Ang Paglalakbay ni Eloiski

Brrr… Berrr… September

Posted by: eloiski on: Setyembre 1, 2008

ANO NGA BANG MERON SA BRR BERRR SEPTEMBER????

Eloiski: Oh hayan at September na naman!  Ang bilis ng panahon parang kelan lang Bagong Taon tapos ngayon Ber ber ber na ang drama.  Kumusta ka naman daw?

Me: Hay, syempre sobrang saya. Wala kaya kaming pasok ngayon! Hahaha!

Eloiski: Masaya ka?  At bakit naman walang pasok?

Me: Aba’y malay ko.  Basta ang alam ko walang pasok! At dahil doon okey na okey sa olrayt ako ngayon.

Eloiski: Bakit hindi mo alam?

Me: Eh sa hindi ko nga alam eh. Ang kulit ng lahi mo! Letchugas ka!

Eloiski: Oo na po. Hihinto na.  Uy! September nga pala birthday ng tatay mo ano?

Me: Yep yep aw! hayun, uuwi siya ngayong buwan na ito.

Eloiski: Weh? Uuwi siya? Huwaw penge chocolates! Eh teka, ngayon mo na naman ulit makakasama papa mo sa birthday niya…

Me: Hmm… Oo nga eh.  Wala akong maisip na gep por hem.

Eloiski: Sa tingin ko, okey lang kahit wala kang gep por hem. Ang importante igreet mo siya. Baka mamaya makalimutan mo na naman ha?

Me: Shunga! Hindi ko kaya nakalimutan! At bakit ko naman kakalimutan ha? (Pahid-luha)

Eloiski: Eh kasi dati hindi mo siya nigreet?

Me: Anong hindi nigreet?  Gumawa kaya ako ng presentation para sa kanya.  KAso, ayun uminom na kasi. Lasheeng na siya.

Eloiski: So, hindi mo talaga nakalimutan?

Me: Hindi nga sabi eh! Sasakalin na kita diyan!

Eloiski: Nagulat talaga ako sa drama niyong dalawa ng papa mo! Da best pang Famas ang acting! Bonggacious!

Me: Sira! Hindi ko na napigilan luha ko eh.  Umiiyak na kaya si papa! Akala niya nakalimutan ko talaga! Kaya tampurorot to the max siya.

Eloiski: Hays! Change topic nga! Baka maiyak pa ako. (Singhot) Eniweys, dahil September na, greet na kita ng hebi bertdey para ako mauna!

Me: Huh? Hindi nagbebertdey ang tulad ko! Remember?

Eloiski: Ah basta! Malapit na! Magdedebut na siya!

Me: Shattupppp!!! Lalampasan na lang ng kalendaryo yan! Mas masaya ang Krismas. Uweeeee!!! Malamig na naman! May simbang-gabi ulit! At may exchange gifts… Hekhekhek!!! Gep ko ha?

Eloiski: Hay naku pinalitan agad ang topic…

Me: Uy magsimbang-gabi tayo ha. Gusto ko naman makumpleto…

Eloiski: Ay ayaw niya talaga pag-usapan… Bakit kaya???

Me: Tapos kain tayo puto bungbung (tama ba sfelling?) at bibingka…

Eloiski: Bakit ba kasi ayaw mo pag-usapan?

Me: Ay dapat may bunutan din.  Sinu-sino kaya isasali natin??? Hmmm…

Eloiski: Ay ayaw talaga niya pag-usapan…

Me: Samahan mo ko bumili ng gifts para kila mama, papa, basta lahat ng kakilala ko… ha ha ha???

Eloiski: Eh yung birthday mo?

Me: (Walk-out)

Ganyan ang sitwasyon kapag ako at si Eloiski ay nagsagupaan at nag-usap. Ayun! Para lang tanga!  Wala lang magawa… Hayyy…

Eniweys, Lumalamig na ang simoy ng hangin, magsisimula na naman ang mga bata na mangaroling.  Alam mo na kung ano gusto ko iparating! Merry CHRISTMAS SA INYONG LAHAT!!!  YUNG GEP KO HA!!! HIHIHI!

9 Tugon to "Brrr… Berrr… September"

yey! paskung-pasko din dito!

magbibirthday ka na rin? tapos pati tatay mo?
andaming ice-celebrate ah!

yep, pero di ngayong september…

kelan bday mo? advance happy birthday….
kay mama at papa mo at sau..

advance merry christams din….=)

ay doc, tapos na bday ni mama! si papa ang me bday sa september

haha. ang kulet. tara, pagusapan natin debut mu! yeeee! dalaga na!!! hahaha!!! ayus pala ang september eh, puro kainan…bertdei ng papa mu tas ikaw. haha! ayussss!

##

weh! di september bday ko!

wahaha~! mukang madaming na eexcite sa september ah..hmmm

hindi ako naeexcite sa september… sa december lang! hekhekhek!

wow magdi-debut na siya…dalaga ka na eloiski! san ang party?

sali ako sa exchange gift…yan ang tinatawag na web exchange gift….wahahaha

aperdey kay papang–>advance *wink*

weeee! sige web exchange gift!!!

pero paano kaya ayun??? isip ka ate!

oo na holiday kasi jan sa baguio nung sept 1 kaya wala kang pasok heheheheh

merry pasko sau eloiskeee hehehehe

wahehehe! kaw talaga ate, updated sa mga nangyayari dito sa baguio… hekhekhek!

merry pasko din ate!!!

uy, berdeyan at pasukan ang usapan. masayang topics yan, dito nga naglilista na rin kami ng mga pamasko, at simula na rin ang shopping (actually excuse lang yung ber para mag shopping, hehe.

pibertdei key Tatay! ang sarap naman kasi dyan siya makakapag-celebrate ng beeday niya. :)

uu nga, indi naman september ang beeday mo diba? parang may ba o jun? basta somewhere in between kaya nga nabili mo si cannon eh…tama ba? :D

Hehehe… Monologue ba tawag dito? sensha nabobobo si TeaCheR. Bakit ka pa hihingi ng gift eh may chokoleyts, bagong sala, Nokia fone, etc ka na!!!! pacheeseburger ka naman, iha.

Mag-iwan ng Tugon

Mga Naliligaw

  • 19,930 nilalang ang napadpad

Anong Latest?

Sali ka na!


Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
Display Pagerank

Kumusta siya?

Si Eloiski ay Kasalukuyang

korean cute comments

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)


I got this Ninja Bubs
from TheLordNick.com/Bubs

Makimundo!

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Add to Technorati Favorites

Anong Petsa Na?

Setyembre 2008
L L M M H B S
« Ago   Okt »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Kategoriya

Mga Nakiusyoso

Mga Nakiusyoso

View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile

Tumatakbo ang Oras

obj = new Object;obj.clockfile = "5010-red.swf";obj.TimeZone = "GMT-0400";obj.width = 222;obj.height = 66;obj.wmode = "transparent";showClock(obj);