Notbuk ni Eloiski


Proud ako!
Abril 26, 2009, 6:10 umaga
Isinalansan sa: Buhay-Buhayan Episode

Proud ako sa t-square na hawak-hawak ko noon.

Pero ngayon eh flash drive o di kaya nama’y laptop na

Dahil Autocad na ang gamit namin.


Proud ako sa calculator ko.

Siya ang isa sa pinakaimportanteng pakner sa buhay ko.

Without it, parang imposibleng masolve ang problema pera na lang kung mangongopya ka.


Proud ako sa pagtagtag sa amin ng mga Math problems .

At ang pinakadabest na Math subject na naencounter ko ay Calculus.

Sadyang masaya ang subject na iyan.


Proud ako sa terror na teacher ko.

Mas lalo tuloy akong yumabang kasi nakasurvive ako sa kanya

At naipasa ko ang subject niya.


Proud ako sa t-shirt ko na pang-Engineering student.

Kapag suot ko kasi iyon parang ang galing-galing ko,

At parang wow ang astig ko.


Proud ako sa Physics ko.

Kahit medyo sumasablay talaga ako pagdating sa asignaturang iyan,

Tinatawa ko na lang kasi may mas masaklap pa naman sa akin pero nagagawa pa rin niyang tumawa.


Proud ako sa course ko

Dahil alam kong hindi ganoon kadali ang kursong ito

Pero kinuha ko pa rin dahil gusto ko talaga.


Proud ako sa sarili ko

Dahil kahit babae ako at kinuha ko ang course na ito

Hindi naman ako nagpapahuli sa mga kaklase kong lalake.


Proud ako dahil Engineering student ako.

Masaya ako. At gustong-gusto ko ‘to.

Buti na lang at ito talaga ang isinulat ko sa application form ko.


Proud ako dahil sa wakas eh akalain mong magthi3rd year na ako!

Nakasurvive sa mga subjects

Kinaya ang kalokohan ng mga gagong lalakeng klasmeyts.


Proud ako dahil hanggang ngayon Dean’s Lister pa rin ako.

Akalain mong kahit papaano eh nakakasabit pa rin ang grade ko.

At syempre masaya ako doon dahil proud din mga magulang ko.


GUSTO KO! GUSTO KONG MAGING ENGINEER! GUSTONG-GUSTO KO TALAGA!

Pero sa ngayon eh nag-iisip ako kung ano ba talaga ang imemajor ko.

ECE ba o EE? Patulong naman mga dude.


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

hakhak! nakakainspayr! whew!
kung ako sayo. ECE. =D
yehey!!! 3rd year na tayooo!!!

Comment ni batopik

wala akong alam dyan. hahaha basta kung ano gusto mo, suportahan taka. lolz

Comment ni bioniclugaw

at ayoko sa calculator.. kasi ayoko ng math.. haha.. galing talaga ni eloiski.. di ko caryy yan.. duduguin talaga ako.. kaya mo yan magiging isa kang magaling na ECE!!! keep beliveing and soar up high!

Comment ni jeniffer

kung san ka masaya at tinitibok ng iyong puso.. yung ang sundin mo :)

Go..Go..Go Eloiski! Goodluck

Comment ni sandijmartin

Hello po. Bago nyo po akong kapitbahay dito sa wordpress. Galing po ako sa blogspot pero nagmigrate na po ako. Add ko po kayo sa blogroll ko ha…

Comment ni Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>