Ang Paglalakbay ni Eloiski

It’s Japeyk

Posted by: eloiski on: Agosto 23, 2008

Kung nais niyong tanungin kung bakit biglang naglaho na parang bula ang inyong lingkod at nawala sa sirkulasyon ng blogosphere iyon ay dahil sa hmmm oh well face towel isang sikretong malufet! Pero, dahil kayo’y mga ka-blog ko (eniweyz, ano ba yaong show na KA-BLOG sa GMA?), ibubulong ko sa inyo. Iyon eh kasi lumabas muna ako pansamantala ng ating bansa upang masaksihan ang BEIJING OLYMPICS 2008 na isa kuno sa pinakamalaking event dito whole wide world. Kailangan kasi ng ating mga players ang aking suporta para naman may mabingwit tayong kahit isang gintong medalya man lamang.

Naexcite ako sa opening! At bakit naman? Eh sino ba naman ang hindi matutuwa sa mga fireworks na tila nagsilbing ilaw sa kalangitan? Pero mas lalo akong nalurky nang kumanta ang napakacute na batang ito na si Lin Miaoke. In fairness, ang cute ng hairdo nya pang-anime. At ang smile niya, howmaygad, killer smile. Mukha nga siyang manika. Ngunit mas lalong nalurky to the highest level ang inyong lingkod ng nalaman ko na isa pala itong dakilang LIP-SYNC (tama ba ang esfelling?). Ayon sa chismax, desisyon naman daw talaga ng China na gamitin ang boses ni Yang Peiyi, ang batang may-ari talaga ng boses, para nga ayun may lip-synced tsenes na iyan. Iyon ay dahil, hindi kasi kagandahan at cute itong si Yang Peiyi. Akalain mo iyon, napeke ako. It’s Japeyk! Hay discrimination nga naman. Pero huwag naman sanang ganun! Pinapamukha nila sa bata na pangit siya, na hindi siya presentable. Bata pa lang ginaganyan na! Baka matakot na siyang humarap sa salamin niyan at mamulat sa mundo na kung saan ang tulad niya ay hindi nababagay sa hmmm wala akong maisip na term eh basta ituloy mo na lang. Awtz! kaya yun sa bata.

(Parang Princess Charming lang ang drama…)

Dahil sa bagay na ito, tila pinanghahawakan talaga ng CHINA ang kanilang titulo na Japeyk Land. Japeyk na cellphone tulad ng ilove (ginaya ang iphone ba?!). Ah basta mga japeyks, hindi talaga maiwasan na China ang nituturo natin. Oh well, ganyan talaga ang lifeness!

Pero ang ikinakakaba ko lang eh baka pati ang medals nila eh japeyk din. Meaning, baka hindi sila deserving sa kanilang gold medals (something’s fishy). Pero baka lang iyan ha as in BAKA. Hindi ko sure! Nakikiengot lang.

At meron pang isang it’s japeyk, baka kasi napeke ko kayo. It’s japeyk na pumunta ako ng China. Oh holy kamote, ni pumunta nga ng Mindanao para makibakbakan eh hindi ko magawa dahil wala akong money na pamasahe, tapos China pa. Asust! (peram muna kuya Aga!). Eniweys. Hayan at nag-update naman na ako. Hindi pa kasi ako makatulog eh.

20 Tugon to "It’s Japeyk"

hakhak! ang mga china talaga kahit kelan japeyks! haha! wawa aman ung totoong kumanta..

hakhak! ang china talaga kahit kelan japeyks! haha! wawa aman ung totoong kumanta..

Mag-iwan ng Tugon

Mga Naliligaw

  • 19,930 nilalang ang napadpad

Anong Latest?

Sali ka na!


Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
Display Pagerank

Kumusta siya?

Si Eloiski ay Kasalukuyang

korean cute comments

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)


I got this Ninja Bubs
from TheLordNick.com/Bubs

Makimundo!

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Add to Technorati Favorites

Anong Petsa Na?

Agosto 2008
L L M M H B S
« Hul   Set »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Kategoriya

Mga Nakiusyoso

Mga Nakiusyoso

View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile

Tumatakbo ang Oras

obj = new Object;obj.clockfile = "5010-red.swf";obj.TimeZone = "GMT-0400";obj.width = 222;obj.height = 66;obj.wmode = "transparent";showClock(obj);