Isinalansan sa: Chismax Episode, Share-Sharan Episode, Tagski Tagshing Episode

Hindi ko alam kung anong klaseng magnet meron ako at tila marami akong naaakit na blogger para pasahan ng mga tagtag chenes na ito. Nakakahiya naman sa kanila na hayaan mo lang ang kanilang tag kasi sila mismo sinasagot ang tag na pinapasa ko kaya o siya sige.
Ang entry na ito ay para sa mga taong hindi ako kilala at nais na makilala, sa mga stalker ko diyan sa tabi-tabi at sa mga gustong siraan ako. Magsaya na kayo! At huwag niyong kalimutang pasalamatan sila Buzzingflowerpecker at PepperSoriano dahil sa kanila nabuo ang tag na ito.
Ang rules:
1) mag-post ng 10 things about sa sarili
2) mag-tag din ng iba pang sampu.
- Isa akong papa’s girl. Lahat ng mga problema ko lalo na sa school sa kanya ko sinasabi. Kung may kelangan ako kay tatay agad ako tatakbo. Kapag may reklamo hindi ako lumalapit kay Sumbong Sumbong kay Bonggang-Bonggang Bong Bong, tatay ko lang ang katapat niyan. At kapag pasyalan naman ng buong family, syempre nakadikit ako sa tatay ko. Imbes na si nanay ang nakadikit kay tatay.
- Hindi ako mahilig sa gulay. Ang totoo niyan iniiwasan kong kumain ng gulay. Hindi ko kasi feel. Pero may isa namang gulay na takam na takam ako. At iyon ay walang iba kundi ang kalabasa. Ang sarap kaya!
- Malabo ang mga mata ko. Kaya kung may ipapabasa kayo sa akin medyo malayo-layo, teka muna’t isusuot ko muna ang eyeglasesses ko. Gulat nga ang tatay ko noong sinamahan niya akong magpatingin ng mata dahil ang taas agad ng grado. Syempre nagulat din ako noh! Perstaym ko kayang magpacheck ng mata tapos pasuotin ka ba naman agad ng eyeglass sinong hindi maloloka!
- Two times a year lang ako kung magpagupit ng buhok. At iyon ay tuwing bakasyon. Hindi ko kasi hilig ang magpagupit. Hindi naman dahil nagpapahaba ako ng buhok. Ekshelli, wish ko nga sana hindi na humaba ang hair ko para hindi na ako magpagupit. Tama na iyong ganoon para minus gastos.
- Hindi ako nagsusuot as in ayaw ko talaga ng dresses at skirts. Ikakamatay ko talaga ang pagsuot niyan at malamang na mangati pa ako. Tama na sa akin ang pantalon samahan mo ng tshirt tapos rubber shoes at samahan na rin ng jacket. Cool na ako doon. At kahit na balot na balot ako okay lang, ayaw ko magpakita ng flesh.
- Hindi ako mahilig magpupunta sa mga social gatherings lalo na kung pormal ang kachenesan. Anakngmalandingkambing ilayo mo ako sa ganyang mga bagay. Pero nitong Nobyembre lang napasugod ako sa debut party ng aking bestfriend. Bespren ko siya at inaasahan niya ang presence ko kaya pagbigyan natin. Hayun at nakadress ang drama ko. Mga hayskul batchmates ko nakita ako at gulat sila. Nagsusuot pala ako ng ganoon. Nagandahan lang kasi sa akin. Amp!
- Mahal na mahal ko ang subject na math. Hindi ko alam kung bakit pero masaya talaga ang subject na ito. Lalo na kung nasolve ko ang kamatayang problem, magtatatalon talaga ako sa saya. At ang pinakamasayang math para sa akin eh Calculus at Algebra! The best ang subject na iyan.
- Minsan iniisip ng iba tiburcio daw ako kasi daw kung makaasta ako parang lalake. Pero hindi noh. Ganoon lang talaga ako. Kailangan sumabay sa flow lalo pa’t Engineering ang course ko at pawang mga lalake ang mga kaklase ko. Hindi ka pwedeng mag-iinarte. Huwag kang pagurlaloo dahil baka ikaw pa ang gawing tampulan ng asaran at bosohan ng klase.
- Matangkad daw akong babae. At dahil doon malamang na malaki din ang paa ko. Size 8 o 9 ata ako eh. Basta parang Mcdonald. Pero hindi pa rin ako kuntento sa height ko. Gusto ko makamit yaong 6 footer. Kung bakit ay wala lang trip lang!
- Sobrang gustong gusto ko ng Anime. Adik na adik talaga ako sa mga ganyan. Kaya nga balak ko sana na kapag magtatrabaho ako eh sa Japan sana para mapuntahan ko ang anime world at maging updated sa mga anime.
At ang maswerteng sampu ay kahit sino kung trip mo to edi itry mo! Nakakatamad mag-isip kung sino ang tatagtagin. O kaya kung sino yaong nitag ko kanina sila na rin ulit! Andito oh
Isinalansan sa: Balitang Express Episode, Copy Paste Episode, Kalokohan Episode, Piktyurs Episode, Share-Sharan Episode, Tagski Tagshing Episode
Sa tingin mo maganda ka ba? Gwapo?
O di kaya nama’y may nakapagsabi na bang ika’y maganda o gwapo?
Kung oo ang sagot mo, aba’y preno muna tayo diyan!
Malamang binobola mo lang sarili mo
At ikaw naman si gaga o gago nagpaloko din sa sarili.
Kung naniwala ka naman sa kanila na gwapo at maganda ka, huwag kang pauto,
Nabola ka na naman ng loko.
Alam niyo po kasi ang kagandahan umano ay may formula na sinusunod.
The mathematical formula for the perfect face!
Sydney June 11, 2004 3:37:38 PM ISTIt is difficult to define perfect beauty as the parameters for a perfect face may vary according to individual preferences.
However, scientists have narrowed down to a simple mathematical ratio of 1:1.618, otherwise known as phi, or divine proportion, to set standards of beauty.
“Only one formula has been consistently and repeatedly present in all things beautiful, be it art, architecture or nature, but most importantly in facial beauty,” The Sydney Morning Herald quoted US dentist Yosh Jefferson, who operates a website dedicated to divine proportion, as saying.
“Ideal facial proportions are universal regardless of race, sex and age, and are based on divine proportions,” he adds.
He defines the formula and says, if the width of the face from cheek to cheek is 10 inches (25 centimetres), then the length of the face from the top of the head to the bottom of the chin should be 16.18 inches to be in ideal proportion. If you’re keen to see how you measure up, keep in mind that the ratio of phi also applies to:
+ The width of the mouth to the width of the cheek.
+ The width of the nose to the width of the cheek.
+ The width of the nose to the width of the mouth.
Dr Stephen Marquardt has gone one step further to prove the correlation between the divine proportion and facial beauty by developing a phi mask that acts as an archetype of the ideal human face. (ANI)
Yaong left phi mask ay para sa mga babae. Try mong ilagay sa mukha mo at ng makita mo kung perfect face ka rin ba tulad nila:

Halle Berry

Elizabeth Taylor

Marilyn Monroe

Lucy Liu

Vanessa Williams
at ang loka-loka

(Wala namang sinabing bawal takpan ang mukha eh! bleh!)
Walang suklay-suklay. Walang ayos-ayos. Sinunod ko talaga ang batas militar ng tag na ito. Kaya heto heto heto ang rules mga blogger. Akalain mo nga namang pati ako eh mapipili din ng isang blogger na napakasarap kainin ang pangalan. Walang iba kundi si Kimchi.
This tag rules are:
1) Take a picture of yourself right NOW!. (Pagkabasa ko agad ito, ginawa ko agad kaya kayo rin! Amp!)
2) DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture. (Hindi ako nandaya diyan! Ang gulo ng buhok kita niyo naman siguro!)
3) Post that picture with NO editing. (Aysus ni kapiranggot wala akong niedit diyan!)
4) Post these instruction with your picture.
5)Tag 10 people to do this.. (humanda kayo! grrr!)
At ang masweswerteng nilalang aya walang iba kundi sila:









