Posted by: eloiski on: Hunyo 7, 2008
Nitong nakaraang araw eh medyo naging besi-besihan ang inyong lingkod. Pasukan na naman kasi at kelangan na namang mag-enroll. At kapag nag-enroll at magiging estudyante, may baon na naman. May sosyal layp uli. At higit sa lahat, may kopyahan to the max na naman na aalingawngaw sa loob ng klasrum.

Pero, bago iyon mangyari, kelangan ko muna ngang mag-enroll. Noong June 5, 2008, umakyat na naman ako sa Baguio at hinarap muli ang unibersidad na papasukan kong muli. text dito, text doon ang drama ko, kasi magkikita daw kami ng mga former blockmates ko para daw sabay-sabay kami. After how many centuries eh dumating na rin ang aking mga kasama at hinarap na ang moment of truth, ang PILA at INJUSTICES sa mundo. Akalain mo yun, kaming mga ECE schoodyent na irregular dahil nagsummer para mag-advance lang ang nagkaproblema sa mga schedules chenes na yan. Ayaw kaming papasukin ng guard sa enrollment room. At oo nga pala, ang department lang namin ang may nagbabantay na guard. Hello? Ganun na lang ba kami kasama at kelangan guard pa talaga ang kukunin. Pwede namang ako na lang ang magbantay. Amf!
Akala ko okey ang magsummer para mapabilis ang panggraduate, ayun pala hindi naman. Ang daming problema! Una na dyan, mauubusan ka ng slot para sa ibang subjects. Yaong iba nga hindi na nakaenroll dahil close na lahat. Buti na lang at inagahan ko. Ikalawa, hindi na ako block. Ibig sabihin, iba-ibang mukha na ang makikita ko at magiging klasmeyts. Hayyy. Kapagod talaga. Inabot kami ng dalawang araw para mag-enroll dahil nga ayun naubusan ng ganyan ganito chenes chuva. Yaong iba naman, hayun baka hanggang ngayon eh nakikipagsapalaran pa sila room na iyon at nagpapaadd pa ng mga subjects.
Sa totoo lang, kilala na nga ata kami ng faculty advisers dahil mukha naming dalawa ang laging nakikita doon. Kasi naman, pagkatapos ng isang minuto hayun at papirma uli kami. “Kayo na naman! Aba! Dagdag kayo ng dagdag ah. Kayo pa lagi magkasama. Bestfriend ata kayo ah.” Sasabihin ko sana eh NO CHOICE po kasi eh. Hindi joke lang. Alam ko baka mabasa mo ito, kaya magpapakabehave ako. Hehehe.
Pero, pagkatapos ng adbentyurs na iyon, umuwi na ako agad. Pagod na pagod talaga ako eh. Hay. Wala na nga akong tulog kasi 2 consecutive days na 5am ako nagigising.
Pero, hayun. SECOND YEAR NA NGA TALAGA AKO. Yipee! May Calculus na na kung saan wala man lang akong kabackground background sa subject na iyan. Goodluck na lang sa akin.
Nakuha ko na pala grade ko noong summer. Hayun, disappointed ako ng sobra-sobra. Akala ko pa naman, maiiline of 9 ko lahat ng grades ko. Nagtataka talaga ako sa LOGIC na yan eh. 92 ko naman iyan noong midterm pero bakit naging 88 na ang grade ko. Sa History ko naman, naka93 kahit papaano. At sa NSTP, ay kint bilibit! naka98 ako!
Oh well, face towel, wala na akong masabi dahil hanggang ngayon ata eh pagod na pagod pati ang utak ko. Movie marathon muna ako ng binili ko na pirated DVD. Oh yeah!
Sayang nga pala at hindi ko nadala si Papa Cam ko. Hayyy. E di sana nagpictorial naman kami sa BAGUIO.
2 | rio
Hunyo 13, 2008 Sa 5:55 umaga
eloiski, gudluck sa iyong pag aaral ha…
galingan mo lalo na sa calculus…=)
sana nadala mo si cesar ng sy..hahaha..si canon pala…=)
God bless=)
salamat doc!
3 | buzzingflowerpecker
Hunyo 14, 2008 Sa 4:40 umaga
oi, balik skwela ka na naman pala. Sarap nang may allowance ulit!
weeheee! uu nga eh!
Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
| ysrael sa Ang Kumplikado! Ang Labo! | |
| clarisse sa Ang Alamat ng Ampalayang … | |
| karmela sa It’s Raining Men! (… | |
| liches sa Download | |
| liches sa Download |
Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Albeo theme by Design Disease
Hunyo 12, 2008 Sa 3:36 hapon
Panibagong adbentyur ang mga bagong klase:D hehehe. Ikaw o, ba’t di mo naman dinala si papa cam? Sayang naman. Dalhin mo na siya lagi para no regrets! Wag mo lang iwawala o ipapanakaw, hehehe.
eh ayaw ko pa nga ipahawak eh! hahaha!