Notbuk ni Eloiski


Maligayang Kaarawan, Erpat!
Setyembre 27, 2008, 12:16 hapon
Isinalansan sa: Ebents Ito Episode, Family Affairs Episode, Serious Episode, Share-Sharan Episode

Bago ko umpisahan ang entry na ito (shungaks, naumpisahan mo na nga!), nais ko lamang sabihin na ang birthday po ng papa ko eh hindi ngayon kundi kahapon, September 26. Ngayon lang nagcelebrate dahil malamang sa malamang wala ako sa bahay. Nandoon ako sa baguio at nag-aaral. Hay buhay!

Hindi ko naumpisahan ang parteeeeyyy dito sa bahay dahil tanghali na nang nakarating ako mula sa Baguio. At ang sumalubong lang naman sa akin ay ang mga sandamakmak na bisita ni papa. Oh well, face towel, ang dami kasing kaibigan ni papa. Kainggit! Amp! Ako kasi (Amp! Ayoko magdrama dito!)…

Kung nais niyong tanungin kung ano iniregalo ko sa aking eber loving tatay, Hmmm… isang wallet po. Ekshelli, binigay ko na iyong wallet pero hep hep hep syempre dapat nakabalot para may thrill ang lifeness noong nakaraang Sabado. Pero, gusto ko na buksan niya iyong regalo sa birthday niya. Binigay ko ang regalo at nahulaan ba naman niyang wallet iyon (obvious kasi!). Pero, hindi ako nagpatalo at sinabi kong “Papa, you know, looks are deceiving!”.

Pero alam ko na naramdaman ni papa ang hirap noong tinanggap niya ang gep mula sa akin noong araw na iyon. Ikaw ba naman regaluhan ng ganoong kaaga tapos sasabihing sa birthday mo pa mabubuksan, hindi ka naman kaya mabaliw at maexcite sa pagbukas ng regalo. Wapak! Pero, hayun nabuksan na rin niya sa wakas at natuwa siya sa gep ko sa kanya.

Paano nga ba ako humantong sa pagregalo sa kanya ng wallet? Ganito kasi iyon… Once upon a time in China, Long long ago, Isang araw pumunta ang aking erpat sa SM. Syemps sinama niya ako together with my mader. Noong nagbabayad na siya sa cashier at inilabas ang kanyang wallet para kunin ang kanyang credit card, nakita ko na luma na ang kanyang wallet. Tapos yaong mga cards niya eh hindi na magkasya sa wallet niya. Para na ngang bibigay ang wallet eh. Kaya, tila may bombilyang lumitaw sa aking ulo at “aha!” alam ko na ang aking nasambit. Isang wallet. THE END.

Saan ko nabili ang wallet? Magkano ang wallet? Bakit iyon na klaseng wallet ang napili ko? (Ano ba iyan, utak! Ang dami mong tanong!)Oh well, face towel, Nabili ko ang wallet sa SM Baguio doon sa department store if I’m not mistaken sa 1st floor at exactly 11:36 am. Hayan utak ha at may time pa. May angal ka pa ba? Yaong wallet na iyon ay nagkakahalaga ng isang libo’t limang daan siyamnapu’t siyam pesos. Alam ko medyo may kamahalan pero may kalidad nga naman. At yaong tatay ko kasi eh medyo mahilig sa may brand eh. Hahaha! Iyon ang napili kong wallet dahil yaon nga maraming paglagyanan ng cards and everything. Tapos first class leather chenes daw sabi nung saleslady. Tapos, ayun nga may brand. Buti kamo at hindi na ako naghirap sa pagbalot kasi may free gift wrap na raw iyon. Oha? Ang ganda pa ng pagkabalot.

Oh well face towel. Hindi naman ito ang first time na nagregalo ako sa aking erpat. Ekshelli, maraming beses na. At ang pinakadabest na nairegalo ko sa kanya noon ay ang sumbrero. Nagustuhan talaga ni erpat! Lagi niya iyong dinadala kahit sa anong bansa pa man siya mapunta. Buti pa nga iyong sumbrero andami ng napuntahang iba’t ibang lugar sa mundong ito, eh ako! Asa pa! Kaya minsan gusto ko na lang ilagay sarili ko sa maleta ng tatay ko at nang makarating man lang ako sa ibang bansa. Hayyy.

O siya siya siya! Happy birthday erpat! Sana gamitin mo ang wallet na regalo ko sa iyo(Oh well, ginagamit mo na pala!). Swerte iyan tay! hakhak! Labyu papa ko! Labyu so much! You’re the best of all the best! Ever! Hayyy.

Geh! Hanggang todits na lang at tomguts na si ako.



Tinatamad ka na bang mag-aral?

Kung ang sagot mo sa tanong ko ay isang dumadagundong (with matching sign language tulad ng pagtango o pag two thumbs up) na OO,

aba aba aba…

Mag-isip ka naman iho, iha.

Bakit ang mga magulang mo tinatamad na bang pag-aralin ka? Malamang sa malamang hindi naman siguro dahil ang nais nila’y ang kabutihan ng buhay mo. Ngunit minsa’y naririnig din natin ang kanilang reklamo (dakdak dito dakdak doon, gastos dito gastos doon! Kulang na lang eh ilabas ang calculator para macompute lahat ng mga gastusin tsenes na yan. Isali mo pa ang pagtaas ng bilihin gayundin ng tuition fee! Isali mo na rin diyan ang mga grades na nakikipagkarera sa pababaan!) pero sa bandang huli eh bibigay din at magbibigay ng kung anumang kailangan natin (tulad ng PSP! pero hindi naman siya need kundi want! Wapak!).


Alam ko hindi naman madali mag-aral(ikaw ba naman magmemorize ng mga kung anu-anong formulas at terms na hindi naman familiarity sa iyo, idagdag mo pa ang hayuf na mga problem solving na kailangan ng matinding analysis, tapos idagdag mo pa sa listahan ang mga paragraph writing and everything that occupies space and has mass) pero mas mahirap ang magpaaral. Isipin mo na lang sakripisyo nila. Minsan nga’y hindi na sila makabili ng mga gusto nilang bilhin para sa sarili nila dahil iniisip nila yaong kapakanan mo. Naalala ko nga yaong text message na natanggap ko tungkol sa estudyante na nag-aaral sa Maynila at ang kanyang magulang ay hindi naman pinalad na magkaroon ng napakaraming pera. Pero kahit ganoon pa man, gumagawa sila ng paraan para mapag-aral yaong anak nila. Lahat-lahat binibigay nila. Pera para sa project nila na ipod, Psp, mga ganun ba. Eh itong mga magulang hindi naman alam na yaong mga bagay na iyon. Basta ang alam nila, nagbibigay sila ng pera para sa pag-aaral ng anak nila. Hayyy. Napakasamang bata! Ang sarap tuloy pakainin ng buong durian, ipalapa sa buwaya at ipahostage sa Abu Sayaff (tama ba spelling?).

Oh well face towel, wala naman akong pinapatamaan dito eh. Pero kung natamaan ka eh ano pa nga ba magagawa ko? Andyan na eh? Mag-isip ka na lang at umaasa na sana’y makonsensya ka. Pero inuulit ko wala akong pinapatamaan. Ang kulit!

Hayan at nakagawa tuloy ako ng homily. Kinakabahan na kasi ako sa magiging grades ko eh. Natatakot ako na baka mawala ako sa DL. Buong buhay ko, lagi akong nasa listahan. At kung nagkataon na ngayon pa ako maaalis sa listahan na iyan, tiyak na madidisappoint sila mama at papa. Ayaw ko iyon mangyari. Ayaw. Pero ang labo kasi na makaDL pa ako eh. Yaong isa kong kaklase naikwento na niya sa erpats niya na baka hindi siya makaDL. Hayun basta galingan pa rin daw niya.

Eh ako? Hindi ko masabi. Kasi alam mo iyon hindi ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin ang aking drama. Kumbaga kung mawala ako sa putakteng Dean’s list na iyan, iyan ay isang record kasi for the first time iyan na mangyayari sa history ng buhay ko.

Oo, masama sa loob. Lalo na’t kung pinanghawakan mo na na dapat eh lagi kang nasa listahan. Na dapat lagi kang may natatanggap. Hay ang hirap!

Basta, gagawin ko pa rin kung ano ang kaya ko. FIGHT!



Binago at Binagyong Mundo
Setyembre 13, 2008, 12:00 hapon
Isinalansan sa: Ebents Ito Episode, Family Affairs Episode, Piktyurs Episode

Weehee! Ang saya ko!  Dumating kasi ang aking poreber and eber loving erpat.  At syempre kapag may dumating na balikbayan, ano pa nga ba ang meron at hindi pwedeng mawala na pasalubong?  Opkors, iyon ay walang iba kundi ang delicioso na tsokolate na imported.  Wapak!  At dahil sa nabaliw ang sisteret ko, hayan at nagpapiktyur pa siya sa harap ng mga tsokolate! Pagpasensyahan niyo na ang kabaliwan niya.  Umagang-umaga pa lang kasi, ekshelli, kagigising lang namin eh hayun at pinuntahan agad ang refrigerator at kinuha ang ilan sa mga tsokolate.

(Huwag niyo na lang siya pansinin!)

(Natuwa ako sa mga tsokolate! Amp! Ngayon, paubos na ang mga iyan!)

At ngayon, dahil sa pagdating ni erpat, tila biglang nagbago ang mundo namin.  Kagagaling ko lang sa Baguio.  Sinundo ako ng tita ko gamit ang aming tsikot.  Tapos, sinabi niya, andami daw nagbago.  Nagulat naman ako!  Hayun!  Pagkapasok ko pa lang sa bahay, nakita ko na ang oven na matagal ng gustong bilhin ng kapatid ko.  At isa pa, nakita ko yaong sala set namin na nasa sala dapat.  Bakit andoon na iyong mga iyon?  Takbo ako sa sala namin at huwaw! As in napahuwaw ako! Syet! Ang ganda at ang laki ng sala set namin.  Wapak!  As in!  Kapag uupo ka doon para bang feel mo eh mukha kang prinsesa, reyna, hari and ebrithing dat okyupays ispeys en has mass.  Wateber!  Alam mo iyon?  Parang nakakahiya tuloy umupo.  Parang ayaw mo marumihan kaya kung pwede na lang sana, wala na lang umupo.  Anong silbi?  Tapos nakita ko naman ang bago naming component. Nyemes!  Ang hayuf sa ganda!  Nakakaelib! Amp!  Pumasok ako sa kwarto para hanapin ang sisteret at brotherhood ko.  Hayun, may nakita akong kahon ng Nokia cellphone.  Syet! May bagong cellphone.  Amp! Kay erpat pala! Hahaha! Syempre nipakialaman ko naman daw agad at nilaro laro ang games.

Kung may binago o bago sa bahay, may binagyo din.  Yaong inidoro namin, hirap magflush.  Ekshelli, nagbabarado!  Kainis kaya!  Alam mo iyon, binilis-bilisan mo ang pagkilos para lang mawala sa iyong mata ang jebs mo at maiwasan na ang mabahong amoy nito, tapos andoon pa rin at lumulutang-lutan pa sa tubig! Argh! Kadiri ba?  Oo naman! Kaya, hayun tumawag agad sila ng mag-aayos sa poso negro (iyan ba iyong term?) .  Hayuf!  Sinipsip ng tubong iyon lahat ng jebs namin!  At takte! Ang baho tol! Ang bahooooooo!!! Pero natapos naman na ang pagsipsip sa jebs!  Kaya, hayun at tumigil na ang kabahuan world!

Wateber!  Wala akong masabi ngayon!  Bakit ganun?  Samantalang kapag matutulog na ako eh, saka naman nagsisilabasan ang mga maganda sanang iblog na mga happenings.  Kaso heto ngayon, wala ako masabi!  Ano ba iyan?  I’m speakless! Wapak!