Isinalansan sa: Kalokohan Episode, Laro-Laro Episode, Piktyurs Episode, Share-Sharan Episode, Tagski Tagshing Episode
Ang lufeet! Hindi ko inaasahan pero bigla na lang nagyayari. Akalain mong pangbeauty queen pala ang inyong lingkod? At bakit naman? Iyon ay dahil sa dami ng awards na natanggap ko. Parang hakot award ang nangyari.
Wala naman akong sinalihang beauty pageants pero heto at inaambunan ako ng awards. Awards na kakaiba at kailanman sa buong mundo hindi maibibigay at malabong iaaward sa mga contestants ng Beauty Pageants. Except sa akin. (Nangangarap na naman…)
Kakaiba talaga ako. Wafakels! Chumechever na naman.
Syangaps, heto pala ang pangbeauty queen kong award.
Ito ay award mula sa aking ninong online. Sabi niya wala daw siyang maibibigay na gift sa akin ngayong Krisismas. Kaya heto at binigyan niya ako ng kandila na nasa loob ng erlenmeyer flask vase at tinubuan pa ng mga flowers sa baba. Kakaibang vase din ito. Bakit kamo? Eh imbes na ilagay si flowers of my life sa loob ng vase hayun at nasa baba at naghehello pa sa akin. Tinag din pala ako ng babaeng puro idlip at siya’y walang iba kundi si Idlip. Maraming salamat!
Hindi pa nakuntento ang aking dakilang ninong at binigyan niya pa ako ng hugis bolang kulay dilaw at may nakadrawing na abot hanggang hmmm mata ang ngiti wala naman kasi siyang tenga! Nangangahulugan lang ata na walang maibibigay ang ninong ko ngayong Krisismas. Nagulantang nga lang ako nang mabasa ko ito “For showing kindness and spreading happiness”. Ako nga ba iyon? Mabait ba ako? Nagbibigay ligaya? Ay ewan. Pero dahil sabi ni ninong eh di sige! Kapal!
The rules of this award: (Ang batas militar!)
1. Put the logo on your blog or post. (Ilagay ang logo at huwag kung anu-anong piktyur!)
2. Nominate at least 10 blogs which show great attitude. (Tagtagin ang 10 blogger na sa tingin mo eh tatanggapin at ilalagay ito! Huwag kumontra!)
3. Be sure to link to your nominees within your post. (Ilink ang mga blogger na iyon sa post mo at huwag ka mag-inarte minsan mo na nga lang sila pasikatin sa blog mo kaya lubos-lubusin mo na!)
4. Let them know that they have received it by commenting on their blog. (Magcomment sa kanila para naman masabi na natag mo sila. Sabihin mo ring huwag silang umarte-arte dahil pasalamat sila napili pa sila! Hmp!)
5. Share the link of the person from whom you received your award. (O hayan Pinay Blogera!)
At ito naman ay galing sa isang blogera. Pinay na blogera. Na walang iba kundi si Pinay Blogera. Hiya pa daw siya na itag ito sa akin. Amp. Willing naman ako tanggapin ang mga tag na iyan basta huwag lang nosebleed. Ikakamatay ko talaga. Natuwa ako sa award na ito dahil pati ang cart ng lemonade eh iniaaward na rin. Mas masaya sana kung totoong cart ng lemonade para magbenta ako dito. Ano ba yan? Pangkabuhayan showcase? Pwede! Basta ba yayaman ako dito! Okey na okey para sa sipuning katulad ko. Arigatou Gozaimasu!
At ang maswerteng nanalo natag ayon sa raffle ay walang iba kundi sila:
1. Ninong Homebodyhubby
2. Ate Yeye
3. Kuya Eph
4. Aling Baby
5. Ate Angel (hey pati yaong dalawang award na nasa itaas ha! Bale tatlo lahat!)
6. Ate Batopik (hey pati yaong dalawang award na nasa itaas ha! Bale tatlo lahat!)
7. Ate Repah (hey pati yaong dalawang award na nasa itaas ha! Bale tatlo lahat!)
8. Kuya Taympers
9. Kuya Juan Alberto
10. Kuya Mc
MARAMING SALAMAT SA PAGTAGTAG NIYO! SANA NAMAN IYONG MGA TINAGTAG KO EH MAGTATAGTAG DIN PARA TAGTAGAN ANG BUHAY NATIN.
Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>












[...] mapunta naman ako sa bahay ng inaanak-online ko at ni-tag nya ako, aba eh dito’y nagsimula na akong mapuyat sa pagmumuni-muni ng [...]
Pasa ni Tulak « mayaman pa sa daga Disyembre 4, 2008 @ 4:33 hapon