Isinalansan sa: Chismax Episode, Kalokohan Episode, Share-Sharan Episode
Malapit na naman kasi ang New Year oh. At hayaan nandyan na naman ang mga hula-hula na mula sa mga syempre manghuhula. Sa totoo lang naman, hindi naman lahat ng hula nila nagkakatotoo. Maniwala ka! Hindi lahat! Minsan nga lahat sablay eh.
Bakit kelangan niyo pang maniwala kay Madam Auring na tanging ang ipinagmamalaki ay ang kanyang kaasiman? Si Madam Rosa, may nagkatotoo na ba sa mga sinabi niya? Teka kilala niyo ba siya? Ako, hindi eh. Naririnig ko lang pangalan niya.
Eh si Nostradamus, kilala mo? Syempre oo! Sabi nila, yaong mga sinasabi niya nagkakatotoo daw. Pero hindi yata lahat literally niya sinasabi. So ibig sabihin pag-iisipan ka pa niya. Marerealize mo lang yaong mga prophecy niya kung tapos na nangyari yaong hula niya. Sakit naman sa ulo nun.
Pero mga tsong, tsang, may kilala ako. Hindi na niya kelangan pa sabihin sa madla na may asim pa siya, kasi kitang-kita naman eh. Bonus factor na rin dahil cute siya. Hindi man siya sikat pero sisikat pagkatapos niyang masabi ang kanyang mga hula (Ito medyo malabo atang mangyari!). At higit sa lahat hindi ka niya papanosebleedin dahil literally niyang sasabihin ang hula niya. Kilala mo na ba siya? Hindi mo kilala? Ay shunga! Basahin mo yaong title. Iyon, siya ang tinutukoy ko. Hindi mo pa rin gets. Ay anakngmalandingkambingangsarapsapakin!

Ako po ang inyong lingkod na si Madam Eloiski. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo po lamang. Oh ano? Ready ka na ba sa mga hula ko? Hula ko oo eh. Heto na ang mga hula-hula ayon kay Madam Eloiski:
- Hindi mawawala ang gutom at iskwater sa buong mundo.
- May ipapanganak na sanggol na lalaki bukas. Iiyak siya tapos may puputulin sa katawan niya.
- Ayon sa palad mo, kahit hindi ko man ito nakikita ganyan kasi ako kagaling eh, maraming guhit ang mga palad mo.
- Sisikat na naman ang araw sa east at lulubog na naman sa west.
- Sa ika-4 ng Marso, 2009, may mamamatay sa Japan at mabubulok ang bangkay niya sa paglipas ng panahon.
- May papasok sa lahat ng branch ng SM bukas tapos bukas ulit at sa susunod na bukas pa.
- May dadaang sasakyan sa EDSA sa ika-14 ng Pebrero 2009.
- Si Pangulong GMA at Barack Obama ay iinom ng tubig bukas at magbabawas na rin.
- May bagyo na naman sa taong 2009.
- At heto malupit sa lahat, binabasa mo, oo ikaw, ngayon ang post na ito.
Kung hindi man nagkatotoo ang lahat ng iyan, oo kahit isa lang (ang yabang ko!), tatalon ako sa eroplano. Ay wait. Hindi pala sa eroplano, gagastos pa ako. Sa building na lang ng school namin. Oh hayan! Talo ko na ba sila Madam Auring, Madam Rosa at Nostradamus? Wapak! Ikaw may prediction ka rin ba?








