Notbuk ni Eloiski


Awards Night na hinaluan ng Isang Kalokohan at Sampung Katotohanan.

Sabi ni Aling Baby magpost daw ako ng SAMPUNG BAGAY TUNGKOL SA AKIN.  At sa tingin ko nasagutan ko na ata ito dati pero dahil i love aling baby, sige at gagawa ako ng panibago.

Hindi pa nakuntento ang mukhang chekwang blogger na ito na pangalanan natin sa namesung na Kemche at tinaga ulit ako.  Iyon ay magsalitype naman daw ako ng SAMPUNG BAGAY tungkol sa sarili ko.  SIYAM DOON AY TOTOO AT ANG ISA AY KWENTONG BARBERO.

At parang parehas naman ang dalawang ito, pagsasamahin ko na lang.  Gagawa na lang ako ng eleven na bagay tungkol sa akin na kung saan, yaong sampu ay kasagutan mula sa tag ni Aling Baby.  At hayun para kay Kemche, ang isa diyan ay hindi totoo. Go!

Kaya heto na: (Kung ako sa inyo huwag niyo na lang basahin. Pero kung babasahin niyo man sana mahanap mo ang kwentong barbero.)

1. Kapag nagsisinungaling ako, mas kapani-paniwala raw ang sinasabi ko.  Pero kapag nagsasabi ako ng totoo, akala nila kasinungalingan lang.  Anong magagawa ko?  Nauutal ako kapag nagsasabi ng totoo at naman! pang beauty queen naman ang banat ko kapag nagsasabi ng kasinungalingan.

2. Noon daw, nagsasalita ako kapag tulog.  Minsan nga eh bumabangon pa at naglalakad palabas ng bahay.

3. Marami akong blog.  Sa sobrang dami hindi ko na maupdate lahat-lahat.  Pero huwag kayo, iba-iba ang laman ng mga iyon.  Merong puro kalokohan sa buhay, kabwisitan sa buhay, mga pekchurs, jumejengliz, nagpapakafangirl at parang ewan lang na blog.

4. Sobrang matakaw ako.  Yaong tipong bawat oras eh naghahanap ang tiyan ko ng pagkain pero ang bunganga ko naman ay pagod ng ngumuya.  Pero dahil mahal ko ang tiyan ko, pinipili ko ang kagustuhan ng tiyan.  At mirakulo nga siguro dahil sa katakawan kong ito hindi talaga ako tumataba.  Kung tumaba man ako, kunting kunting kunting kunti lang talaga.  Yaong parang libag lang ang kapal.

5. Namomroblema ako kapag may load ako.  Hindi ko kasi alam kung paano uubusin.  Kadalasan kasi nauubos ang load ko dahil sa expiration.  Kaya hayun nasasayangan lang tuloy ako sa pera ko.  Kaya mas mabuti nalang na huwag magload.  Hindi naman kasi ako mahilig magtext eh.

6. Gustong-gusto ko magpaiyak ng bata.  Aasar-asarin ko iyan tapos maya-maya hindi na niya kinaya, iiyak na iyan.

7. Marami na rin akong pinatay.  Maraming pinatay na ipis, langgam at mga lamok.  Isama mo an rin yaong daga na hindi ko sinasadyang napatay.  at yaong aso na rin na hindi ko rin sinasadyang mapatay.

8. Adik ako sa paglalaro ng mga games na mula sa BigFish.  Sobra!  Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paglalaro.  Mas inuuna ko pa nga ang paglalaro kaysa ang pagrereview.  May mga pagkakataon pa ngang binilisan ko ang pagrereview para lang makalaro agad.

9. Hindi ako makakatulog kung wala akong kumot.  Buong katawan ko kinukumutan ko except ang ulo ko (hindi ako makahinga) at ang paa ko (ewan!).

10. Nakipagpustahan ako dati.  At hayun, swerte ako sa kamalasan kaya natalo ako ng tumataginting na tatlong daang piso.

11. Parang gusto ko ng tumigil magblog dito.  Hindi ko alam pero parang basta.  Parang gusto ko na talagang itigil.

Hindi pa talaga sila nakuntento, si Ate Yeye inawardan naman niya ako.  At katulad niya ito rin ang kauna-unahang award na natanggap ko ngayong 2009.

triple_awards Aba at triple award pa talaga!

At kung sino ang mga tatagtagin ko ay hindi ko alam.  Nahihiya na ako sa inyo eh. Hindi ko alam kung balik blogging ba ito o hindi.  Ay ewan ko ba. Masyado pang magulo ang mundo ko.



Nagpapakabusy at magpapakahiatus

Nakow nakow nakow, moja moja.  Ang tagal ko ng hindi nagpopost, moja moja.  Sobrang busy talaga ako ngayon sa pag-aaral e, moja moja (naks! nag-aaral daw!).  Ang dami kasing kelangang pag-aralan na hindi naman daapt.

May nakakakuryenteng subject, moja.

May pampanosebleed sa ilong na subject, moja.

May pambanal na subject, moja.

May pangcalculator na subjext, moja.

May pampapagod na subject, moja.

Ang dami naming ginagawa, moja moja.

At oopppssss Pebrero na mga pipol, moja moja!  Ano bang meron sa Pebrero, moja?  Aweeeeeee!  Birthday ng dalawa kong pinsan, moja mojaaa!  Weeeheee! Kainan to the max na naman tayo, mojaaaaaa!

Pasensya naman, moja.

Aral mode muna ako, moja.

Tapos makikipyesta ng Panagbenga, moja moja.

Hayaan niyo pag matino na ako este ang schedule ko, magkakalat ako sa mga mundo niyo, moja.  Sa ngayon, magkakalat muna ako sa loob ng kwarto at tatadtarin ang room ng sandamakmak na mga formulas, mga math terms, mga ciruit diagrams at kung anu-ano pang kalat na pwedeng ikalat.

Pagod pa ako ngayon.

Promise, babalik din with a bang!