Isinalansan sa: Buhay-Buhayan Episode
Proud ako sa t-square na hawak-hawak ko noon.
Pero ngayon eh flash drive o di kaya nama’y laptop na
Dahil Autocad na ang gamit namin.
Proud ako sa calculator ko.
Siya ang isa sa pinakaimportanteng pakner sa buhay ko.
Without it, parang imposibleng masolve ang problema pera na lang kung mangongopya ka.
Proud ako sa pagtagtag sa amin ng mga Math problems .
At ang pinakadabest na Math subject na naencounter ko ay Calculus.
Sadyang masaya ang subject na iyan.
Proud ako sa terror na teacher ko.
Mas lalo tuloy akong yumabang kasi nakasurvive ako sa kanya
At naipasa ko ang subject niya.
Proud ako sa t-shirt ko na pang-Engineering student.
Kapag suot ko kasi iyon parang ang galing-galing ko,
At parang wow ang astig ko.
Proud ako sa Physics ko.
Kahit medyo sumasablay talaga ako pagdating sa asignaturang iyan,
Tinatawa ko na lang kasi may mas masaklap pa naman sa akin pero nagagawa pa rin niyang tumawa.
Proud ako sa course ko
Dahil alam kong hindi ganoon kadali ang kursong ito
Pero kinuha ko pa rin dahil gusto ko talaga.
Proud ako sa sarili ko
Dahil kahit babae ako at kinuha ko ang course na ito
Hindi naman ako nagpapahuli sa mga kaklase kong lalake.
Proud ako dahil Engineering student ako.
Masaya ako. At gustong-gusto ko ‘to.
Buti na lang at ito talaga ang isinulat ko sa application form ko.
Proud ako dahil sa wakas eh akalain mong magthi3rd year na ako!
Nakasurvive sa mga subjects
Kinaya ang kalokohan ng mga gagong lalakeng klasmeyts.
Proud ako dahil hanggang ngayon Dean’s Lister pa rin ako.
Akalain mong kahit papaano eh nakakasabit pa rin ang grade ko.
At syempre masaya ako doon dahil proud din mga magulang ko.
GUSTO KO! GUSTO KONG MAGING ENGINEER! GUSTONG-GUSTO KO TALAGA!
Pero sa ngayon eh nag-iisip ako kung ano ba talaga ang imemajor ko.
ECE ba o EE? Patulong naman mga dude.

























