Posted by: eloiski on: Hulyo 5, 2008
Chingke biao, chingke biao
Chingke biao, chingkebiao,
Wa-e-o Soyaso
Chingke biao…
Biaka pue, buchi pue
ching ching, bling bling
ching ching wa
Waeo Soyaso
Chingkebiao…
Hayan ha, at kinantahan ko pa kayo bago ko umpisahan ang entry na ito. Eniways, Kumusta na kayo? Pasensya na at medyo natagalan ang sunod na entry ng inyong lingkod dahil besi-besihan to the max talaga ang drama ko. Siyangapala, kung gusto niyo malaman tune ng kantang yan, edi gusto niyo lang.
Mga pipz, dami kong ikwekwentong kakalurky na mga ebents na nangyari sa akin nitong nakaraang mga linggo. Ang daming kin’t bilib it na happenings… Heto’t uumpisahan ko na…
Mantakin mong isa pala ito sa mamahalin kong subject. Oo, nandoon na tayo na mahirap talaga at todo ang pag-iwas ko sa subject na iyan pero huwag ka, dahil siguro sa hirap eh naenjoy at minahal ko talaga ito ng lubusan. Hindi man ako nakakaangat sa mga kaklase ko pagdating sa Calculus, nasisiyahan pa rin ako. Natutuwa ako sa mga pinaggagawa naming mga Limits, Infinity na walang katapusan, at Derivatives na nakakahilo. Kahit ganyan iyan, okey pa naman ako. Pero sa mga quizzes namin halos lahat kami NOSEBLADE. Matindi kasi talaga si Mrs. DL magpaquiz at magpaexam.
Natuwa ako sa mga problems na binibigay ni sir. Isali mo na rin ang mga banat ni sir at ang walang katapusang pagsabi niya ng “Do you… get it?”.
Anakngmalandingkambing! Tinulak-tulak kasi ako ng dalawang lokaret na iyon para magscreening kaya hayan at napasubo tuloy ako. Pumasok na ako ng room na para bang feeling ko eh kakainin ako ng mga staff ng naturang publication. Well, face towel, napa-English tuloy ang loka-loka sa paglagay ng caption. Akalain niyong naubusan na ako ng kainglesan sa buhay ko. Kaya, kung anu-ano na pinaglalagay ko. Tapos may part II pa, kung saan eh kukuha ako ng shots. Matutuwa na sana ako eh kaso akalain mong kinabukasan din eh ipapasa na daw agad ang mga shots ko. Oh kamote! Okey lang sana kaso nga lang iniwan ko si papa cam ko. Opo, iniwan ko kasi medyo bulky (uy English!) na yung bag ko. Kaya, salamat talaga sa cellphone na Sony Ericson ni Candice dahil napaprint ko ang ilan sa mga shots ko doon. Noong una, suko na ako kasi hindi naman ganoon kadali maghanap ng subject para kodakan. Lalo pa’t may categories pa na dapat ipasa. Nawindang talaga ako doon. Kung mapili man ako, edi okay! Kung hindi naman okey lang din kasi atleast nitry ko at isa pa di naman ako umaasa at isa pa ang dami kayang mga participants na halos mga higher years kaya okey lang talaga. Hahaha!Oh diba? Dahil kasi yan sa force ni Jansen na nagpupumilit na sumali kami ni Michelyn. Kaya, hayan at napasubo na naman ang inyong lingkod. Napagastos pa tuloy ako ng Php25.00 para sa grades ko na pruweba na 85% and above ang aking average. Oo, 85% and above ang aking average. Hindi kapani-paniwala hindi ba? Hindi naman kasi ako masipag magreview. Malamang sa pagkukunyaring nag-aaral kuno eh eksperto na ako dyan. Pero yung seryosong nag-aaral, hay pugutin niyo na ulo ko.
Wakekekek! Wala lang kasi madali kong napapaniwala ang mga taong nakapaligid sa akin kahit na yaong iba eh pawang kasinungalingan at kalokohan ko lamang. Yaong isa, tatlong beses ko ng naloko. At hayun halos isubsob na niya ako sa inidoro dahil sa inis. Seryoso daw kasi ako pag nagsasalita. Para bang laging meaningful ang sinasabi ko at isa pa mukhang seryoso daw ang mukha ko. Oh di ba? Sabi nga nila, mag-akting ka na lang kaya… Sabi ko naman, di pwede para lang ako sa role na lightsmen.
Napakinggan tuloy nila ang gintong boses ko. At dahil Intsik ang kinanta ko, hayan at ang nabunot ko tuloy na angel ko eh Koreano. Anakngpating! Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa office ng CEAHS. Dahil panigurado, mapapajengliz na naman ako. Hayyy. Nosebleed na nosebleed na talaga. Hindi ko naman lubos akalain na dahil sa kaadikan ko sa mga koreanovela, taiwanese at japanese na series eh ihaharap na sa akin ni Lord ang isang Koreano. Owww-Emmm-Geee. Goodluck na lang sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko pa namemeet si Angel Lee pero okey lang. Kelangan ko pa munang matuto ng mas maraming korean language. Hayyy. Wafakels!
Iyan lang muna sa ngayon blogggers op da blogosphere. Oh yeah!
4 | winkii
Hulyo 21, 2008 Sa 1:35 hapon
anak ng malanding kambing! hanep! xD daan ka rin sa palasyo ko.
5 | Pau
Hulyo 23, 2008 Sa 1:39 hapon
Lol aios tong mga kin’t bilib it mo ha!
LOL Nakuuu sana nga pagdating ng universidad o di kaya’y next year, magustuhan ko rin ang mga subjects na inayawan ko last year. >.< Ganun naman minsan ang nangyayari eh. alternate yata ang mga interests ko every year. Haha.
Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
| ysrael sa Ang Kumplikado! Ang Labo! | |
| clarisse sa Ang Alamat ng Ampalayang … | |
| karmela sa It’s Raining Men! (… | |
| liches sa Download | |
| liches sa Download |
Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Albeo theme by Design Disease
Hulyo 17, 2008 Sa 10:25 hapon
hay nku eloi sinabi mo pa kya parang nagtatalong isip ako kung mag-aaral pa ako ng engring parang mag-educ na lng.. dahil ang hirap ng subj. nila… wahh