya pa rin ang nagpapakita. Ano ba ito? Obsession na nga ba? Hindi naman siguro.

Habang naglalakad kami sa Session Road, pumasok ako sa isang store doon. Nagtingin-tingin. At laking tuwa at syempre nagulat na rin dahil nakita ko siya. Hindi pa ako naniwala noong una kung kaya’t sinampal sampal at kinurot-kurot ko pa ang kasama ko este ang sarili ko. Hindi pa nakuntento at iniuntog pa ang ulo sa pader. At isinuot ko pa ang aking eyeglass baka kako namamalik mata lang ako. At doon ko nga napatunyan na siya nga. Hindi ako nananaginip o nangangarap lang dahil sa kakaisip sa kanya. Salamin lamang ang pagitan naming dalawa. Kung wala siguro ang salamin na iyon, malamang na niyakap ko na siya. My goodness. Hindi ko inakala na makikita ko pala siya doon. At Hindi ko inakala na dadating pala sa ganito ang nararamdaman ko. Yaong tipo bang gusto ko na siyang mapasaakin sa lalong madaling panahon. Yaong tipong siya na talaga ang magpapaligaya sa akin kahit na hindi na ako magcelebrate ng 18th birthday ko eh okay lang basta kasama ko na siya at akin na talaga siya. Hayyy. Lalo pa ngayon at pupunta kami ng Manila ni mama, may tendency na makita ko talaga siya. My goodness. Dahil nandoon rin lang naman na ako sa Maynila, eh kailangan na mapasaakin na nga siya. Hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataong iyon. Desperada na kung desperada. Mahal na mahal ko talaga siya.
Kailan ka ba mapapasaakin C**** ** ** (Iyan po ang pangalan niya. Hulaan mo kung ano)? Ikaw na lang talaga ang hinahanap-hanap ko. Sa maniwala ka at hindi pati sa internet tinatype ko na rin ang napakapogi mong pangalan. At hayun may nagpapakita namang mga detalye tungkol sa iyo at syempre ang pamatay mong larawan na hinding-hindi ko malilimutan. Takte. Ganito ba talaga pag inlove ka? Hay. Ang cornyaks ko na talaga.
Pero sino nga ba itong si C**** ** **? Hmmm. Sure ka ba na gusto mo siya makilala? Ekshelli, may picture si C**** ** ** sa akin eh. Hehehe. Ako pa? Eh mahal ko kaya iyon.
Sige na nga, ipapakita ko na nga at nang mabaliw na rin kayo sa kagwapuhan niya.

CANON S5 IS (’Kala mo kung sino na no?)
Siya ang kinalolokohan ko noon pa. Matagal ko na siyang pinapangarap. Hindi ko nga lang alam kung paano siya makukuha. Ang mahal naman kasi eh. Pero nainform ko na si papa tungkol sa lovelife ko na ito. Hahaha. At hayun. Kelangan kong gamitin ang aking malalambing na salita para lamang pumayag si erpats. At hayun okey daw ang sales talk. Amf. Pumayag naman siya. Pero yaon nga lang hindi niya pa alam ang tumataginting na presyo nito. Hay. Sana pumayag pa rin siya. Balak ko kasi na mapasaakin na siya bago pa man magJune dahil magseseryoso na talaga ako sa photography. Wapak.
Haylabshu talaga Canon S5 IS
hello! napadaan lang po… yup maganda nga ang s5. may ganyan kasi ako. ahihihi! magkano na po ba ang s5 ngayon? dati 27500 sya as of november. try mo po lumibot sa hidalgo. mas mura dun.
huwaw. as in huwaw. s5 user ka. pasilip naman po ng mga shots nyo. hehehe. ang mahal naman kung 27,500 eh nababasa ko kasi sa hidalgo mga lower than 20k yan eh.
yup, syempre mas mahal pa noon.. pero noon, 22500 lng sa hidalgo. tyak mas mura na yan ngayon. id love to share my pics kaso nakadis-abled ang usb dito sa office. haha. wala din akong blog to share my shots. see my email add for my ym. ano po ym mo?
huwaw. 22,500 lang sa hidalgo dati. edi mas lalo na ngayon. weeheee. mabibili ko na nga sya sa wakas. geh kuya i’ll add u na lang po sa ym ko. patingin po ng shots nyo ah. hehehe!!!
uyyyy lumalablayp.
ang gawapo ng kras mo. sana mapasaakin din siya hahaha LOL
hahaha. ayaw ko nga. akin lang sya! wapaK! akin na akin lang!
selfish!
haha ! meron ako nito !!! *lol* hehe .. yabang eh noh ? sorry naman.
ingat !
Mayo 25, 2008 Sa 1:30 hapon
sana maging succesful kang photographer…
‘wag ka mag alala… Ipagdadasal kong ibili ka padin ng erpats mo ng Canon S5 IS Kahit pa nakakalula ang presyo nito…
weehee. salamat! kung bibilhan ako, malabo kaya yaong ipon ko na lang gaagmitin ko. weehee!!!