Notbuk ni Eloiski


Masaya kung sama-sama

FIRST DAY… Achuuu!

Hello ebradi! Medyo nawala lang naman ako ng ilang araw kung kaya’t heto at hindi masyado naging aktib dito sa blogosphere. Oh well face towel, naging besi-besihan ang inyong lingkod sa kanyang college layp. Naroon na nakipagchikahan to the max ang lola nyo. Nakipagsuntukan muna sa mga kumpare ko. Nakihunting ng mga fafables. At nang-api ng mga freshmen. Bwahahaha.

Paano nga ba ang takbo ng buhay ko noong first day of classes, oh well face towel, hindi naman na ako tatanga sa kakahanap ng mga rooms. Ekshelli, ako pa nga naggaguide sa mga freshmen eh. Wapak! Dahil Tuesday ang first day of class namin (loka-loka talagang Gloria! lahat na lang minomove! Kulang na lang pati Krismas at New Year! Gumawa na lang kaya siya ng sarili niyang kalendaryo!), eh 7:30am tuloy ang pasok ko. Bale ang pangwelcome back to school ko na subject eh Ethics. Wala naman akong kaide-ideya sa subject na yan. Ano bang meron diyan? Sabihin niyo naman sa akin dahil hanggang ngayon natapos na ang isang Linggo eh hindi pa rin sumisipot ang instructor namin.

(Ako yung babae dyan na nakaeyeglass! Pero take note! Hindi lahat ng nakaeyeglass eh matalino. Tulad ko!)

8:30 naman eh Communication Arts III na kung saan tapos na ang isang Linggo eh hindi pa nagpapakita ni anino ng kung sinumang instructor na iyan.

9:30 ay ang aking Physics I na minamahal at sa awa ng Diyos eh first day of classes eh sumipot agad siya sa usapan namin. Wahihihi. Ayun, earthquake at fire drill tsenes na paulit-ulit at ilang beses na uulitin at uulit-ulitin hanggang sa mabaliw ka na sa kakaulit. Ay ewan. Basta okey naman ang instructor.

Apter dat, Calculus namin (4-5pm) at takot na takot to the max ang lola nyo. Marami kasing nagsasabi na si ganito eh mabait kaya maganda kung siya instructor niyo. Ok si ganyan kasi sure pass. Okey si iyan kasi mabait pero boring. Hay. Kaya todo dasal naman daw ako na sana swerte sa instructor. At ayun, may pumasok na matandang maputi na mukhang Chekwa at nakasalamin. Pinakilala ang sarili at siya daw si (tawagin na lang natin sa pangalang) Mrs. DL. At kung gusto niyong idescribe ko siya, siya lang naman daw ang isa sa kinatatakutan ng mga estudyante dahil madugo ang pakikibaka para sa kanyang mga quizzes at exams. Sure pass (75!) naman daw sa kanya. Pero, syempre ayaw ko naman na makuntento sa 75. Diyosko! Kung nagkataon eh di may palakol na ngayon sa record ko. Ayaw ko naman iyon! Amp!

(Kamukha ng halos lahat iyan yaong mga instructor ko! Hahaha!)

Noong Miyerkules naman, Physics lab naman ang pangwelcome sa umaga ko. Oh well, magkamukha sila ng instructor ko sa Physics lec. At isa pa magkaapelyido. Eyyytts bicuz pareho ang instructor ko sa Physics lec at lab. Oh di ba? Araw-araw ko siyang makikita at pagsasawaan ang pagmumukha niya.

Sumunod naman ang Theology na medyo boring ang instructor pero mabait naman siya. Sana mapagbigay magbigay ng mataas na grades. Ayon sa aking mga researches, mahina umano ang boses niya kaya may time noon na gumamit daw siya ng microphone at nagulantang ang buong klase.

At sinundan naman ng Pol Sci na kung saan kamukha ni Kung Fu Panda ang instructor ko. Ang taba kasi at isang dakilang joker. Hindi ko nga lubos akalain na may instructor palang tulad niya na magtuturo ng Pol Sci. Tinawag niya isa-isa ang pangalan namin at pumunta sa harap at magperform ng kanya-kanyang talent. Ayun, hiya naman daw ang mga klasmeyts ko kaya hindi nalang tinuloy. Gusto ko pa naman sana magperform. Wapak!

Noong Biyernes, ekshelli kahapon, ay ang PE ko. Natuwa naman ako dahil tuturuan daw kami ng taekwondo at arnis. Oh yeah! Kaya humanda na ang mga kalaban ko. Lumabas kayong lahat at bahala na ang instructor ko sa inyo. Bwahahaha.

Iyan lang naman ang ilan sa mga kaganapan na nangyari sa aking pagiging sophomore.

————————————————————————————-

SI ELOISKI SA LIKOD NG BLOG NA ITO

Mga tol, si kuya Lawstude nagtag sa akin at may pinapasagot na meme. Pasensya na kuya at medyo matagal post ko dito. Ekshelli, nasagutan ko na ang tag na iyan noon pa eh kaya hinalungkat ko na lang muna para sa’yo. Kaya heto na!

The Rules:

1. Link to your tagger and post these rules on your blog.
2. Share 7 facts about yourself on your blog, some random, some weird.
3. Tag 7 people at the end of your post by leaving their names as well as links to their blogs.
4. Let them know they are tagged by leaving a comment on their blog.

At ang aking mga kasagutan ay CLICK MO KO BEBE

————————————————————————————–

BAD NEWSSS…

May bad news ako sa inyo pipol op da blogosphere. Hindi ko dinala si Papa cam ko. Bakit? ay isa pa, Baakkkkeeeettt????!!!! It’s because ayaw muna ipadala ni ermat ko. Palipasin muna daw ang isang Linggo bago ko dalhin (masunurin ako kaya hindi ko dinala! weeheee!). Awts noh. Akala ko pa naman may moment na kami. Kaya salamat na lang sa aking klasmeyt at ang kanyang phone eh Sony Ericson kaya iyon muna ginamit ko na pangshot shot. Kaya, sorry at wala akong maipapakitang larawan dito. Sadness nga ang drama ko eh. Ang haba ng vacant ko para sa moment naming dalawa kaso wala naman siya. Hayyy. Sayang talaga. Amp! Oh well face towel, dadalhin ko na siya next week. Weeheee! Kaya shot-shotan na!

————————————————————————————–

PIRATES OF THE CARRIBEAN

Kahit isumbong niyo ako kay Edu Manzano, mamimirata pa rin ako. Ang mahal kaya ng original. Imagine kung bibili ako ng orig na sabihin na natin worth Php200.00, kapag pirata malamang makakabili na ako ng tatlong dvd niyan. Pero huwag naman siyang mag-alala dahil mga asianovela naman iyon eh. Wapak. Pips, kung trip niyo ang isang babaeng masyadong mafeeling na halos tadtarin mo na sa kafeelingan eh panoorin niyo ang Anna Omame San. Hayuf ang babaeng yan!

————————————————————————————–

MAMBIBWISITA

Dahil matagal akong lumitaw at nagparamdam muli sa inyo aking mga kablogmates, hayaan niyong gamitin ko na ang oras na ito para bwisitahin ang mga mundo niyo. OpO! As in Now na! Kaya fasten your seatbelt and let’s fly fly na! Wapak!

————————————————————————————–

PS

Ngapala, hindi pa rin binibigay ni Gio ang aking pasalubong! Tampururot na talaga ako! Amf! Kahit buhangin lang na galing sa Boracay, hindi man lang niya ako mabigyan. Sabi niya next time na lang! Grrr!

————————————————————————————-

PAPA’S DAY

Happy father’s day po sa lahat ng mga daddy dito sa mundong ito lalo na po sa mga tatay na blogger dito like si Ninong Homebodyhubby, Kuya Azrael, Kuya Taroogs, at hmmm… pati na rin yaong mukhang ama at kilos tatay diyan.

Heto nga pala ang entry ko para sa aking eber loving tatay! I love you so much! Lagi ko naman sinasabi yan sayo sa phone di ba pa! Hehehe! I love you ang word na pinakahuli ko na sinasabi pero hinding-hindi ko makakalimutan na sabihin! CLICK MO TO!

————————————————————————————–

BYE BYE



Enrollment = Pila = Pagod = Pasukan
Hunyo 7, 2008, 3:24 umaga
Isinalansan sa: Galit-Galitan Episode, Iskul Bukol Episode, Share-Sharan Episode

Nitong nakaraang araw eh medyo naging besi-besihan ang inyong lingkod.  Pasukan na naman kasi at kelangan na namang mag-enroll.  At kapag nag-enroll at magiging estudyante, may baon na naman.  May sosyal layp uli.  At higit sa lahat, may kopyahan to the max na naman na aalingawngaw sa loob ng klasrum.

Pero, bago iyon mangyari, kelangan ko muna ngang mag-enroll.  Noong June 5, 2008, umakyat na naman ako sa Baguio at hinarap muli ang unibersidad na papasukan kong muli.  text dito, text doon ang drama ko, kasi magkikita daw kami ng mga former blockmates ko para daw sabay-sabay kami.  After how many centuries eh dumating na rin ang aking mga kasama at hinarap na ang moment of truth, ang PILA at INJUSTICES sa mundo.  Akalain mo yun, kaming mga ECE schoodyent na irregular dahil nagsummer para mag-advance lang ang nagkaproblema sa mga schedules chenes na yan.   Ayaw kaming papasukin ng guard sa enrollment room.  At oo nga pala, ang department lang namin ang may nagbabantay na guard.  Hello?  Ganun na lang ba kami kasama at kelangan guard pa talaga ang kukunin.  Pwede namang ako na lang ang magbantay.  Amf!

Akala ko okey ang magsummer para mapabilis ang panggraduate, ayun pala hindi naman.  Ang daming problema!  Una na dyan, mauubusan ka ng slot para sa ibang subjects.  Yaong iba nga hindi na nakaenroll dahil close na lahat.  Buti na lang at inagahan ko.  Ikalawa, hindi na ako block.  Ibig sabihin, iba-ibang mukha na ang makikita ko at magiging klasmeyts.  Hayyy.  Kapagod talaga.  Inabot kami ng dalawang araw para mag-enroll dahil nga ayun naubusan ng ganyan ganito chenes chuva.  Yaong iba naman, hayun baka hanggang ngayon eh nakikipagsapalaran pa sila room na iyon at nagpapaadd pa ng mga subjects.

Sa totoo lang, kilala na nga ata kami ng faculty advisers dahil mukha naming dalawa ang laging nakikita doon.  Kasi naman, pagkatapos ng isang minuto hayun at papirma uli kami.  “Kayo na naman! Aba! Dagdag kayo ng dagdag ah.  Kayo pa lagi magkasama. Bestfriend ata kayo ah.”  Sasabihin ko sana eh NO CHOICE po kasi eh.  Hindi joke lang.  Alam ko baka mabasa mo ito, kaya magpapakabehave ako.  Hehehe.

Pero, pagkatapos ng adbentyurs na iyon, umuwi na ako agad.  Pagod na pagod talaga ako eh.  Hay.  Wala na nga akong tulog kasi 2 consecutive days na 5am ako nagigising.

Pero, hayun.  SECOND YEAR NA NGA TALAGA AKO. Yipee! May Calculus na na kung saan wala man lang akong kabackground background sa subject na iyan.  Goodluck na lang sa akin.

Nakuha ko na pala grade ko noong summer. Hayun, disappointed ako ng sobra-sobra.  Akala ko pa naman, maiiline of 9 ko lahat ng grades ko.  Nagtataka talaga ako sa LOGIC na yan eh.  92 ko naman iyan noong midterm pero bakit naging 88 na ang grade ko.  Sa History ko naman, naka93 kahit papaano.  At sa NSTP, ay kint bilibit! naka98 ako!

Oh well, face towel, wala na akong masabi dahil hanggang ngayon ata eh pagod na pagod pati ang utak ko.  Movie marathon muna ako ng binili ko na pirated DVD. Oh yeah!

Sayang nga pala at hindi ko nadala si Papa Cam ko.  Hayyy. E di sana nagpictorial naman kami sa BAGUIO.



Meet My New Bebe

Gaya nga ng sabi ko, pupunta kami ng Bulacan para mameet ang aking lablyp. Syempre excited to the max ang inyong lingkod at hindi na mapakali na makarating agad sa Bulacan. Habang nasa sasakyan, ang dami-dami dami daming pumasok na mga kung anu-ano ano ano sa aking isipan. Iniimagine ko na magakasama kaming dalawa. Ayun. Ano kaya magiging reaksyon ko kung nagkita kami? Matatameme ba ako? Magugulat? O baka bigla ko na lang siya yakapin? Wapak! Huwag naman sana.

Nang nakarating na kami Bulacan blah blah blah blah blah… fast forward.

Nang nakarating na kami sa Quiapo, tinanong nila ako kung saan daw ba siya makikita, sabi ko naman sa Hidalgo St. Hayun. Hindi raw nila alam. Buti na lang kamo at may mapa ako ng papunta doon. Salamat nga pala kay Kuya Apollo sa mapang ito. Salamat ng sobra.

mapa

Untitled

Pero hindi kami nagkita agad kasi hayun Sunday daw. Sarado pala. Hayyy. Kaya noong June 2, 2008 ng umaga, Lunes na iyon ha, nagkita na rin kami sa wakas at kapiling ko na siya ngayon. Syempre, ang saya saya ko naman daw at abot daw hanggang tenga ang ngiti ko sabi ni ermat. Si daddy yankee naman eh natuwa rin sa kanya dahil ayos naman at pogi daw. Hahaha. Heto nga at nagpapicture kami agad oh. Gamit nga lang ang webcam ko.

Picture0240

Ang pangit ng pagkakahawak ko sa bebe ko (Dapat dawalang kamay. amf!). Kelangan eh. Walang magpipindut doon sa may shot shot something. Ay ewan. Nitatamad pa kasi ako maglipat-lipat ng mga kuha ko sa cam at itransfer dito sa laffytoffy ko. Kita niyo naman at bagong gising pa ako dyan. Bwahahaa. Excited eh.

Iyan ang ne bebe ko, si CANON S5 IS. Oh di ba? Hayaan niyo’t ipapakilala ko siya sa inyo.camera

Features at a glance:

  • 12x optical zoom lens with Ultrasonic Motor (USM) and UD lens
  • Optical Image Stabilizer
  • 8.0 Megapixel CCD
  • DIGIC III with advanced Noise Reduction technology and Face Detection for stills and movies
  • Red-Eye Correction in playback
  • 2.5” high-resolution vari-angle LCD
  • Long-play VGA movies with stereo sound and Photo in Movie
  • 22 shooting modes including full manual control and 0cm Super Macro
  • High ISO 1600 and Auto ISO Shift
  • Compatible with Wide/Tele/Close-up converter lenses and Canon EX Speedlite flashes

Kung gusto niyo pa siyang makilala lalo, CLICK NYO TO

O sya! Baka madalang na lang ang pagbablog ko ha. Kasi kelangan ko pa siyang makilala ng lubusan. Syempre pasyal pasyal mode muna kami nitong si Canon ko.