Notbuk ni Eloiski


I’m Freshie No More
Mayo 25, 2008, 4:44 hapon
Isinalansan sa: Chismax Episode, Ebents Ito Episode, Iskul Bukol Episode

Dati-rati, excited na excited ako pumasok sa unibersidad na iyon. Excited na mafeel ang pagiging kolehiyala. Excited na pumasok sa main gate at isuot ang id ko na kung saan nakalagay ang isinumpang mukha ko at ang napakagurlaloo na pangalan ko. Excited na makapasok sa building namin at makita ang pagmumukha ng magiging teachers ko (pero ngayon, tawag ko na eh instructor). Dati-rati, nandoon ako sa isang sulok kasi bagong environment, bagong mukha, bagong lugar. Basta bago lahat. Kaya hayun at wala man lang ako makausap. Buti na lang kamo at may nag-approach sa akin at sabay kami naglunch (Weehee!). Dati-rati tatanga-tanga ako kasi hindi ko alam kung saan yaong SAO, kung saan yaong MIS Office, kung saan ang canteen at pati ang cr eh hindi ko alam kung saan banda.

Pero, lahat ng “DATI-RATI” na iyan ay tapos na. Kumbaga, pinaglipasan na ng panahon dahil sa wakas ay “I’m freshie no more”. Wapak! Tapos na ang excitement dahil sawang-sawa na rin ako makita yaong gate na iyon na kung saan nagbabantay ang mga halimaw-slash-kumakain ng estudyante-slash-naninigaw-slash-sobrang sungit na Enriquez brothers. Sawang-sawa na rin ako sa pagmumukha ng mga instructors (pero ngayon, eh super villain at monsterschool na tawag ko sa kanila) ko na hindi ko lubos mapaniwalaan na napagtiyagaan kong tignan o silayan ang kanilang mukha sa loob ng isang oras o di kaya nama’y sobra pa at kung sinwerte eh late at mas masaya kung absent. Imagine? Buti at hindi ako nabulag ng tuluyan. Mahal talaga ako ni Lord. Ngayon, memorize ko na ang pasikot-sikot sa unibersidad namin. Alam ko na kung saan ang SAO, MIS Office at pati ang iba’t ibang shortcuts para mas mapadali ang pagpunta sa ibang building para tumingin-tingin ng mga chix at boylets. Isama mo na rin diyan ang taguan ng mga naglalampungang magsyotaks na hindi makapagpigil sa kanilang nadaramang emosyon. O ha? Tunay na kolehiyala na nga ako. Wapak!

“I’m freshie no more!” dahil ako’y isang dakilang Sophie Electronics and Communications Engineering student na ngayon. Akalain mo yun?! Nakasurvive ako sa mga nakakakuryenteng mga subjects na iyon tulad ng drawing kung saan kelangan ianalyze ang figure at idrawing ang isometric view, orthographic view, auxiliary view at iba pang mga views isali mo na rin ang Minesview. Sobrang nabaliw talaga ako sa drawing na ito kasi sobrang takaw niya sa oras na kung saan 2 oras lang minsan ang sleeping beauty ko at huwag kang masurpresa kung nagmumukha akong zombie pagpasok ng school. Pero, hindi truelulu na hindi ako naliligo dahil lang sa kakadrawing. Yaong ibang engineering students na nasa higher years, malamang sila siguro ang hindi naliligo pag pumapasok sa school. Siyangapala, pasingit na trivia lamang ito. Kung engineering o architecture student ka kasi, obvious na obvious. Bakit naman hindi eh andyan ang pagkahaba-haba naming T-square na minsan eh hawak-hawak o di kaya nama’y nakalagay sa likod, ang drawing tubes na naglalaman ng mga plates na ang mahal mahal, at syempre ang aming mga kikay kits tulad ng tech pen, compass, pencils na iba iba, erasers at iba pa.

Kung sa tingin niyo eh ikwekwento ko ang mga unforgettable memories chenes ko dito, huwag kayong mag-alala dahil hindi ko naman ilalagay dito yaong mga unforgettable memories ko noong first year college na kesyo namasyal kami sa ganyan, nakilala ko si ganito. Hay. Kunti lang mga ganyang kachnessan na nangyari sa pagiging freshie ko kasi alam niyo naman at uulitin ko, iyon ay dahil sa drawing ko. Kung unforgettable memories rin lang naman,huwag na lang kasi halos kahiya-hiya at katatawanan lang naman ang nangyari na hindi na kelangan pang ikwento kasi malamang na naexperience niyo rin naman. Magiging boring lang ang entry na ito at malamang na baka tamarin pa ako sa pagsalitype nito. Hay, tignan mo nga, iniisip ko pa lang eh tinatamad na ako. Kaya sige, hanggang dito na nga lang.

Basta ang mahalaga, hindi na ako freshie dahil ako’y isang dakilang sophomore student na! Wapak! (Pacheese burger ka naman dyan! Cheeese burger, cheese burger, cheese burger!)


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

congrats!! galingan mo sa physics, chem, geometry, diff. calculus, int. calculus, advance math at strength of materials. hehehe.. Kayang kaya mo yan! ANg technique lang e hanapin mo ang test papers nung mga higher year sayo at reviewin mo.. haha!! Gawain ko kasi un dati.. Godspeed!!

wahahaha! may tama ka kuya! ginagawa ko rin yan eh. nirereview ko. hahaha! kaya ang saya saya. minsan nga eh ganun na ganun ung lumalabas sa exam shocksss!!!!

Comment ni emoboyblue

Ading, congrats 2nd year ka na! Salamat sa pagdaan sa blog.

tnx at ur welcome! hahaha!

Comment ni Abad

Amp. Feeling ko tuloy, ang tanda ko na after mabasa ang post na ito. Incoming junior na kasi ako, e. Huhu. LOL.

Anyway, salamat sa pagdaan sa blog ko, co-WordPress-er. WP rocks talaga! LOL. :)

waheheh! okey nga yan para lapit na makagraduate! amf!

Comment ni Yom

wow naman, hehe freshie no more! enjoy ang pagiging freshie, baby kasi ang tingin sayo ng mga upper peeps. haha. nga pala, salamat sa pagdaan sa blog ko. link exchange?? thanks. ;)

baby ba kamo? hindi ata. alipin malamang. hahaha! joke! nananakot lang sila na ke ganito mahirap pumasa kapag 3r yr ka na 4th yr 5th yr chenes! amF!
sure exlink!

Comment ni april

nako akala ko sa east asia ka eloi!

ayun nako salamat sa pag goodluck mo sken sa paghahanap hehehehe

dalaw dalaw ka lang sa blog ko ha ^^,

oh sure kuya! sabihin mo sa akin pag nakahanap. pag sweldo mo na dpat libre mo ko! hahaha!

Comment ni Nash

Excited din ako ngayon kasi nga magpapasukan pa lang. Rizalian ka ba. You look so familiar kasi eh! mahirap bang maging freshmen?

hahaha! naeexcite na nga rin ako eh! wala lang… hahaha! hindi ako rizalian!
hindi naman mahirap maging freshie eh. un nga lang mejo adjust adjust ka muna.

Comment ni tina

Kagagraduate ko lang pero gusto ko na uling magenroll.

hahaha. pwede ka naman uli mag-enroll. wapak! magdoctor o atty ka kuya!

Comment ni Richmond

kulit ng expression mo – wapak! parang sinasapak lang… sayang, hindi engineering ang kurso ko, kasi naman walo lang ang courses sa unibersidad ko…. naman o

sayang ang saya pa naman ng engineering! as in!
wapaK!
hehehe!

Comment ni Grace

Somehow i missed the point. Probably lost in translation :) Anyway … nice blog to visit.

cheers, Immodesty!

Comment ni Immodesty




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>