Posted by: eloiski on: Setyembre 5, 2008
Ano nga ba ang Cooking Master Boy na ito? Oh well face towel, isa lang naman ito sa mga Anime na sadyang patok sa akin. Bakit hindi? Eh foods yan tol, foods. Ang kwento ay tungkol sa pagluto ng Chinese cuisine. Hayuf! Nakakatomjones ang palabas na ito. Akalain mong takam na takam sila sa luto ng ating bida. At ang kakaibang reaksyon nila anakngmalandingkambing wapak! sa exaggeration.

SETTING:
Ang istorya ay malamang sa malamang ginanap sa China (saan pa nga ba?). Ang bansang Tsina ay may apat na pangunahing rehiyon: Beijing (Olympics!), Szechuan, Shanghai at Guandong. Hindi ako familiar sa mga ibang rehiyon ng China. Sa mga nabanggit, Beijing lang ang nakatatak sa utak ko.
SUMMARY:
Nagsimula ang istorya na kung saan si Mao, ang ating bida, ay nakipagtagisan kay Shouan, ang masamang disipulo ng nanay ni Mao. Muntik na sanang mapasakamay ni Shouan ang kanilang restaurant kung hindi dahil kay Mao na napakagaling pala sa pagluluto. Iyon ang kauna-unahang pagkapanalo niya sa pagululuto. At dahil doon, pinunta ni General Lee si Mao sa Guangdong upang doon magtraining. Kailangan niya ng training para makuha ang titulong SUPER CHEF. Kapag super chef ka kasi, malamang sa malamang na magaling ka talaga. Sa Guangdong niya nakilala si Mei Li, ang kaibigan kuno niya at sa paglipas ng panahon eh nagiging lover na niya. Hayan at may lab story pang nalalaman si Mao. Doon niya rin nakilala si Master Ruoh at Master Chouyo (nakikimaster!) na pawang mga Super Chef. Dahil sa pagkapanalo niya sa contest ng dumplings at nalaman ni General Lee ang tungkol dito, isinabak na siya ngayon sa contest naa pagiging Super Chef. Nakasali siya sa maswerteng lima. Hanggang sa naging apat, tatlo at dalawa nalang sila ni Fei ang natira. Dahil magaling silang dalawa, hayun sinabing Super Chef na sila. At dito na nagsimula ang pakikipagsapalaran ni Mao upang palawakin pa ang kanyang kakayahan. Sa kanyang paglalakbay, kasama niya sila Meili, Shirou, Leon at Shell (Kung nais mong malaman kung sino sila, basahin mo na lang yaong mga characters ko!). At nalaman rin nila sa pagkakataong iyon ang tungkol sa Legendary Cooking Utensils na dapat nilang makuhang lahat at huwag na huwag man lamang ipahawak sa kamay ng Dark Cooking Society. Kung ano ang dark cooking society, i’ll explain it later. Nahanap na nila ang tatlong utensils. Ngunit, kailangan muna nilang ihinto pansamantala ang paghahanap sapagkat ang Beijing ay nanganganib na mapasakamay ng Dark Cooking Society. Dito kasi nakatira ang ating emperor. Hindi dapat mapunta sa Dark Cooking Society ang pagiging head chef ng emperor dahil kung hindi, baka makontrol na rin nila ang buong Tsina. Kaya, may nangyari na namang tagisan at ang kanyang kalaban pala ay si Fei na napakabait sa kanya noong Super Chef cooking contest. Kaya, ganoon na lamang ang kanyang pagtataka. Nagcontest at hayun syempre sino pa nga ba ang mananalo kung hindi sila Mao. At doon niya nalaman na hindi naman talaga kagustuhan ni Fei na maging miyembro ng Dark Cooking Society. Iyon ay dahil may ipinakain kasi sa kanya. Kaya itong si Mao nagluto na naman ng kanyng foodness at ipanakain kay Fei. Ayun, biglang gumaling si Fei at bumalik uli sa pagiging mabait. Dahil miyembro nga ng Dark Cooking Society si Feiat natalo pa siya, bilang parusa ayun sasamahan na raw niya sila Mao sa paglalakbay upang hanapin ang iba pang utensils. Bale si Mao, Mei Li, Shirou, Leon, Shell at Fei ay sama-sama sa Paglalakbay. Hanggang doon lang naman na. Bitin yaong ending mga tol. Asar nga eh. Wala pa atang katuloy. Hanggang episode 52 lang ata.
DARK COOKING SOCIETY

Ang Dark Cooking Society ay isang organisasyon na may layuning kontrolian ang buong Tsina sa pamamagitan ng pagluluto. Kahit na sila’y may malakas na impluwensya at kapangyarihan sa halos iba’t ibang panig ng Tsina, kinakailangan pa rin daw nilang kunin ang walong legendary cooking utensils upang maagkaroon sila ng mas malakas na kapangyarihan. Gagawin nila lahat para lamang sila’y manalo. Pandaraya o di kaya’y pumatay ng tao ay game na game sila. Sila ay may tinatawag na Dark Cooking Techniques na kung saan tanging miyembro at mga nakalaban lamang nito ang nakakaalam.
LEGENDARY COOKING UTENSILS
Noong ancient times, may meteor daw na hulog mula sa kalangitan at ang nakahanap ay Master Chef Shui Lei. Gumawa siya ng walong utensils gamit ang meteor. Napakapowerful ng ginawa niyang utensils kung kaya’t inilagay niya ito sa bawat sulok ng Tsina upang hindi ito pag-awayan. Tatlo pa lang ang nakikita or i mean pinakita sa palabas nalegendary cooking utensils. Ito ay ang:



CHARACTERS








Minor Characters:
Ayaw ko na silang iintroduce. Nitatamad na ako. Panoorin niyo na lang rin. Hekhek. Katamad eh. Basta ang masasabi ko lang ang ganda nito at masayang maging judge ng cooking contest. Amp!
2 | repah
Setyembre 9, 2008 Sa 2:46 umaga
napanood ko rin yan.. ang paborito ko dyan si zhi lao.. ang koolet nya… oi eloi.. ang ganda ng mga anime pics mo dito ilavit… awww
waheehehe!!! nakuha ko lang yang mga pics sa gogol! bwisit ako kay zhi lao! mayabang na ewan! amf!
3 | wei vines
Setyembre 9, 2008 Sa 12:54 hapon
nung una kong nakita yan… mas gugustuhin kong manood ng san goku…hmmm…
just a comment
Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
| ysrael sa Ang Kumplikado! Ang Labo! | |
| clarisse sa Ang Alamat ng Ampalayang … | |
| karmela sa It’s Raining Men! (… | |
| liches sa Download | |
| liches sa Download |
Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Albeo theme by Design Disease
Setyembre 8, 2008 Sa 8:34 umaga
Napapanood ko ‘to nung december 2007. Okey ‘to. Gusto ko yung character nung may-ari ng seven divine knives. Hehehe! Tsaka yung niluto nung kasama nya na siopao na tumatawa. Hahaha! Sino ba ‘yun?
ah yung dalawang iyon si shell at si hmmm, letse limot ko na!
basahin mo na lang sa taas kuya!
wafakels!!!
wateber!!!