Isinalansan sa: Chismax Episode, Kalokohan Episode, Share-Sharan Episode
Malapit na naman kasi ang New Year oh. At hayaan nandyan na naman ang mga hula-hula na mula sa mga syempre manghuhula. Sa totoo lang naman, hindi naman lahat ng hula nila nagkakatotoo. Maniwala ka! Hindi lahat! Minsan nga lahat sablay eh.
Bakit kelangan niyo pang maniwala kay Madam Auring na tanging ang ipinagmamalaki ay ang kanyang kaasiman? Si Madam Rosa, may nagkatotoo na ba sa mga sinabi niya? Teka kilala niyo ba siya? Ako, hindi eh. Naririnig ko lang pangalan niya.
Eh si Nostradamus, kilala mo? Syempre oo! Sabi nila, yaong mga sinasabi niya nagkakatotoo daw. Pero hindi yata lahat literally niya sinasabi. So ibig sabihin pag-iisipan ka pa niya. Marerealize mo lang yaong mga prophecy niya kung tapos na nangyari yaong hula niya. Sakit naman sa ulo nun.
Pero mga tsong, tsang, may kilala ako. Hindi na niya kelangan pa sabihin sa madla na may asim pa siya, kasi kitang-kita naman eh. Bonus factor na rin dahil cute siya. Hindi man siya sikat pero sisikat pagkatapos niyang masabi ang kanyang mga hula (Ito medyo malabo atang mangyari!). At higit sa lahat hindi ka niya papanosebleedin dahil literally niyang sasabihin ang hula niya. Kilala mo na ba siya? Hindi mo kilala? Ay shunga! Basahin mo yaong title. Iyon, siya ang tinutukoy ko. Hindi mo pa rin gets. Ay anakngmalandingkambingangsarapsapakin!

Ako po ang inyong lingkod na si Madam Eloiski. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo po lamang. Oh ano? Ready ka na ba sa mga hula ko? Hula ko oo eh. Heto na ang mga hula-hula ayon kay Madam Eloiski:
- Hindi mawawala ang gutom at iskwater sa buong mundo.
- May ipapanganak na sanggol na lalaki bukas. Iiyak siya tapos may puputulin sa katawan niya.
- Ayon sa palad mo, kahit hindi ko man ito nakikita ganyan kasi ako kagaling eh, maraming guhit ang mga palad mo.
- Sisikat na naman ang araw sa east at lulubog na naman sa west.
- Sa ika-4 ng Marso, 2009, may mamamatay sa Japan at mabubulok ang bangkay niya sa paglipas ng panahon.
- May papasok sa lahat ng branch ng SM bukas tapos bukas ulit at sa susunod na bukas pa.
- May dadaang sasakyan sa EDSA sa ika-14 ng Pebrero 2009.
- Si Pangulong GMA at Barack Obama ay iinom ng tubig bukas at magbabawas na rin.
- May bagyo na naman sa taong 2009.
- At heto malupit sa lahat, binabasa mo, oo ikaw, ngayon ang post na ito.
Kung hindi man nagkatotoo ang lahat ng iyan, oo kahit isa lang (ang yabang ko!), tatalon ako sa eroplano. Ay wait. Hindi pala sa eroplano, gagastos pa ako. Sa building na lang ng school namin. Oh hayan! Talo ko na ba sila Madam Auring, Madam Rosa at Nostradamus? Wapak! Ikaw may prediction ka rin ba?
Isinalansan sa: Ebents Ito Episode, Family Affairs Episode, Kalokohan Episode, Share-Sharan Episode
Noon pa man hilig ko na talaga ang putukan na iyan. Masaya kasi para sa akin ang maingay. Aba bihira lang kaya mag-ingay ang mga tao ng sabay-sabay kaya makisali ka na rin no.
Para sa amin hindi sapat ang ingay ng torotot, ang busina mula sa mga sasakyan, ingay ng lata na ilalagay sa bike tapos roronda. Naniniwala kasi kami na dapat may paputok talaga. Iyong maingay ba. Tulad ng sawa. Kasi pampaalis malas. At para palayasin ang masasamang espiritu. Kahit na alam namin na delikado talaga, hindi talaga namin maiwasan eh. Hekhek! Iba kasi ang hatid ng paputok sa amin. May pagkachekwa kasi ang mga tao sa amin.
Ang naiinis lang ako sa iba, bakit kelangan pa nilang magsunog ng gulong. Hindi naman iyon nagcrecreate ng noise ah. Liwanag oo, pero ang labo eh. May City Lights naman ah. Bakit hindi sila bumili sa amin. Hmp!
Naalala ko noong nakatira pa kami sa bahay ng lolo ko. Ang nanay ko bibili ng maraming paputok sa Bulacan (panigurado hindi supot!) pero hindi namin papaputukin iyon lahat kundi, ibebenta. Kapag ako nagbebenta, akalain mong ang daming bumibili. Nagulat nga ako na may gusto ba namang bumili ng sampung piraso ng sinturon ni hudas yung sawa. Wapak! Back-out ako at sinabing balik na lang po kayo mamaya kasi wala ermat ko. Hindi ko naman kasi alam kung saang lupalop ng Pilipinas nilagay ng nanay ko ang ilan sa mga stocks niya ng paputok. At swerte bumalik yaong mama at bibili talaga ng sampu!
Kapag alasais na ng hapon, oras na para tumira este magpaputok ng watusi ng mga pinsan ko. Ang dami nilang nalalaman sa watusi. Ilalagay nila sa loob ng dalawang kamay nila saka ikakalog-kalog. Minsan nga eh bibili sila ng isang karton ng watusi, ilalagay sa lata at sisindihan lahat. Woohoo! Hayun sunog din agad ang pera nila. Bleh! Naalala ko pa, minsan dumikit sa kamay ko yaong watusi. Syempre ako shake shake ng kamay hanggang sa napunta doon sa babae na nataong naparaan sa amin. Parang may epilepsy yaong babae sa nyerbyos. Magtatago sana ako eh. Kaso hindi ako ganoon kasama kaya, hayun at nilapitan tinulungang hanapin sa katawan niya yaong watusi. At nagsorry na rin. Wapak! Buti hindi nagalit. Ang cute ko kasi eh.
Wala pa lang alas dose, ilalabas na ng lolo ko ang mga bangko namin at ihaharang sa kalsada para wala ng umistorbo sa inuman nila. Inilabas ang pulutan, bumili ng alak, at hayun solve. Inihelera na ng lolo ko ang mga paputok sa daan para sabay-sabay na sisindihan. Pero noon lang iyon, kasi hindi na namin kasama ang lolo ko ngayon. Iniwan na niya ang mundo ng mga mortal.
Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

Isinalansan sa: Chismax Episode, Ebents Ito Episode, Piktyurs Episode, Serious Episode, Share-Sharan Episode, Tagski Tagshing Episode
Malapit na naman ang Kapaskuhan. At dahil diyan, hindi nagpahuli si Eloiski at sumunod din sa uso na kumakalat ngayon sa blogosphere. Kung wishlist ang sa tingin mo’y tinutukoy ko, malamang mali ka dyan. Tapos ko na iyon eh. Gusto mo silipin baka naman saka-sakaling matupad mo ang ilan. Kung matupad mo man, aylabyu so much ng bonggang bongga.
Ay balik na tayo sa topic. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang pagsali ko sa 2008 OTWOMD Christmas Tree Blog Parade ni Bluepanjeet. Hindi ko pa nabibisita ang blog niya pero dahil dito malamang na dapat ko na atang bisitahin.

Chikiting pa lang ako’y may paborito na akong puno. Ito yaong puno na lumilitaw lang kapag ang buwan ng Disyembre’y parating na. Obvious naman na siguro. Syempre, ang paborito kong puno ay walang iba kundi ang Christmas Tree. Hindi kasi siya basta-basta puno lang. Ang dami niya kasing nakasabit na mga bolaballs burloloy eh at akalain mo yun umiilaw-ilaw pa at bumiblink blink. Hindi pa nakuntento at pati ang ibabang parte niya’y napapalibutan ng mga regalo. Regalo na mula kuno kay Santa Claus.
May nagawa na kasing mabuti ang Christmas Tree sa akin kaya ganoon siya kaimportante. Or should I say ang mga bolaballs niya ang may naitulong. Ganito kasi iyan. Habang inaayos ng aking lolo ang Krismas Tree, kinuha ko muna ang mga bolaballs at nilaro-laro. Sabi ko, pwede itong gawing jackstone ah. Pero anakngmalandingkambingnabinuhusanngkamalasan eh hindi pala ako marunong magjackstone kaya hayun. Binounce bounce ko naman daw ang mga bolaballs at ginawa ang dapat na gawin sa jackstone. Try and try lang aking drama hanggang sa ako’y naging succesful sa aking hangarin at sa wakas ay marunong na rin akong magjackstone. Weehee! Hanggang ngayon, henyo pa rin ako sa ganyang bagay at talaga namang hindi papahuli ang aking mga expedition. Gusto mo malaman? Huwag na! Mahirapan ka pa!
Tama na nga ang satsat at heto irarampa ko na ang humble christmas tree namin. Hindi siya kalakihan, hindi rin kaliitan. Simple lang pero puno na yan ng pagmamahal. Naks, chumechever ka na naman!

Ang nagdesign ng aming Humble Christmas Tree ay walang iba kundi ako. Isama na rin natin ang sister ko at aking brotherhood at si Inang Mother. Kita niyo naman siguro ang mga burloloys niya na hindi naman ganoon karami at kabongga. Sinabitan namin siya ng mga bolaballs na color red at gold. Tapos pinaikutan ng lace parang nagbabalot ng mummy. At hindi syempre mawawala ang Christmas Lights. Tapos sa baba naman hayun at may mga regalo. Mabilisan na pagbihis ang ginawa ko sa kanya dahil I’m on a hurry. Kaya medyo hindi ganoon kaayos. Pero, kait ganyan iyan, may cooperation din naman na naganap noong itinatag (pangit ng term) namin ang Christmas Tree namin. Tingin sa taas at makikita niyo si elektikpan. Eelektikpan niya daw si Krismas Tree para hindi mainitan kahit na malamig naman. Amp!

Heto siya kapag niswitch on mo ang kanyang ilaw-ilaw.
Trip mo rin ba ang ganitong parada at ipagmalaki na hoy may krismas tree din ako? Aba’y sali ka na rin sa parada para marami tayo! Hekhek! Go go lang!
This is the 2nd Annual OTWOMD Christmas Tree Blog Parade 2008 Meme created and conceptualized by OTWOMD of Bluepanjeet.Net The purpose of this meme is to enliven the Christmas spirit by showing to the world our very own Christmas trees. They say that it is on the Christmas tree that best describes how a person celebrates his or her own Christmas.
This meme was originally conceptualize in order to:
- Promote the spirit of Christmas around the blogosphere
- Spread awareness of the true meaning of the Christmas Tree
- Encourage the family members to have a bonding around the Christmas tree
- promote Christmas cheer and camaraderie among bloggers
Everyone can join regardless of nationality, race or religion. Even Atheists are welcome to join. So here are the rules:
- Copy the Logo of this meme and resize it that will best fit your blog or according to your desire and post it on your entry. You can also embed the official video presentation of Last year’s blog parade in your current entry (optional) Located HERE.
- Take a photo of your Christmas tree inside your house not smaller than the size of 500×375 pixel (for cropping purposes for the parade). It would be better but not required to at least take three different shots of the three (landscape, portrait and detailed shots). A whole body shot of the Christmas Tree is the most appropriate photo. And then post it on your blog entry
- Tell something about your Christmas tree like who decorated it, what are the ornaments and accessories, or what is the theme and meaning of your Christmas tree this year.
- You can put any title on your meme but don’t forget to include “2008 Christmas Tree Blog Parade”.
- Do the link train history for the purposes of tracking. Last year there were people who where not included because the people who tagged them did not do this link train (Please refer to last year’s blog Parade). Put the link of your previous bloggers who tagged you and your own link, Example: Tag History: Bluepanjeet – “you” -
The link train will provide clue on “who tagged who” and at the same time a reference of data for the creator of this meme.
On The feast of the Epiphany (Three Kings) on January 4, 2009 (The official ending of the Christmas Season), Bluepanjeet.Net will will feature all of the participant’s Christmas trees for 2008 with a link back to their site. That is why it is very vital that you maintain the link history so that your Christmas tree will be included in the Christmas tree blog parade of 2008.
REMEMBER:
1) Christmas tree photos used last year cannot be used this year. Your Christmas tree photos should be current.
2) You can do this on your other blogs if you have two or more blogs provided that the people tagged on one blog should not be tagged on the second blog etc etc. each blog should have a different set of people to be tagged.
So tag now, you only have one month to spread this meme.
My Christmas Tag History: Bluepanjeet – Chuvaness – Rhapsody – Jovi – KotsengKuba – Stine – Ambo – Thess – Thesserie – Lola Tekla - Reynz – Reyna – Vera – Kengkay – Dom – Mommy Girlie – Sardonic Nell – Tulipfleurs – Buraot – Mommy Beng – Lemback – Cheh – Lovelle – Zenaida – Karmi – Liz Cochico – Health freak Mommy – Francine – Diwa – Chuva – Scarty – Monica – Claire – Sandy – Jams – Munchkin Mommy – Kitty – Roselle – Rachelle – Leah – Misyel – Bing – Tina – MegaMom – Brother Utoy – Eloiski – “and You” (Put your link here)!









