Notbuk ni Eloiski


Brownout o Blackout? Ang labo.

Akala ko kanina pinatay nila ang magic electric fan sa kwarto kaya nagising ako na basang-basa sa pawis.  Hayun naman pala sadyang nais lamang udlutin ng takteng brownout ang masarap kong pag-idlip.  Sa hindi pa inaasahang pagkakataon ay nakacomforter pa ako kaya malamang hindi lang ako basang-basa sa pawis kundi naligo na sa pawis.  Bangon ako agad sa kama.

At dahil brownout nga, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.  Nakasanayan na kasi ng aking sistema na pagkabangon sa kama eh iswiswitch ko ang tv dito sa kwarto at manonood ng Doraemon bago ako pumunta sa banyo at gawin ang daily routine sa buhay.  At dahil sadyang wala talaga akong magawa at talaga namang napakainit sa loob ng bahay, nag-isip ako ng pagkakaabalahan ko sa buhay.

Ang hirap palang talaga kapag walang kuryente.  Ang daming kulang sa buhay.

  • Una, walang tv.  Hindi ko makakamusta si tatanga-tangang si Nobita at ang ultimate uto-utong kaibigan na si Doraemon.  At naisip ko Sabado pala ngayon.  Hindi ko mamimeet si Doraemon pero tadtad ng animes ang GMA sa umaga.
  • Pangalawa, walang internet.  Ibig sabihin, walang bloghop.  Walang WordPress.  Walang Plurk.  Walang Tumblr.  Walang Multiply.  Walang i.ph. Walang Livejournal.  Walang Vox.  Walang Ym.  Walang Ziddu.  Walang Facebook.  Walang Blogspot.
  • Ikatlo, walang napakatagal na pagharap sa laptop.  Kumbaga limitado lang dahil maya’t maya eh magtatimeout na ang battery niya.
  • Ikaapat, walang dvd marathon.  Hindi ako nakipagkagatan sa Vampire Knights.  Hindi ko ako nakipag-inlababo sa Fated to Love You (tinitiis na lang kita panoorin).  Hindi ko napanood ang ibang anime ko dito.
  • Ikalima, walang ilaw.  Kaya naging pakners for a moment kami ni flashlight.  Kahit saan dinadala ko siya kasi hindi ko makita yaong dapat makita.
  • Ikaanim, walang elektrikpan o aircon.  Malamang tagatak sa pawis ang moda namin dito.

Oh di ba?  Ang daming wala kapag walang kuryente.  Pero nakapagtataka dahil nakakasurvive ang ating mga ninuno na walang kuryente.  I, therefore, conclude mas astig sila.

Pero salamat din sa brownout/blackout na ito dahil ang dami kong nagawang bagay na noon ko pa gustong gawin pero hinahadlangan ng teknoholohiya at gadgets dito sa bahay.  Marami din akong nadiscover sa buhay at sa bahay namin.

  • Nakisali ako sa Earth Hour.  Hindi lang pala Earth hour kundi EARTH HOURS.  Akalain mo ba namang walang kuryente mula alasais ng umaga hanggang alasingko ng hapon.  Okay lang.  Natulungan ko naman si Inang Earth.
  • Naayos ko ang mga collection kong mga dvds na animes at asianovelas.  Ikinompile ko sila at inilagay sa isang cool na lalagyan.  Basta ang saya tignan.  Ang ayos na ng mga collection ko.
  • Nahanap ko pa ang iba kong koleksyong mga dvds na nakatago sa bawat sulok ng bahay namin. Parang nagtreasure hunting ako.  Ang saya nga eh.  Nagamit ko ng mabuti si pakner da flashlight.  At ang saya sa feeling.
  • Nagkalkal ako ng mga kung anu-ano sa mga cabinet.  At laking tuwa ko ng nakita kong muli ang mga KIKOMACHINE KOMIX ko.  Apat sila.  Pero meron na raw ang Bilang Ikalima.
  • Nagkalkal uli ako at nakita ko ang napakaraming magazines.  Hindi ko kilala ang magazines.  FRIDAY ang pangalan.  Ang dami.  At napag-alaman kong sa tatay ko pala iyon.  Ibig sabihin magazine mula sa UAE.  Ang saya.  Hindi tuloy ako nabore ng buong brownout hours dahil binasa ko lahat ng mga magazines na iyon.  Nadagdagan pa ang laman ng utak ko.  Gusto mo ng sample?
  • Nalaman kong ang dilim palang talaga sa loob ng bahay namin lalo na kung walang ilaw.  Ang dilim talaga.

Kaya masasabi kong importante rin ang blackout/brownout sa buhay.  May nadidiscover ka kasi sa buhay ng hindi mo namamalayan.  Basta ganun.

At speaking of blackout/brownout, ano nga ba ang tama?  Blackout ba o Brownout? Mula sa mapaglarong imahinasyon ko, sa tingin ko’y magkaiba ang dalawang ito.  Brownout kapag walang ilaw ng umaga o tanghali.  At blackout naman ang gagamitin na word kapag nawalang ng ilaw sa gabi.  Bakit?  Kasi di ba ang dilim sa gabi tapos mawawalan pa ng ilaw, malamang total darkness at black na black talaga.  Pero kapag umaga, may nakikita ka pa naman kaya brownout.

Ikaw ano sa tingin mo?



Bachelor of Science in Blogging

Sa wakas at natapos ko na rin ang isang sem.  Tapos na ang pagiging sophomore ko.  Isa na akong Junior sa pasukan at malamang makikipagsagupaan na ako sa mga nakakakuryenteng subject.  Pero handa naman na akong makuryente eh.  Willing na ako.

Ang daming nangyaring delubyo nitong nakaraang semester.  Talagang dumugo ang utak ko.  Literally sumakit ang ulo ko.  At literally sinalakay ng mga tigidig force ang virgin kong mukha.  Mga takte sila.  Pero hindi bale mawawala rin sila balang-araw dahil hindi na muna ako maiistress.  Magpapahinga muna ako.

Pero ayaw ko namang magpahinga ng magdamagan baka kalawangin naman si coconut shell kaya naisipan kong magsummer class ulit.

Ekhelli tuwing summer lang ako nagpapakaactive sa course ko na ito eh.  Ito’y walang iba kundi ang BACHELOR OF SCIENCE IN BLOGGING o kaya naman ay BSBl.  Hakhak! Ang pinakasikat na school eh yaong WordPress University.  Ang dami kasing nag-eenroll diyan eh.  At kasama ako sa mga estudyante ng sikat na university na ito.  Marami ding university diyan sa tabi-tabi.  May mga colleges din.  Pero iba pa rin si WU.

Ano nga ba ang Bachelor of Science in Blogging?

  • Maganda ang course na ito.
  • Hindi kelangan ng thousands of peso pesoses na pera para makaenroll ka dito.
  • Computer o Laptop na may internet solve ka na.
  • Hindi naman matindi ang requirement dito eh.  Post ka lang ng post okay na.  Kahit walang sense okay lang.
  • At higit sa lahat, walang asar na mga instructors at professors na maninira ng araw mo.
  • Pwede ka pang makipagchismisan sa mga blogmates mo everytime.
  • At hindi rin kailangang magising ng maaga.

Pero may bad sides din siya eh.

  • Minsan may mga mapanirang mga tao diyan sa tabi-tabi at hindi sila titigil hangga’t hindi sila nagtatagumpay.  Pero tayong mga blogging student o mga bloggers eh matatag, kaya hindi tayo tinatabalan.  Minsan nga immune na tayo diyan eh.
  • Walang baon na ibibigay sila mama at papa.
  • Baka malate ka rin lagi sa pagtulog dahil sa pagblobloghop.
  • Magastos sa kuryente
  • At kapag tumaas ang bill ng kuryente, humanda ka na sa machine gun ni nanay.

Pero masaya talaga ang blogging eh.  Ibang-iba sa mga course na nakilala ko at kasalukuyang kinukuha ko.

Yun lang.

Ay oo nga pala.  Dahil medyo nawala rin ako ng kaunti eh meron naman akong binago sa blog ko para naman hindi masyadong lumutin ang blog na ito.  Pansin mo ba ang pagbabago?  Hmmm… Siret?

Tingin ka sa navigations ko.  May download sa taas.  Hayun!  Click mo syempre at ikaw na ang bahala.  Yaong iba hindi ko pa nauupload ang tagal kasi eh.  Amp!

Hayan!  Bisita na ako sa mundo niyo.