Isinalansan sa: Kalokohan Episode, Paspasan Episode, Share-Sharan Episode, Tagski Tagshing Episode
Oo alam ko dapat ata Lucky 9 iyon. Eh bakit ba? Lucky 8 nga feel ko eh. Kasi ako nataga na naman eh kaya heto.
Tag na naman ito eh. At ayoko namang biguin si Neex kaya sige sinagutan ko na. Matagal na ito kaya sorry nemen ngayon ko lang naisipang gawin. Ngayon lang ginanahan. Ngayon lang naisipang magsalitype.
Eight things I’m looking forward to:
- Eleksyon. Heksayted na akong magvote. Perstaym ko eh.
- Makabili ng album ng Pupil. Aylabyuelybuendia!
- Makikipagbunuan sa mga nakakakuryenteng subjects.
- Trip to Vigan kasama mga dabarkads. Wahoo! Photoshoot! Waaaah!
- Mapanood ang Angels and Demons sa sinehan. Sawa na ako manood ng piratang dvd eh.
- Maumpisahan ko ng gawin ang handmade planner. May mga materials na ako kaso si katam sinapul ako.
- Makapagpost na ng madalas. Naaawa ako sa blog kong ‘to. Parang ibinandonang bata!
- Makumpleto ang album ng Eraserheads. Hindi naman ako adik eh!
Eight things I did yesterday:
- Nagising.
- Binuksan ang mga mata.
- Bumangon sa kama
- Pumunta sa comfort room at alam mo na.
- Nanood ng kartowns sa tibi.
- Nag-internet. Pwede bang mawala iyon?
- Kumain. Tapos kumain ulit. Tapos tapos kumain ulit. Tapos tapos tapos kumain na naman. Tapos kain na naman.
- Nakipagtitigan sa monitor.
Eight things I wish I could do.
- Magteleport.
- Magkagebushinteknik times two times two!
- Makapagplay ng violin sa Pransya.
- Makagawa ng calculator na halos lahat ng Math problems eh nasosolve niya.
- Makagawa ng solar na mobile phone para hindi na ako magcharge.
- Makaimbento ng miracle o magic rice. Yaong kahit isang butil lang ng bigas ang ilagay mo sa kaldero eh pag naluto na eh puno ang kaldero. Nagets mo? Ay nebermaynd na lang!
- Makagawa ng sariling kotse para naman may sariling brand ang Pilipinas. Kung ang India may Tata Motors at nabili niya pa ang Jaguar(dahil yan sa recession). Yaong iba may Kia. May Honda. May Mitsubishi. Eh tayong Pinoy walang ganyan.. Kaya sana matuto ako gumawa ng kotse.
- Makasolve ng isang mystery case.
Eight shows I watch:
Hindi na ako nanonood ng tibi kasi naman puro na lang Hayden Khomera at Katrina Hawiwi ang palabas. Nakakasawa. Kaya dito na lang sa net nanonood o di kaya nama’y nagababasa ng news.
Wala akong gustong tagain. Kung feel mo eh di go! Kung ayaw mo, pake ko! Hakhak!
Isinalansan sa: Ebents Ito Episode, Emo Moment Episode, Paspasan Episode, Serious Episode, Share-Sharan Episode
Kagabi,
Humingi ako ng sign kay God
Litong-lito kasi utak ko
Sabi ko kapag nakapurple o violet si Mam Econ ngayon
Sige sasali ako sa business na yun
Magpapakanegosyante ako
Pero kung iba ang kulay ng damit ni Mam Econ
Hindi na ako sasali sa business na yun
Magcoconcentrate na lang ako sa pag-aaral.
Hinintay ko ang araw ngayon
Hinintay ko ng bonggang-bongga
Ngayon lang kasi ako humingi ng sign mula sa kanya
Pero ang cute ng mundo
Absent si Mam Econ
Hindi siya pumasok
Paano na ngayon ‘yon?
Walang teacher…
Walang nakakulay purple na teacher sa Econ
Walang sign na nakakulay purple na teacher sa Econ…
Talagang walang nakapurple na teacher sa Econ dahil absent siya!
Paano? Anong sign iyon?
Anong ibig iparating sa akin ni God?
Huwag akong umasa sa sign niya?
Ganoon ba?
O magdesisyon ako,
Magtiwala sa sarili
At si God naman ay nandyan para suportahan ako!
Ganoon ba?
Kung ganoon man!
Sige!
Naniniwala ako sa’yo God!
Basta huwag mo akong iiwanan ha!
Fight!








