Isinalansan sa: Emo Moment Episode, Galit-Galitan Episode, Kalokohan Episode, Share-Sharan Episode

Kagabi lang, natadtad ang utak ko ng mga ideya na ilalagay sa blog na ito. Pero bakit ngayon, nagmukha pa atang tabula rasa ang utak ko. Walang maisip, walang laman.
Blangko ang utak ko.
Bakit ba ganito? Kung kelan nasa mood ako magsalitype, ngayon naman nawawala ang mga salitang dapat isalitype. Kung tinatamad naman ako magsalitype, umaapaw naman sa sabaw ang utak ko ng mga ideya.
Hay. Dapat pala kung may naisip, salitype agad. Wala ng next time, next time. Dapat fighting agad.
Pero sana may storage room ang utak ko na kung saan naprepreserve ang mga bagay-bagay na dapat hindi ko kalimutan, na dapat buong-buo ang laman. Walang labis, walang kulang.
Hay utak! Magprocess ka naman. Gumana ka naman.
Siguro nga, natataon na para magback-up ng mga files na nasa utak ko. Para kung kelangan ko na ang ideyang iyon, isiksik ko lang si back-up. Hooraah! May ideya na ako. At buo pa naman siguro.
Pero paano? Paturo naman ako!








