Notbuk ni Eloiski


Sign mula sa taas

Kagabi,

Humingi ako ng sign kay God

Litong-lito kasi utak ko

Sabi ko kapag nakapurple o violet si Mam Econ ngayon

Sige sasali ako sa business na yun

Magpapakanegosyante ako

Pero kung iba ang kulay ng damit ni Mam Econ

Hindi na ako sasali sa business na yun

Magcoconcentrate na lang ako sa pag-aaral.

Hinintay ko ang araw ngayon

Hinintay ko ng bonggang-bongga

Ngayon lang kasi ako humingi ng sign mula sa kanya

Pero ang cute ng mundo

Absent si Mam Econ

Hindi siya pumasok

Paano na ngayon ‘yon?

Walang teacher…

Walang nakakulay purple na teacher sa Econ

Walang sign na nakakulay purple na teacher sa Econ…

Talagang walang nakapurple na teacher sa Econ dahil absent siya!

Paano? Anong sign iyon?

Anong ibig iparating sa akin ni God?

Huwag akong umasa sa sign niya?

Ganoon ba?

O magdesisyon ako,

Magtiwala sa sarili

At si God naman ay nandyan para suportahan ako!

Ganoon ba?

Kung ganoon man!

Sige!

Naniniwala ako sa’yo God!

Basta huwag mo akong iiwanan ha!

Fight!