Notbuk ni Eloiski


It’s Raining Men! (Hallelujah!)

Umuulan ng mga lalake? Pwedeee! Hekhekhek! Medyo matagal bago ako nakapagpost dito sa aking blog. Oh well, face towel, ayaw ko ng pahabain pa, gusto ko lang naman ishare ang mga lablyps ko. Oha oha? Gulat ka noh?! huwag ka masyadong hot! Dadahan-dahanin ko namang babanggitin names nila. Oh well, sampu ata silang lahat eh. Ang takaw noh!

KAYA HETO NA ANG AKING TOP TEN FAFABLES:

10. Jae Hee

  • Name: 재희 / Jae Hee (Jae Hui)
  • Real name: 이현균 / Lee Hyun Kyoon (Lee Hyeon Gyun)
  • Profession: Actor
  • Birthdate: 1980-May-25
  • Height: 178cm
  • Weight: 63kg
  • Star sign: Gemini
  • Blood type: O

Una ko siyang nameet sa Sassy Girl Chunhyang Sa GMA-7. At tignan niyo naman ang kanyang posing! Nagpapakyut sa akin. Nyemes! Ang ewan ko! At parehas kami ng blood type! O!

9. Vic Zhou

  • Name: 周渝民 / Zhou Yu Min
  • English name: Vic Zhou
  • Nickname: 仔仔 (Zai Zai)
  • Profession: Actor, singer, model
  • Birthdate: 1981-June-09
  • Birthplace: Taiwan
  • Height: 180cm
  • Weight: 66kg
  • Star sign: Gemini
  • Blood type: O
  • Music Group: JVKV (formerly known as F4)

Sino ba namang hindi nakakakilala sa kanya? Pero kung hindi mo talaga kilala, eh di itanong mo kay Mr. Google! Pero kung hindi ka intereseado eh di wag! Basta ang alam ko gusto ko siya. Kasi matangkad na gwapo pa magaling kumanta ah basta. Payatot eh! At may similarities kami ah, Type O din blood type ko.

8. Lee Ji Hoon

  • Name: 이지훈 / Lee Ji Hoon (Yi Ji Hun)
  • Also known as: Lee Jee Hoon
  • Nickname: The Little Prince / Cute Rebellion
  • Profession: Actor and singer
  • Birthdate: 1979-Mar-27
  • Birthplace: Seoul, South Korea
  • Height: 182cm
  • Weight: 63kg
  • Star sign: Aries
  • Blood type: AB

Basta bida siya ng Hello My Lady! Gusto ko ang role niya sa series na iyon. Wala kami similarity! Ahuhuhu!

7. Lee Dong Wook

  • Name: 이동욱 / Lee Dong Wook
  • Profession: Actor and model
  • Birthdate: 1981-Nov-06
  • Height: 185cm
  • Weight: 78kg
  • Star sign: Scorpio
  • Blood type: B

Kilala niyo na iyan? Siya yaong sa My Girl! Parehas kaming Scorpio ha! Wehehehe!!! MAy similarity!

6. Lee Joon Ki

  • Name: 이준기 / Lee Jun Ki ( Lee Joon Gi)
  • Profession: Actor, model and singer
  • Birthdate: 1982-Apr-17
  • Birthplace: Busan, South Korea
  • Height: 178cm
  • Weight: 66kg
  • Star sign: Aries
  • Blood type: B

Nakilala ko rin siya sa My Girl. Kaagaw niya yaong nasa itaas. Hekhek! Cute niya!

5. Gong Yoo

  • Name: 공유 / Gong Yoo (Kong Yoo)
  • Real name: 공지철 / Gong Ji Cheol (Kong Ji Chul)
  • Profession: Actor
  • Birthdate: 1979-Jul-10
  • Birthplace: South Korea
  • Height: 184cm
  • Weight: 74kg
  • Star sign: Cancer
  • Blood type: A

Ang Prinsipe ng kape! Wala akong mahanap na matino-tinong foto! Kaya iyan na lang! PAtok sa aking Coffee Prince!

4. Mike He

  • Name: 賀軍翔 (贺军翔) / He Jun Xiang
  • English name: Mike He
  • Also known as: 賀小美 / He Xiao Mei
  • Profession: Actor and model
  • Birthdate: 1983-Dec-28
  • Birthplace: Taiwan
  • Height: 180cm
  • Weight: 66kg
  • Star sign: Capricorn
  • Chinese zodiac: Pig
  • Blood type: B

HaY! Ang bida ng Devil Beside You, Why Why LOve at Love Contract! Mas gusto ko yung babae sa DBY at WWY kaysa kay Ariel Lin. Amp! Basta wafu si Mike He!

3. Ikuta Toma

  • Name: 生田斗真
  • Name (romaji): Ikuta Toma
  • Nicknames: Tomasu, Toma-chan
  • Profession: Actor and singer
  • Birthdate: 1984-Oct-07
  • Birthplace: Noboribetsu, Hokkaido, Japan
  • Height: 173cm
  • Weight: 58kg
  • Star sign: Libra
  • Blood type: A

Siya si Nakatsu sa Hana Kimi Japan. Bat kasi hindi na lang siya yaong bida Hana Kimi! Asar! Ang pangit ng napili nilang Sano. AmP!

2. Ming Dao

  • Name: 明道 / Ming Dao
  • English name: Matthew
  • Real name: 林朝章 / Lin Chao Zhang
  • Also known as: Ming Dow
  • Profession: Actor, singer, model
  • Birthdate: 1980-Feb-26
  • Birthplace: Taiwan
  • Height: 180cm
  • Weight: 72kg
  • Star sign: Pisces
  • Blood type: O

Siya ang bida sa Frog Prince at Ying Ye she 3+1. Hehehe! Ang cute ng mga roles niya sa mga tawainese series niya. MagalinG!

1. Wu Chun

  • Name: 吳尊 / Wu Chun (Wu Zun)
  • Real name: 吳吉尊 / Goh Kiat Chun
  • Profession: Actor, singer, and model
  • Birthdate: 1979-Oct-10
  • Birthplace: Brunei
  • Height: 181cm
  • Weight: 73kg
  • Star sign: Libra
  • Blood type: O
  • Family members: Dad, older sister, older brother
  • Music group: Fahrenheit (飛輪海)

Hay! Pinakagusto ko talaga eh si Wu Chun! HeyaaaaaaaaaaaaaH! No more buts. (Uy English!) Basta cool siya!

Hay! Ang nonsense ng post ko (lagi naman eh!) Hahaha! Wateber! Atlast nakaupdate diN! Hindi naman napaghahalataang mahilig sa chinito ano?

~~~~~~~~///~~~~~~~~~~~///~~~~~~~~///~~~~~~~~~~~~~///~~~~~~~~~///~~~~~~~~~~///~~~~~~

Hayan at mabilisang post lang talaga ito. Marami ako ikwekwento kaso marami pa ako gagawin. At dahil sa aking pagiging besi-besihan at heto binigyan ako ni ate Ewanko/Idlip/Yeye/ ng…

Kayo na ang bahala kung gusto niyo rin ito icopy!

Siyangapala, gusto ko kayong kantahan! May bago akong kanta na nagustuhan eh! Yung song eh tungkol sa friendship. Kaso, paano niyo maririnig? Sayang! Shiryus ako! Wahehehe!!!

BYE BYE NA! Gawa pa ako assignements, tapos magrereview, ready sa report, at mag-aatend ng hmm.. sikret na muna!



Kin’t Bilib Ittt!

Chingke biao, chingke biao

Chingke biao, chingkebiao,

Wa-e-o Soyaso

Chingke biao…

Biaka pue, buchi pue

ching ching, bling bling

ching ching wa

Waeo Soyaso

Chingkebiao…

Hayan ha, at kinantahan ko pa kayo bago ko umpisahan ang entry na ito.  Eniways, Kumusta na kayo?  Pasensya na at medyo natagalan ang sunod na entry ng inyong lingkod dahil besi-besihan to the max talaga ang drama ko.  Siyangapala, kung gusto niyo malaman tune ng kantang yan, edi gusto niyo lang.

Mga pipz, dami kong ikwekwentong kakalurky na mga ebents na nangyari sa akin nitong nakaraang mga linggo.  Ang daming kin’t bilib it na happenings… Heto’t uumpisahan ko na…

  1. Kin’t bilib it na maeenjoy ko pala ang calculus. Mantakin mong isa pala ito sa mamahalin kong subject.  Oo, nandoon na tayo na mahirap talaga at todo ang pag-iwas ko sa subject na iyan pero huwag ka, dahil siguro sa hirap eh naenjoy at minahal ko talaga ito ng lubusan.  Hindi man ako nakakaangat sa mga kaklase ko pagdating sa Calculus, nasisiyahan pa rin ako.  Natutuwa ako sa mga pinaggagawa naming mga Limits, Infinity na walang katapusan, at Derivatives na nakakahilo.  Kahit ganyan iyan, okey pa naman ako.  Pero sa mga quizzes namin halos lahat kami NOSEBLADE.  Matindi kasi talaga si Mrs. DL magpaquiz at magpaexam.
  2. Kin’t bilib it na ang Physics na ayaw na ayaw ko noong hayskul eh sobrang mamahalin ko pala ngayong college.

    Natuwa ako sa mga problems na binibigay ni sir.  Isali mo na rin ang mga banat ni sir at ang walang katapusang pagsabi niya ng “Do you… get it?”.

  3. Kin’t bilib it na dahil sa katangahan ko eh napascreening tuloy ako sa The Buttress, ang official publication ng College of Engineering ang Architecture bilang isang photojournalist. Anakngmalandingkambing!  Tinulak-tulak kasi ako ng dalawang lokaret na iyon para magscreening kaya hayan at napasubo tuloy ako.  Pumasok na ako ng room na para bang feeling ko eh kakainin ako ng mga staff ng naturang publication.  Well, face towel, napa-English tuloy ang loka-loka sa paglagay ng caption.  Akalain niyong naubusan na ako ng kainglesan sa buhay ko.  Kaya, kung anu-ano na pinaglalagay ko.  Tapos may part II pa, kung saan eh kukuha ako ng shots.  Matutuwa na sana ako eh kaso akalain mong kinabukasan din eh ipapasa na daw agad ang mga shots ko.  Oh kamote!  Okey lang sana kaso nga lang iniwan ko si papa cam ko.  Opo, iniwan ko kasi medyo bulky (uy English!) na yung bag ko.  Kaya, salamat talaga sa cellphone na Sony Ericson ni Candice dahil napaprint ko ang ilan sa mga shots ko doon.  Noong una, suko na ako kasi hindi naman ganoon kadali maghanap ng subject para kodakan.  Lalo pa’t may categories pa na dapat ipasa.  Nawindang talaga ako doon.  Kung mapili man ako, edi okay!  Kung hindi naman okey lang din kasi atleast nitry ko at isa pa di naman ako umaasa at isa pa ang dami kayang mga participants na halos mga higher years kaya okey lang talaga.  Hahaha!
  4. Kin’t bilib it na makikimiyembro ako sa CEAHS o College of Engineering and Architecture Honor Society.

    Oh diba?  Dahil kasi yan sa force ni Jansen na nagpupumilit na sumali kami ni Michelyn.  Kaya, hayan at napasubo na naman ang inyong lingkod.  Napagastos pa tuloy ako ng Php25.00 para sa grades ko na pruweba na 85% and above ang aking average.  Oo, 85% and above ang aking average.  Hindi kapani-paniwala hindi ba?  Hindi naman kasi ako masipag magreview.  Malamang sa pagkukunyaring nag-aaral kuno eh eksperto na ako dyan.  Pero yung seryosong nag-aaral, hay pugutin niyo na ulo ko.

  5. Kin’t bilib it, may gift of tongue ata ako. Wakekekek!  Wala lang kasi madali kong napapaniwala ang mga taong nakapaligid sa akin kahit na yaong iba eh pawang kasinungalingan at kalokohan ko lamang.  Yaong isa, tatlong beses ko ng naloko.  At hayun halos isubsob na niya ako sa inidoro dahil sa inis.  Seryoso daw kasi ako pag nagsasalita.  Para bang laging meaningful ang sinasabi ko at isa pa mukhang seryoso daw ang mukha ko.  Oh di ba?  Sabi nga nila, mag-akting ka na lang kaya… Sabi ko naman, di pwede para lang ako sa role na lightsmen.
  6. Kin’t bilib it na mapapakanta ako sa harap ng napakaraming Engineering students na pawang magagaling dahil CEAHS nga.

    Napakinggan tuloy nila ang gintong boses ko.  At dahil Intsik ang kinanta ko, hayan at ang nabunot ko tuloy na angel ko eh Koreano.  Anakngpating!  Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa office ng CEAHS.  Dahil panigurado, mapapajengliz na naman ako.  Hayyy.  Nosebleed na nosebleed na talaga.  Hindi ko naman lubos akalain na dahil sa kaadikan ko sa mga koreanovela, taiwanese at japanese na series eh ihaharap na sa akin ni Lord ang isang Koreano.  Owww-Emmm-Geee.  Goodluck na lang sa akin.  Hanggang ngayon, hindi ko pa namemeet si Angel Lee pero okey lang.  Kelangan ko pa munang matuto ng mas maraming korean language.  Hayyy.  Wafakels!

Iyan lang muna sa ngayon blogggers op da blogosphere.  Oh yeah!