Isinalansan sa: Ang Techie Episode, Ebents Ito Episode, Paspasan Episode, Serious Episode, Share-Sharan Episode
Akala ko kanina pinatay nila ang magic electric fan sa kwarto kaya nagising ako na basang-basa sa pawis. Hayun naman pala sadyang nais lamang udlutin ng takteng brownout ang masarap kong pag-idlip. Sa hindi pa inaasahang pagkakataon ay nakacomforter pa ako kaya malamang hindi lang ako basang-basa sa pawis kundi naligo na sa pawis. Bangon ako agad sa kama.
At dahil brownout nga, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakasanayan na kasi ng aking sistema na pagkabangon sa kama eh iswiswitch ko ang tv dito sa kwarto at manonood ng Doraemon bago ako pumunta sa banyo at gawin ang daily routine sa buhay. At dahil sadyang wala talaga akong magawa at talaga namang napakainit sa loob ng bahay, nag-isip ako ng pagkakaabalahan ko sa buhay.
Ang hirap palang talaga kapag walang kuryente. Ang daming kulang sa buhay.
- Una, walang tv. Hindi ko makakamusta si tatanga-tangang si Nobita at ang ultimate uto-utong kaibigan na si Doraemon. At naisip ko Sabado pala ngayon. Hindi ko mamimeet si Doraemon pero tadtad ng animes ang GMA sa umaga.
- Pangalawa, walang internet. Ibig sabihin, walang bloghop. Walang WordPress. Walang Plurk. Walang Tumblr. Walang Multiply. Walang i.ph. Walang Livejournal. Walang Vox. Walang Ym. Walang Ziddu. Walang Facebook. Walang Blogspot.
- Ikatlo, walang napakatagal na pagharap sa laptop. Kumbaga limitado lang dahil maya’t maya eh magtatimeout na ang battery niya.
- Ikaapat, walang dvd marathon. Hindi ako nakipagkagatan sa Vampire Knights. Hindi ko ako nakipag-inlababo sa Fated to Love You (tinitiis na lang kita panoorin). Hindi ko napanood ang ibang anime ko dito.
- Ikalima, walang ilaw. Kaya naging pakners for a moment kami ni flashlight. Kahit saan dinadala ko siya kasi hindi ko makita yaong dapat makita.
- Ikaanim, walang elektrikpan o aircon. Malamang tagatak sa pawis ang moda namin dito.
Oh di ba? Ang daming wala kapag walang kuryente. Pero nakapagtataka dahil nakakasurvive ang ating mga ninuno na walang kuryente. I, therefore, conclude mas astig sila.

Pero salamat din sa brownout/blackout na ito dahil ang dami kong nagawang bagay na noon ko pa gustong gawin pero hinahadlangan ng teknoholohiya at gadgets dito sa bahay. Marami din akong nadiscover sa buhay at sa bahay namin.
- Nakisali ako sa Earth Hour. Hindi lang pala Earth hour kundi EARTH HOURS. Akalain mo ba namang walang kuryente mula alasais ng umaga hanggang alasingko ng hapon. Okay lang. Natulungan ko naman si Inang Earth.
- Naayos ko ang mga collection kong mga dvds na animes at asianovelas. Ikinompile ko sila at inilagay sa isang cool na lalagyan. Basta ang saya tignan. Ang ayos na ng mga collection ko.
- Nahanap ko pa ang iba kong koleksyong mga dvds na nakatago sa bawat sulok ng bahay namin. Parang nagtreasure hunting ako. Ang saya nga eh. Nagamit ko ng mabuti si pakner da flashlight. At ang saya sa feeling.
- Nagkalkal ako ng mga kung anu-ano sa mga cabinet. At laking tuwa ko ng nakita kong muli ang mga KIKOMACHINE KOMIX ko. Apat sila. Pero meron na raw ang Bilang Ikalima.
- Nagkalkal uli ako at nakita ko ang napakaraming magazines. Hindi ko kilala ang magazines. FRIDAY ang pangalan. Ang dami. At napag-alaman kong sa tatay ko pala iyon. Ibig sabihin magazine mula sa UAE. Ang saya. Hindi tuloy ako nabore ng buong brownout hours dahil binasa ko lahat ng mga magazines na iyon. Nadagdagan pa ang laman ng utak ko. Gusto mo ng sample?
- Nalaman kong ang dilim palang talaga sa loob ng bahay namin lalo na kung walang ilaw. Ang dilim talaga.
Kaya masasabi kong importante rin ang blackout/brownout sa buhay. May nadidiscover ka kasi sa buhay ng hindi mo namamalayan. Basta ganun.
At speaking of blackout/brownout, ano nga ba ang tama? Blackout ba o Brownout? Mula sa mapaglarong imahinasyon ko, sa tingin ko’y magkaiba ang dalawang ito. Brownout kapag walang ilaw ng umaga o tanghali. At blackout naman ang gagamitin na word kapag nawalang ng ilaw sa gabi. Bakit? Kasi di ba ang dilim sa gabi tapos mawawalan pa ng ilaw, malamang total darkness at black na black talaga. Pero kapag umaga, may nakikita ka pa naman kaya brownout.
Ikaw ano sa tingin mo?








