Isinalansan sa: Ebents Ito Episode, Emo Moment Episode, Paspasan Episode, Serious Episode, Share-Sharan Episode
Kagabi,
Humingi ako ng sign kay God
Litong-lito kasi utak ko
Sabi ko kapag nakapurple o violet si Mam Econ ngayon
Sige sasali ako sa business na yun
Magpapakanegosyante ako
Pero kung iba ang kulay ng damit ni Mam Econ
Hindi na ako sasali sa business na yun
Magcoconcentrate na lang ako sa pag-aaral.
Hinintay ko ang araw ngayon
Hinintay ko ng bonggang-bongga
Ngayon lang kasi ako humingi ng sign mula sa kanya
Pero ang cute ng mundo
Absent si Mam Econ
Hindi siya pumasok
Paano na ngayon ‘yon?
Walang teacher…
Walang nakakulay purple na teacher sa Econ
Walang sign na nakakulay purple na teacher sa Econ…
Talagang walang nakapurple na teacher sa Econ dahil absent siya!
Paano? Anong sign iyon?
Anong ibig iparating sa akin ni God?
Huwag akong umasa sa sign niya?
Ganoon ba?
O magdesisyon ako,
Magtiwala sa sarili
At si God naman ay nandyan para suportahan ako!
Ganoon ba?
Kung ganoon man!
Sige!
Naniniwala ako sa’yo God!
Basta huwag mo akong iiwanan ha!
Fight!
Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>









hi eloiski, pasyal lang ako dito… salamat
Comment ni livingstain Mayo 27, 2009 @ 2:50 umaganice.! mabuti at positive ang pagtingin mo sa mga “signs” na binibigay sa ‘yo. i hope you do well on your choice. best of luck!
Comment ni flor Mayo 27, 2009 @ 10:01 umagaYes that is right… ask God more for wisdom, strength and guidance than just “signs”.
Comment ni homebodyhubby Mayo 29, 2009 @ 4:13 umagaAhuhuhu… ayaw pa rin lumabas ang sunflower avatar ko — may pangil yung generated wavatar “sign” ng WP o.
Comment ni homebodyhubby Mayo 29, 2009 @ 4:19 umagawow! I love this thanks for sharing!!!!!!
Comment ni Jojo Mayo 29, 2009 @ 5:42 umagaso anong nangyari? sinunod mo nga ba ang sign? dpat daw pag ganyan sinusunod talaga. haha.
Comment ni Alea Mayo 29, 2009 @ 9:52 hapon