Notbuk ni Eloiski


Putukan na naman!
Disyembre 28, 2008, 4:27 umaga
Isinalansan sa: Ebents Ito Episode, Family Affairs Episode, Kalokohan Episode, Share-Sharan Episode

Noon pa man hilig ko na talaga ang putukan na iyan.  Masaya kasi para sa akin ang maingay.  Aba bihira lang kaya mag-ingay ang mga tao ng sabay-sabay kaya makisali ka na rin no.

Para sa amin hindi sapat ang ingay ng torotot, ang busina mula sa mga sasakyan,  ingay ng lata na ilalagay sa bike tapos roronda.  Naniniwala kasi kami na dapat may paputok talaga.  Iyong maingay ba.   Tulad ng sawa.  Kasi pampaalis malas.  At para palayasin ang masasamang espiritu.  Kahit na alam namin na delikado talaga, hindi talaga namin maiwasan eh.  Hekhek!  Iba kasi ang hatid ng paputok sa amin.  May pagkachekwa kasi ang mga tao sa amin.

Ang naiinis lang ako sa iba, bakit kelangan pa nilang magsunog ng gulong.  Hindi naman iyon nagcrecreate ng noise ah.  Liwanag oo, pero ang labo eh.  May City Lights naman ah.  Bakit hindi sila bumili sa amin.  Hmp!

Naalala ko noong nakatira pa kami sa bahay ng lolo ko.  Ang nanay ko bibili ng maraming paputok sa Bulacan (panigurado hindi supot!) pero hindi namin papaputukin iyon lahat kundi, ibebenta.  Kapag ako nagbebenta, akalain mong ang daming bumibili.  Nagulat nga ako na may gusto ba namang bumili ng sampung piraso ng sinturon ni hudas yung sawa.  Wapak!  Back-out ako at sinabing balik na lang po kayo mamaya kasi wala ermat ko.  Hindi ko naman kasi alam kung saang lupalop ng Pilipinas nilagay ng nanay ko ang ilan sa mga stocks niya ng paputok.  At swerte bumalik yaong mama at bibili talaga ng sampu!

Kapag alasais na ng hapon, oras na para tumira este magpaputok ng watusi ng mga pinsan ko.  Ang dami nilang nalalaman sa watusi.  Ilalagay nila sa loob ng dalawang kamay nila saka ikakalog-kalog.  Minsan nga eh bibili sila ng isang karton ng watusi, ilalagay sa lata at sisindihan lahat.   Woohoo!  Hayun sunog din agad ang pera nila.  Bleh!  Naalala ko pa, minsan dumikit sa kamay ko yaong watusi.  Syempre ako shake shake ng kamay hanggang sa napunta doon sa babae na nataong naparaan sa amin.  Parang may epilepsy yaong babae sa nyerbyos.  Magtatago sana ako eh.  Kaso hindi ako ganoon kasama kaya, hayun at nilapitan tinulungang hanapin sa katawan niya yaong watusi.  At nagsorry na rin.  Wapak!  Buti hindi nagalit.  Ang cute ko kasi eh.

Wala pa lang alas dose, ilalabas na ng lolo ko ang mga bangko namin at ihaharang sa kalsada para wala ng umistorbo sa inuman nila.  Inilabas ang pulutan, bumili ng alak, at hayun solve.  Inihelera na ng lolo ko ang mga paputok sa daan para sabay-sabay na sisindihan.  Pero noon lang iyon, kasi hindi na namin kasama ang lolo ko ngayon.  Iniwan na niya ang mundo ng mga mortal.

Manigong Bagong Taon sa ating lahat!


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

Ahehe, “kalpot” ang tawag namin pag hindi pumutok.
Dito sa 4th floor ng building mas maganda manuod ng putukan. Minsan may bumabagsak pang debris ng kwitis sa balkonahe namin… exciting! :D :D
Happy new year!!!

hekhek! pati rin dito sa bubong naman may ganyan din yung sa kwitis! hekhek! nakakatuwa lang!
kalpot sa inyo sa amin supot! hekhek!
happy new year ninong!

Comment ni homebodyhubby

balita ?
kamusta …
pasko ..?
mamasko ako kahit late na hehe…

lapit na putukan ..
at xempre magpapaputok ka …

hehe..

okay naman ang pasko ko. ikaw?
lapit na naman putukan kaya ihanda mo na tenga mo! hekhek!
happy new year!

Comment ni anakngpating

Hi eloiski, anu klaseng inhinyera ka: addik sa kasisinghot (ChE), tigasin parang mga truss (CE), Muchos Grasas na kawewelding lang (ME), Nakuryente (EE), Chismosa, malakas ang signal sa haba at laki ng antenna (ECE), Square ang face parang monitor lang (COE), Instant parang noodles lang (IE), amoy lupa (MetEng), Maninisid (MarE) o ibon (AerEng)?

Comment ni Conrad

awwwts. buti nga dyan may putukan. dito bawal magpaputok sa kalsada. ang jologs. lol. pero ako din.. batang watusi dati. haha.

Comment ni Lei

tama ka dyan! hindi new year kung walang paputok hehe. sarap kaya ng amoy ng usok ng paputok.

Comment ni eph




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>