Notbuk ni Eloiski


It’s Japeyk

Kung nais niyong tanungin kung bakit biglang naglaho na parang bula ang inyong lingkod at nawala sa sirkulasyon ng blogosphere iyon ay dahil sa hmmm oh well face towel isang sikretong malufet! Pero, dahil kayo’y mga ka-blog ko (eniweyz, ano ba yaong show na KA-BLOG sa GMA?), ibubulong ko sa inyo. Iyon eh kasi lumabas muna ako pansamantala ng ating bansa upang masaksihan ang BEIJING OLYMPICS 2008 na isa kuno sa pinakamalaking event dito whole wide world. Kailangan kasi ng ating mga players ang aking suporta para naman may mabingwit tayong kahit isang gintong medalya man lamang.

Naexcite ako sa opening! At bakit naman? Eh sino ba naman ang hindi matutuwa sa mga fireworks na tila nagsilbing ilaw sa kalangitan? Pero mas lalo akong nalurky nang kumanta ang napakacute na batang ito na si Lin Miaoke. In fairness, ang cute ng hairdo nya pang-anime. At ang smile niya, howmaygad, killer smile. Mukha nga siyang manika. Ngunit mas lalong nalurky to the highest level ang inyong lingkod ng nalaman ko na isa pala itong dakilang LIP-SYNC (tama ba ang esfelling?). Ayon sa chismax, desisyon naman daw talaga ng China na gamitin ang boses ni Yang Peiyi, ang batang may-ari talaga ng boses, para nga ayun may lip-synced tsenes na iyan. Iyon ay dahil, hindi kasi kagandahan at cute itong si Yang Peiyi. Akalain mo iyon, napeke ako. It’s Japeyk! Hay discrimination nga naman. Pero huwag naman sanang ganun! Pinapamukha nila sa bata na pangit siya, na hindi siya presentable. Bata pa lang ginaganyan na! Baka matakot na siyang humarap sa salamin niyan at mamulat sa mundo na kung saan ang tulad niya ay hindi nababagay sa hmmm wala akong maisip na term eh basta ituloy mo na lang. Awtz! kaya yun sa bata.

(Parang Princess Charming lang ang drama…)

Dahil sa bagay na ito, tila pinanghahawakan talaga ng CHINA ang kanilang titulo na Japeyk Land. Japeyk na cellphone tulad ng ilove (ginaya ang iphone ba?!). Ah basta mga japeyks, hindi talaga maiwasan na China ang nituturo natin. Oh well, ganyan talaga ang lifeness!

Pero ang ikinakakaba ko lang eh baka pati ang medals nila eh japeyk din. Meaning, baka hindi sila deserving sa kanilang gold medals (something’s fishy). Pero baka lang iyan ha as in BAKA. Hindi ko sure! Nakikiengot lang.

At meron pang isang it’s japeyk, baka kasi napeke ko kayo. It’s japeyk na pumunta ako ng China. Oh holy kamote, ni pumunta nga ng Mindanao para makibakbakan eh hindi ko magawa dahil wala akong money na pamasahe, tapos China pa. Asust! (peram muna kuya Aga!). Eniweys. Hayan at nag-update naman na ako. Hindi pa kasi ako makatulog eh.



Babangon ako at taTAGtagin kita
Agosto 18, 2008, 11:23 umaga
Isinalansan sa: Share-Sharan Episode, Tagski Tagshing Episode

Nawala na naman na parang utot ang inyong blogger na si Eloiski at ang welcome sa kanya ng blogosphere ay isang tag mula kay Ate Dhez.  Eniweyz, huwag na nating patagalin pa, heto na heto na heto naaaaa waaaaaaaaaaaah!!!

Here’s the rule..

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go over and over

  • Bahay - Malamang na iyan lagi ang aking pupuntahan dahil kung hindi ako umuwi ng bahay, paktayan ang wewelcome sa akin.
  • SLU (school) – Hay, ang totoo niyan hindi pa ako nag-absent kahit isang beses kaya malamang sa malamang eh 6 days in a week, napapadpad ako sa lugar na yan.
  • McDo – Diyan kami kumakain kapag tanghalian at kapag umuulan.
  • Sa Kubo – Basta kainan din diyan kung saan kumakain kami ng tanghalian kung hindi sa Mcdo at kapag hindi umuulan.

2. Four people who e-mails me regularly

Four persons, pwedeng four uhhmmm ano ba tawag sa kanila?

  • Ang dakilang SPAM (kung pagkain ka na lang sana..)
  • Ang walang kamatayang FRIENDSTER (buti kung may sense lahat eh yaong iba paeching chenelyn lang nila!)
  • Ang labs ko na si WORDPRESS (buti pa ito may sense magmessage!)
  • Ang magaling sa Math na si MULTIPLY (inuupdate niya ako lagi sa mga nonsense stuffs ng mga pipol. Hekhek!)

3. Four of my favorite places to eat?

  • Haysus saan pa nga ba kundi ang aking peborit na si MCDO! Ay lab ko talaga to!
  • Kapag hindi mahanap si McDo, doon na lang kami kay JOLLIBEE.
  • CHOWKING, ang sarap kasi ng Chaofan, kaadik!
  • Sa Kubo, kapag nauubusan na ng badyet ang mga repapipz at dabarkads.

4. Four places you’d rather be?

  • JAPAN – Gusto ko talaga pumunta diyan kasi ayy laabbb anime so much! Gusto ko pumunta sa Anime World at bumili ng maraming-maraming mangas, dvds at toys. Wafakels!
  • ITALY – Gusto mag-explore sa Italy kasi dami ganda kuhanan ng pictures diyan eh.
  • KOREA – Dahil gusto ko na mameet in personal ang mga fafables ko. Gaawwwdddd!
  • CHINA – Gusto ko talaga manood ng Olympics at magcheer para sa Pinas dahil narinig ko kanina sa news na wala pang nakukuhang gold medal ang ating Inang Bayan. Baka kelangan nila ng inspiration ^_^

5. Four TV shows I could watch over and over.

  • Basta yaong mga ANIME na pamatay na gusto ko, basta yun na yun
  • Basta yaong mga paborito kong ASIANOVELA na palabas, yun na yun
  • EAT BULAGA – wateber! natutuwa talaga ako sa show na yan!
  • BUBBLE GANG – ang gag show na walang kakupas-kupas

6. Four lucky winners ( of this tag..)

Hayan, nasagutan ko rin ate Dhez. Hindi pa ako makakakwento sa inyo tungkol sa mga kahindik-hindik na kaganapan na nangyari sa akin. Medyo kelangan muna mag-aral at ang grades ko’y tila nanganganib… Huhuhu!