Posted by: eloiski on: Hunyo 3, 2008
Gaya nga ng sabi ko, pupunta kami ng Bulacan para mameet ang aking lablyp. Syempre excited to the max ang inyong lingkod at hindi na mapakali na makarating agad sa Bulacan. Habang nasa sasakyan, ang dami-dami dami daming pumasok na mga kung anu-ano ano ano sa aking isipan. Iniimagine ko na magakasama kaming dalawa. Ayun. Ano kaya magiging reaksyon ko kung nagkita kami? Matatameme ba ako? Magugulat? O baka bigla ko na lang siya yakapin? Wapak! Huwag naman sana.
Nang nakarating na kami Bulacan blah blah blah blah blah… fast forward.
Nang nakarating na kami sa Quiapo, tinanong nila ako kung saan daw ba siya makikita, sabi ko naman sa Hidalgo St. Hayun. Hindi raw nila alam. Buti na lang kamo at may mapa ako ng papunta doon. Salamat nga pala kay Kuya Apollo sa mapang ito. Salamat ng sobra.
![]()
Pero hindi kami nagkita agad kasi hayun Sunday daw. Sarado pala. Hayyy. Kaya noong June 2, 2008 ng umaga, Lunes na iyon ha, nagkita na rin kami sa wakas at kapiling ko na siya ngayon. Syempre, ang saya saya ko naman daw at abot daw hanggang tenga ang ngiti ko sabi ni ermat. Si daddy yankee naman eh natuwa rin sa kanya dahil ayos naman at pogi daw. Hahaha. Heto nga at nagpapicture kami agad oh. Gamit nga lang ang webcam ko.
![]()
Ang pangit ng pagkakahawak ko sa bebe ko (Dapat dawalang kamay. amf!). Kelangan eh. Walang magpipindut doon sa may shot shot something. Ay ewan. Nitatamad pa kasi ako maglipat-lipat ng mga kuha ko sa cam at itransfer dito sa laffytoffy ko. Kita niyo naman at bagong gising pa ako dyan. Bwahahaa. Excited eh.
Iyan ang ne bebe ko, si CANON S5 IS. Oh di ba? Hayaan niyo’t ipapakilala ko siya sa inyo.![]()
Features at a glance:
Kung gusto niyo pa siyang makilala lalo, CLICK NYO TO
O sya! Baka madalang na lang ang pagbablog ko ha. Kasi kelangan ko pa siyang makilala ng lubusan. Syempre pasyal pasyal mode muna kami nitong si Canon ko.
eloiski ser….. mag kano bili mo dyan s bebe mo? my canon sx1 n kya cla? mag kano kaya? s greenhills kc 25k e pero ok n din ung price s hidalgo kya mag kano???
Hunyo 29, 2008 Sa 9:30 umaga
Waaah, gusto ko rin niyan, hehehe:D Try mo yung CHDK! Astig.