Isinalansan sa: Chismax Episode, Emo Moment Episode, Iskul Bukol Episode, Serious Episode
Ang tagal kong nawala
Napansin mo ba?
Kung hindi, malamang wala ka namang pakialam sa akin.
Sino ba naman ako para maalala mo?
Para mamiss mo?
Para hangaan mo?

Hindi naman ako tulad ng mga bonggacious na mga blog na nagkalat dito sa blogosperyo na kung saan sandamakmak ang kanilang mga taga-sunod at mga fans. Yaong tipo bang nawala lang ng dalawang araw eh parang uod na hindi mapakali ang kanyang mga fans at andoon nagsisigaw ng “We want more! More! More! More!”
Sa kabilang banda naman,
Kung oo ang iyong sagot, salamat.
Buti naman at napagtyatyagaan mo ang mga entry kong napakawalang kwenta. Minsan nga parang ewan lang at mapapatanong ka ng, “Anong klaseng drugs ba ang natake nito?”. Hindi ko nga alam kung saan ko nahuhugot ang bawat salita na nasasalitype ko dito. Ni hindi ko alam kung tama pa ba ang grammar at spelling ko. Basta ang alam ko ako ang nagsulat ng mga nandito sa blog na’to syempre pera na lang ang mga komento na sinalitype niyo. At basta ang alam ko natutuwa ako sa anumang sinasalitype ko dahil nasasabi ko kung ano ang gusto kong sabihin. Yun lang. Yung lang ba?

Sa tuwing nag-iiwan kayo ng komento’t bakas niyo dito sa aking hindi kagandahan at parang ewang blog, natutuwa ako. Natutuwa ako dahil nga kahit medyo besi-besihan kayo at napakadami namang blog na pwede niyong bisitahin, eh napili niyo pa ang blog ko para paglaanan ng libreng oras niyo, o baka naman sadyang wala lang talaga kayong magawa at aksidente kayong napadpad sa blog na ito. Kahit ano pa man ang rason niyo, salamat pa rin.
Nakakatuwa ring malaman na dahil sa blog nagkakaroon ako ng kaibigan online. Kelangan ko pa bang banggitin kung sino ang mga yun? Huwag na! Kilala niyo rin naman. Kung dito sa blogosphere eh medyo may kadaldalan ako at mahilig makipagsatsatan at makipagcomment, dito sa offline world eh ako naman yaong tipo ng tao na may pagkaloner at introvert. Mas naaappreciate ko yung mga komento niyo dito sa blog ko kaysa naman yung mga testimonials at comments na natatanggap ko sa Friendster tulad ng “Thanks for the add”, “Thanks for dropping by!”at ang walang kamatayang mga kaartehan na Friendsturrr messages.
Bakit nga ba ako nawala?
Kelangan pa bang tanungin iyan? Syempre estudyante ako at malamang na nag-aaral ng mabuti. Habang may oportunidad pang mag-aral, abaý go go go lang. If there’s an opportunity, grab it!

Yun lang ba?
Yun lang nga!
Hala, sige at mabisita na nga kayo…
Isinalansan sa: Ang Techie Episode, Chismax Episode, Kalokohan Episode, Lablyp Episode, Laro-Laro Episode
Waaah! Bakit? bakit? bakit?
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pang gusto kong mag-ipon at magpayaman muna?
Bakit ngayong gusto ko munang mag-aral ng mabuti?
Bakit ngayong gusto ko munang magpakanerd?
Bakit ngayon pa?
Pwede namang sa susunod na lang di ba?
Bakit ngayon ka pa umatake?
Bakit???
Nakakainis ang pusong ito?
Hindi marunong prumeno.
Gusto niya todo-todo walang preno. Amp!
Gusto ko talaga siya!
Kelan ka kaya mapapasaakin?
Kelaaaaaaaaaaaaaan?????????????

Huwag kang mafeeling lalaki ka!
Hindi ikaw kundi yang hawak mo?

Waaah! Gusto ko magka-PSP!
Kung hindi ko na mapigilan sarili ko.
Baka lumabas na ako at magwithdraw.
At makakasama na kita!
Pero huwag muna! Huwag! May balak pa ako!
Tiis na lang muna! Huhuhu!
–Pinakashort entry ko na ata ito ah!–











