Posted by: eloiski on: Oktubre 11, 2008
Nakakainis isipin na minsan mo na nga lang gawin ang isang bagay eh hayun at pipigilan ka pa. Hindi ko maintindihan kung ganoon na lamang ba kasama ang ginagawa ko at pati ang langit eh pinipigilan ako. Ang saklap ng buhay.

Masaya ako sa ginagawa ko pero yaong iba kaya nasisiyahan sa ginagawa ko? Malamang sa malamang eh hindi. Obvious naman eh, bakit nila ako pipigilan? Syempre hindi sila natutuwa! Amp! What a lifeness!
Nakakainis, nakakapikon at ang sarap grrrr!!! Minsan na nga lang ako magsaya dahil nga tapos na rin ang isang sem at heto pinigilan pa ako.
Ugali ko kasi na kumanta kanta kapag wala na akong projects, assignments, quizzes, exams at kung anu-ano pang kachurvahan iyan. Habang nag-iinternet ako at kumakanta kanta ng “Payong (tagalog version ng Umbrella!)” Oo corny na kung corny, eh bigla ba namang umulan. As in ulan ha. Ni hindi man lang umambon-ambon!
At ang mas malupit pa diyan, sinamahan niya pa ng hangin na oo malakas-lakas din kahit papaano. Nagulat ako syempre! Putakte!
At ang mas malupit na malupit pa diyan eh noong kakanta ulit ako at binibigkas na ang lyrics na “Hindi na hindi hindi hindi hindi…”. Kablooog! Akalain mong kumidlat at kumulog pa.
Pucha! Ayaw talaga akong pakantahin! Ganoon na lamang ba kasama ang boses ko! O baka naiinggit lang si Kulog sa golden voice ko? Aminin!
Okey lang kung ibang tao pero ibang bagay na ito eh. Langit na ang nagjujudge! Wapak!
Wateber! Babagyo pa ata! Oh it can’t be! Ang daya! Dapats a sembreak hindi bumabagyo. Dapat kapag may klase at may mga quizzes o pasahan ng projects! Amp! Wrong timing ka talaga!
Masaya ako ngayon dahil BAKASYON NA! Yehaaa!!! debidi marathon na ang drama ko! Ang dami ko nga palang biniling debidi. Umabot ng limang daan nagastos ko at lahat yaon ay pawang ANIME! Oo adik ako sa anime! Iyan lang naman isa sa kasiyahan ko eh! ANIME! Tama ba ako, Batopik? Marife?
Pero, hindi naman ako ganoon kasama bumili rin naman ako ng orig na vcd. Syempre yaong tig-100 o 99 o 75 pesos lang ang presyo. Yaong pinaglumahan na ba!
At dahil bakasyon na, asahan niyo na ring bibisitahin ko na ang bahay-bahay niyo at mamamalimos ng pamasko!
Bye bye!
2 | kirksydney
Oktubre 17, 2008 Sa 9:40 umaga
Uy nasa list mo na pala ako. Cge add din kita saken.
kk…
3 | FerBert
Oktubre 17, 2008 Sa 1:36 hapon
magbeach ka..
ipauso mo.. beach sa buwan ng okrubre.. hehehe
pwedeeeeeeeeeeee
4 | eph
Oktubre 18, 2008 Sa 2:45 umaga
buti bumagsak na puno kasabay ng kidlat
diba magcoconcert si rihanna dito sa pinas, ano kaya kung special guest nya yung kumanta ng pinoy version ng umbrella! kwela yun!
hahaha! kayanin kaya ni ms. ganda un?
5 | Wacky
Oktubre 20, 2008 Sa 2:34 umaga
Oo nga eh. Minsan minsan na lang, pinipigilan pa. hehehe… kumanta ka na lang kaya sa loob ng banyo nyo, at least shower ang tubig, indi ulan. hehehe…..
6 | angel
Oktubre 26, 2008 Sa 1:50 hapon
korek ka dyan! bakit kasi hindi pa umulan bumagyo a kung ano man kachuvahan ekek na yan kapag pasahan ng projects, assignments at mga kachorvahan ng mga prof.
Minsan nangyari yan kay kuya nung kumakanta sya sa school, pahiyang pahiya pa sya kasi nasa stage sya at ang daming nanonood..
buti ikaw sa bahay lang
Ang blog na ito ang kasagutan sa kahirapan ng Pilipinas at tutugon sa bawat problemang kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Ang bawat komentong inyong maibibigay sa bawat entry ay mapupunta sa mga sumusunod: 2% sa BantayBata 163, 5% sa DSWD, 7% sa Kapuso Foundation at ang matitira ay mapupunta sa alam mo na, sa mabuting kamay ni Eloiski. Kaya, ano pang hinihintay niyo, suportahan na natin ang blog na ito! Isang komento sa bawat entry lang po para sa kinabukasan ng mga Pilipino. Bawal rin po ang mangopya at magnakaw ng mga isinulat ko dito pera na lamang kung ika'y magpapaalam. Kung ginawa niyo ang pagnanakaw, humanda ka! Si God na ang bahala sa'yo. :-)
| ysrael sa Ang Kumplikado! Ang Labo! | |
| clarisse sa Ang Alamat ng Ampalayang … | |
| karmela sa It’s Raining Men! (… | |
| liches sa Download | |
| liches sa Download |
Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Albeo theme by Design Disease
Oktubre 16, 2008 Sa 7:01 hapon
nyahahahahha! pikon ka na aba?
hindi pa naman… malapit na! aw!