Isinalansan sa: Chismax Episode, Ebents Ito Episode, Emo Moment Episode, Galit-Galitan Episode, Kalokohan Episode, Serious Episode

Dear Santa,
Akala mo hihingi ako sa’yo ng gift. Akala mo hihiling ako at aasa na sana eh mapadpad ka dito sa bahay namin. Pwes, akala mo lang iyon. Hindi na ako naniniwala sa’yo. Inaamin ko noog ako’y isang hamak na chikiting pa lamang at uto-uto sa pinagsasabi ng mga oldies, napaniwala mo ako. Hindi ka pa nakuntento at idinamay mo pa ang mga magulang ko sa kalokohang ito. Sobrang napaniwala ako sa iyo noon. At dahil nga naniwala ako sa’yo noon, ginawa ko yaong ginagawa ng mga ibang bata na kung saan magsasabit sila ng medyas. Natural, gaya-gaya kasi ako at curious na bata. Matalino kasi ako (huwag kang kumontra!). Oo, ginawa ko iyon at umaasang baka mapadaan ka sa bahay namin at hulugan mo man lang kahit kendi, kahit isang pirasong kendi, ang medyas ko. So, kinuha ko nga ang medyas ko at hindi lang isang medyas kundi dalawang medyas para mas masaya at mas marami sana akong matanggap so bale dalawa na. Umagang tapat pa iyon at sinabit ko sa puno namin sa garahe. Tuwang-tuwa kami. Kami? Oo kami kasi pati mga pinsan ko nakisali rin sa pakulong ito.

Kinabukasan, dali-dali akong lumabas ng bahay at pinuntahan ang puno. At hayun, nakita ko na lamang ang puno. Oo tanging puno na lamang at ang mga medyas nami’y nagsiwalaan. Kung nasaan ay hindi nami alam. Hindi naman ganoon kabaho ang medyas ko ah. Ang totoo niyan bagong laba pa para sana mas matuwa ka sa paglagay ng kung anuman ang ilalagay mo. Ewan ko lang sa medyas ng mga pinsan ko pero malamng malinis naman iyon dahil wala naman akong nakitang dumi. Ang puti-puti pa nga eh. Sana naman kung ayaw mo man kaming bigyan ng gift, huwag mo naman sanang kunin ang medyas namin. Malamang nainggit ka sa cute naming medyas pero bakit mo nga naman nanakawin, eh ang liliit ng mga iyon. Marami namang nagkalat diyan sa mga bangketa na mga medyas na kasyang-kasya sa higante mong mga paa. Pero, ang alam ko na mga masasamang loob ang nanungkit ng mga iyon. Masasamang loob na pinigilan ang kaligayahan namin. Okay lang naman kung walang laman pero huwag naman sana nawala ang medyas namin. Sana naman pinrotektahan mo. Huhuhu.

Kaya ngayon, hindi na ako naniniwala sa’yo. Isa ka lang fictional character character na kahit kelan ay hindi magkakatotoo. Amp. Kaya wala akong hihilingin sa’yo. Huwag mo pa lang galit ako sa Krismas. Ekshelli, love na love ko ang Krismas. Huwag mo ring isipin na galit ako sa’yo, nagtatampo lang kasi pinapaasa kaming mga bata at binubuhay sa mundo ng ilusyon at kalokohan.
Ang batang bitter,
Eloiski @>–
P.S. Pero pwede pa namang mabago ang tingin ko sa’yo kung papanalunin mo ako sa paraffle sa iskul namin. Gusto ko talaga makuha yung PSP na prize eh. Amp.
————————————————————-
Nakapagsulat ako ng ganyan dahil may sock shortage ang buhay ko ngayon. Nauubusan na ako ng medyas. Yaong iba nagsisiwalaan ang pares. Yaong iba naman kinukuha ng mga kapatid ko. Waaaah. Mga medyas ko…. Ibalik niyo!
————————————————————-

24 days before Christmas. Weeee! Gawa na ng Christmas wish list at listahan ng mga reregaluhan. Huwag niyo palang kalimutan ang batang si Eloiski sa mga listahan niyo kung ayaw niyong ipagpatuloy niya ang pagiging bitter. Alam niyo na rin siguro ang ireregalo niyo sa kanya. Hehehe!
Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>









Si Santa ay isang imaginary friend na nag exist upang papaniwalain ang mga bata na ang kaligayahan ay maaaring makuha sa pamamagitan ng materyal na bagay.
Comment ni Mike Avenue Disyembre 6, 2008 @ 12:45 haponSi Santa ay isang imaginary friend na nag exist upang papaniwalain ang mga bata na ang kaligayahan ay maaaring makuha sa pamamagitan ng materyal na bagay.
Ang iyong medyas sa kabilang banda ay isang imaginary friend na lang din ngayon!
Comment ni Mike Avenue Disyembre 6, 2008 @ 12:45 hapononga, onga… nahihirapan pa akong idrawing siya sa arts tuwing pasko kasi ang taba-taba nya… hmmpppp.. ang naughty ni santa.. cheers-glesy the great
Comment ni anakngpiso Disyembre 7, 2008 @ 4:49 umagasi bunsoy ko ang medyas nya hindi magkapares, yun ang kanyang style, hehe
Comment ni kengkay Disyembre 11, 2008 @ 2:54 haponNaniniwala ako kay Santa, dahil maraming Santa Claus sa ‘min sa labas. (mga bundat na lasenggero)
(Nag-tataka ka ba kung bakit pa ko nag-koment dito sa blog-entry mo noong X-mas season? Iniisip ko kasi X-MAS ngayon, HAHAHA, para di ko maisip na mainit ngayong summer, babaw noh.)
Comment ni Otakore Literantadodist Abril 6, 2009 @ 10:18 umagahakhak! astig naman… buti ka pa sa ganyang paraan eh hindi ka na naiinitan…
Comment ni eloiski Abril 6, 2009 @ 10:54 umagaa….. ganda naman ng kwentong ganda talag wag ka sana magsawa gumawa ng kwento ha………
Comment ni clarisse Hulyo 9, 2009 @ 5:20 umaga