Ang hirap pala ng ganitong feeling (kung may feeling pa man ako). Akalain mong hirap na hirap na ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. At pati sa panaginip ko siya pa rin ang nagpapakita. Ano ba ito? Obsession na nga ba? Hindi naman siguro.

Habang naglalakad kami sa Session Road, pumasok ako sa isang store doon. Nagtingin-tingin. At laking tuwa at syempre nagulat na rin dahil nakita ko siya. Hindi pa ako naniwala noong una kung kaya’t sinampal sampal at kinurot-kurot ko pa ang kasama ko este ang sarili ko. Hindi pa nakuntento at iniuntog pa ang ulo sa pader. At isinuot ko pa ang aking eyeglass baka kako namamalik mata lang ako. At doon ko nga napatunyan na siya nga. Hindi ako nananaginip o nangangarap lang dahil sa kakaisip sa kanya. Salamin lamang ang pagitan naming dalawa. Kung wala siguro ang salamin na iyon, malamang na niyakap ko na siya. My goodness. Hindi ko inakala na makikita ko pala siya doon. At Hindi ko inakala na dadating pala sa ganito ang nararamdaman ko. Yaong tipo bang gusto ko na siyang mapasaakin sa lalong madaling panahon. Yaong tipong siya na talaga ang magpapaligaya sa akin kahit na hindi na ako magcelebrate ng 18th birthday ko eh okay lang basta kasama ko na siya at akin na talaga siya. Hayyy. Lalo pa ngayon at pupunta kami ng Manila ni mama, may tendency na makita ko talaga siya. My goodness. Dahil nandoon rin lang naman na ako sa Maynila, eh kailangan na mapasaakin na nga siya. Hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataong iyon. Desperada na kung desperada. Mahal na mahal ko talaga siya.
Kailan ka ba mapapasaakin C**** ** ** (Iyan po ang pangalan niya. Hulaan mo kung ano)? Ikaw na lang talaga ang hinahanap-hanap ko. Sa maniwala ka at hindi pati sa internet tinatype ko na rin ang napakapogi mong pangalan. At hayun may nagpapakita namang mga detalye tungkol sa iyo at syempre ang pamatay mong larawan na hinding-hindi ko malilimutan. Takte. Ganito ba talaga pag inlove ka? Hay. Ang cornyaks ko na talaga.
Pero sino nga ba itong si C**** ** **? Hmmm. Sure ka ba na gusto mo siya makilala? Ekshelli, may picture si C**** ** ** sa akin eh. Hehehe. Ako pa? Eh mahal ko kaya iyon.
Sige na nga, ipapakita ko na nga at nang mabaliw na rin kayo sa kagwapuhan niya.

CANON S5 IS (‘Kala mo kung sino na no?)
Siya ang kinalolokohan ko noon pa. Matagal ko na siyang pinapangarap. Hindi ko nga lang alam kung paano siya makukuha. Ang mahal naman kasi eh. Pero nainform ko na si papa tungkol sa lovelife ko na ito. Hahaha. At hayun. Kelangan kong gamitin ang aking malalambing na salita para lamang pumayag si erpats. At hayun okey daw ang sales talk. Amf. Pumayag naman siya. Pero yaon nga lang hindi niya pa alam ang tumataginting na presyo nito. Hay. Sana pumayag pa rin siya. Balak ko kasi na mapasaakin na siya bago pa man magJune dahil magseseryoso na talaga ako sa photography. Wapak.
Haylabshu talaga Canon S5 IS
Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>









nakaka inlove nga…
sabi ko naman sa inyo eh!
Comment ni barquera Mayo 23, 2008 @ 10:00 umagahello! newbie in here too. nakuuu…. ako mixed feelings din kay canon. parang gusto ko nasa tabi ko sya parati pero natatakot din ako sa kakayanan nya. parating na canon eos 30d ko mga 1st week or 2nd week of june kaya i know the feeling. pwede ko ng iwanan boypren ko. bwhehehe! syempre juk lang yun. baka ibato sakin ang camera. hihihi!
wow! congrats! buti ka pa parating na. ako ewan ko kung kelan kami pupunta ng manila at bibilhin si canon. hahaha. sample ng shots pag dumating na ha. waheheheh!!
Comment ni ifoundme Mayo 24, 2008 @ 1:01 umagaayyy… di bale..walang imposible sa imposible (anudaw?) haha
ay anu nga ba?
Comment ni wei vines Mayo 24, 2008 @ 10:18 umaganice choice para sa point and shoot. ok din ang powershot G9 mag paidpost ka na din para makuha mo sya hehe..
magkano ba sa atin? medyo mura na sya dito eh compare dati ang mahal nung unang lumabas
maganda sya kasi 12x zoom sya compare sa ibang 4 x lang ata ang zoom. me macro pa which is so cool .. pwede mo pa syang lagyang ng extra flash. basta maganda yan..
goodluck sa yo.. sana makuha mo na sya
weehee. buti na lang nga at nagbabasa po ako ng mga reviews dito sa net. at ayan po nakapagdecide na yan talaga ang bibilhin ko. woohoo. mas lalo tuloy ako nabaliw sa kagwapuhan nya. amf!
Comment ni rose Mayo 24, 2008 @ 4:33 haponGrabe, kala ko talaga kung ano na. hehehe:) pwede bang maging 3rd party sa lovelife mo? Kung meron lang makakapalit e ibebreak ko na yung karelasyon ko e, hehehe, cheap kasi, yung pinakamurang canon ata, sobrang basic, hehehe.
Haay, pero hindi naman ako seryoso sa photography, gusto ko lang hehehe:D
Haha, naalala ko nag-ipon ako nung elem para makabili ng Kodak KB10, hehehe.
waaah. akin lang si Canon na yan. amf! hahaha.
Comment ni Arvin Mayo 24, 2008 @ 5:11 haponako nakapag-ipon na eh. baka sa june na. wapak!
mahirap makipag break jan!
pero ok lang, chak nmn magaling yang ‘manyut’ !!! LOls
Mahirap nga! Pero ano yung sa last part. hahaha!
Comment ni koreanmine Mayo 25, 2008 @ 4:25 umagakala ko blind item.
nakakainlove nga yan! ^_^ grabe. love at first sight ito.. hehehe.. sana na makuha mo na sya sa June.. goodluck!
uu nakakalove at first sight talaga yang si lovelife ku.
Comment ni karmi Mayo 25, 2008 @ 7:05 umagasana nga makuha ko na. . .
para sakin, di sya nakakainlab. kundi nakakabaliw.. gusto ko din ng isa.
wahahaha. kala ko kukuntra ka eh. amf!
Comment ni neex Mayo 25, 2008 @ 10:00 umagaayy, na-inlab na rin yata ako…
mura lang yan dito sa dubai eloiski….lagi ko yan dinadalaw sa mga electronics shop ditu eh…
sana iregalo na sau hehehe…kelan ba bday mu?
naman!!! as in mura lang aling baby. . . mga magkano? nasa abu dhabi kasi tatay ko eh, hindi nga lang siya updated at mahilig sa technology. sayang nga eh. amfff!!!
sa november pa kasi eh! huhuhu!
Comment ni Aling Baby Mayo 25, 2008 @ 12:54 hapon