Notbuk ni Eloiski


Maglaro Tayo!

Bago pa man lumanding sa mundong ibabaw sila PSP, Nintendo Wii, PS3, XBOX, Gameboy at iba pang mga makabagong game consoles, meron na tayong orig na laruan na talaga namang kinaadikan ko noong ako’y bulinggit pa lamang at uto-uto sa mga pinagsasabi ng mga nakatatanda. Ito ay walang iba kundi ang…..

Kung iniisip mo na ito’y isang produkto mula sa mga Tupperware at Orocan, pakamatay ka na. Isa ito sa pinakadabest na game console na ever na ipinanganak. Ito ay walang iba kundi ang FAMILY COMPUTER. First time kong nagkaroon nito noong dumating erpat ko galing Saudi noon at dala-dala niya ang laruang ito (Hindi ko na matandaan ang year basta ang alam ko mga grade 3 ata ako noon!). Syempre tuwang-tuwa ako to the highest level over. Pero pero pero, hindi ganyan yaong hitsura niya medyo mas moderno ng kaunti.

Naadik talaga ako sa larong ito at para akong engot na naghihiram ng bala sa mga kakilala ko. At kapag nahiram ko na, syempre hindi ko na ibabalik lalo pa’t nag-enjoy na ako. Pero mas natuwa ang inyong lingkod na tsikiting noong nabilhan siya ng 32 in 1 games na bala. Pucha! Halos magtatumbling ako sa tuwa. Pero sa aking pagkadismaya, hindi pala iba-iba ang laman ng naturang bala. Iniba-iba at nagdagdag lang sila ng ilang mga salita para kuno ibang laro daw. At dahil nga shushunga shunga pa ako noon ay hindi ko alam na ganoon pala. Pero kahit na, basta may bagong bala masaya na ako noon.

May mga laro sa Family Computer na naging peborit ko nang bonggang-bongga. Ito yaong mga laro na naging reyna ng family computer ang titulo ko. Yaong tipong ako yaong kadalasang nakakatalo sa kanila o di kaya nama’y nakakatalo sa pesteng karakter na pinapatakbo ni family computer. Ang mga larong ito ay:

SUPER MARIO

Elib na elib to da max ako kay Super Mario dahil kahit ilang beses siyang mauntog sa mga bricks na iyan ay hayun at going strong pa rin siya. Mahilig siyang magtatalon-talon at pumasok sa mga tunnel. Hindi niya kelangan ng Cherifer para tumangkad dahil may mga kabute naman na nakatago sa mga bricks. At mas bonggang-bongga eh may flower pa na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan para puksain ang kasamaan at iligtas ang prinsesa. Sa kasamaang palad, kahit na anong gawin kong pagtalo sa dragon na iyon eh ayaw pa rin ibigay sa akin ang aking prinsesa. Nakanamputcha! Nasa ibang kastilyo pa daw!

BATTLE CITY

Trip ko noon ang makipagbaril-barilan at dahil diyan natipuhan ko ang larong ito. Pwede itong laruin na mag-isa ka lang kung selfish ka o di kaya nama’y pangdalawahan kung duwag ka. Ang goal mo sa larong ito ay protektahan ang base mo at iyan ay walang iba kundi ang agila, at barili-barilin ang mga letseng kalabang tangke na gustong bombahin ang base mo. Pero ang mas masaya pa dito eh pwede kang gumawa ng sarili mong mapa ba iyon basta ganoon. Ginawa ko dati para surewin ako eh pinalibutan ko ng semento ang base ko tapos pinalibutan ko pa ng tubig tapos pinalibutan ko pa ng grass. At hayun! Para kang nagCeelin, protektado!

TETRIS

Hindi ako masyadong nag-enjoy sa larong ito. Ang boring naman kasi at hindi ka man lang maeexcite. Ang dali lang naman ng goal dito eh. Iyon ay dapat makabuo ka ng straight line para mabawasan ang iyong blocks at hindi nito maabot ang kataas-taasang lugar na maghuhudyat sa iyo ng GAME OVER!

ICE CLIMBER

Ang larong ito ay tungkol sa dalawang eskimo na may hawak hawak na ice pick? para sira-sirain ang mga blocks, gayundin para patay-patayin ang mga bwisit na creatures na sisira sa mga diskarte mo. Asahan mo din riyan ang mga nahuhulog na mga yelo para ika’y patayin. Ang goal mo naman dito eh makarating sa tuktok ng bundok at magpahuli sa uwak. Mas masaya ito lalo na kung nag-uunahan kayo ng co-player at ang mahuhuli, kawawa naman.

ROAD FIGHTER

Ito ang isa mga laro na sobra akong nag-enjoy kasi racing eh. Mahilig ako makipag-unahan at higit sa lahat mahilig ako umiwas-iwas at mangaliwa. Kailangan mo rin ang fuel para makarating sa finish line na siyang goal mo. Pero ako may ibang goal at ito’y walang iba kundi huwag magpabangga at imaintain ang bilis para lumabas si SUPERMAN. Oo, gulat to the max ako noong lumabas si Superman at nakikipag-unahan din sa akin. Syempre, siya ang nauna! Amp!

CIRCUS CHARLIE

Natuwa ako sa larong ito lalo na sa pinakaunang level na kung saan kelangang makatalon ka sa umaapoy na circle kasama ang leon na napaamo. Ang saya lalo na kung hindi siya nagtagumpay dahil hindi siya nakatalon ng tama at masusunog. Ang kyut ng music parang ako. Nakakatuwa ang bawat level nito. Hindi ko pa alam kung ano ang ending ng larong ito dahil shushunga shunga ako.

Marami pang mga laro na talaga namang tumatak sa isip ko pero hindi ko na alam ang title eh. Basta yaong mga itsura alam ko pa rin. Ay ayun naalala ko na yaong Pacman, Galaga, Bomberman, at yung gagong aso sa Duck Hunt! Kabwisit nun! Sarap sapakin!

Kung dati-rati ako ang reyna ng mga larong ito sa amin, yaong tipong tatawagin pa ako kahit lumalamon para lang patalunin ko itong si Super Mario at nang maiwasang mahulog siya sa bangin. Iba na ngayon dahil tila isang bebi na kakapanganak ang lagay ko dahil tila ignorante na ako sa mga laro. Ekeshelli, yaong mga kapatid ko na ang magaling eh. Paano gameboy na lang inatupag nila. Hindi bale hindi pa naman ako nahuhuli, mayroon pa naman diyan ang ZUMA.

(Kaaliw ng musika, mapapasayaw ka pa!)


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

astig! nakaka miss! hahaha!

Comment ni icezorg

anung larong pang gameboy ang pwede sa computer

Comment ni paolo




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>